Chapter 47: Why me?

Magsimula sa umpisa
                                    

"Wala naman po. May pakwan po pala akong binili, at gumawa rin si Manang Cristy ng macaroni."

"Naku nag-abala pa si Cristy, pero salamat." Iniabot ko kay Tita Jelyn ang isang box ng macaroni na dala ko.

Halos tatlong linggo na ang nakakalipas matapos kong makilala si Tita Jelyn at si Shine, napapangiti na lang ako sa tuwing maaalala ko ang mga sandaling makasundo ko sila sa unang araw na pagkikita naming. Nang dahil kay Dia mas nadagdagan ang dahilan ko para magpatuloy sa buhay, nadagdagan ako ng kaibigan at maging si Manang Cristy. Mabuti na lang pinayagan ako ni Kuya at ni Papa na dumalaw dito sa bahay nina Dia, kahit alam kong delikado ay nakakauwi pa rin akong maayos ang kalagayan.

"Diba nabanggit mo na pagkauwi ni Dia ay ipapakilala mo sa kanya ang boyfriend mo?"

"Yes po."

"Good luck hija, naalala ko tuloy ang kabataan ko." Imbes na may ngiti sa labi ang makikita ko sa mukha ni Tita Jelyn ay kabaliktaran ng sinasabi niya.

"Hindi po ba kayo nagkatuluyan ng crush niyo? Or ng first love niyo or true love?"

"Nagkatuluyan naman."

"Wow! Talaga po?"

"Pero...

Naputol ang excitement ko sa pambibitin niya.

"Pero hindi ko na alam kung nasaan siya?" Napakunot ang noo ko sa mga oras na iyon.

So ibig sabihin hindi Papa ni Shine ang true love niya? Anong hindi alam kung nasaan? Iniwan ba siya o nasa kabilang buhay na? 

Maya maya pa ay naramdaman ko ang pagkalungkot sa hitsura na nakikita ko aky Tita Jelyn, para akong nanonood ng telenovela na may twist pa ang love story ng bida.

"Almost 13 years na ang dumaan pero hanggang ngayon hindi pa rin siya bumabalik."

Doon ko na lang naramdaman ang sakit sa sunod na sinabi ni Tita Jelyn. Agad kong hinawi ang luha na pumatak mula sa mata ko. Ang sakit siguro sa part niya na hanggang ngayon ay naghihintay pa rin siya sa pagbabalik ng first love, true love or crush niya.

"He's my first love, true love and my first ever crush. Ang malas ko lang kasi mas pinili niya ang trabaho niya kaysa sa amin na pamilya niya."

"I'm sorry po hu hu."

"No, it's fine. Teka bakit ikaw ang naiyak diyan? Ha ha, ako dapat ang humahagulhol sa iyak dahil ako ang iniwan ha ha."

"E kasi naman po nakakaiyak ang ginawa sa inyo ng first love, true love at first ever crush niyo. Kung sa akin 'yan nangyari hindi ko alam kung saan ako pupulutin hu hu."

"Tama nga ang sabi ni Dia at Shine, sa laki mong tao iyakin ka pa rin." Napatawa ako ng kaunti habang pinupunasan ang luha ko.

.

.

.

Matapos ang maladrama naming pag-uusap ni Tita Jelyn ay naisipan kong omorder ng pananghalian, at dahil paborito niya ang pasta, sa Yellow Cab ko naisipan bumili ng chicken pasta at drumsticks. Hindi ko naman alam ang favorite food ni Tita Alondra dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising.

.

.

.

Aria's POV

"Ma'am saan ko ilalagay ang mga board na ito?" Tanong ng isa sa mga staff ng event.

"Doon na lang Kuya, then pakipatas po ng mga balloons sa bandang kanan, hindi po kasi balance ang design."

Unexpected RoyalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon