Nang makarating kami roon ay madami na ding mga tao roon. May ilang teachers pa akong nakita roon mula sa school namin. Hindi ako humiwalay kina Mommy kasi hindi ko naman ganoong kakabisado ang lugar na'to. Para sa wedding ceremony, narito kami ngayon sa isang simbahan para roon.

Medyo lumiwanag ang mata ko nang makita ko si Ryden. I saw him walking in the aisle together with his partner. Mga bride's maid. Nakaramdam ako ng bahagyang pagkirot ng dibdib ko and I shouldn't mind! they are just partners. He likes me! Pero hindi niya siguro ako nakita kasi seryoso siyang nakatanaw sa unahan.

I saw Ma'am Saldivar with her wedding gown and she looks stunning! Ang ganda niya lalo ngayon at bumagay rin ang itsura niya sa wedding gown niya. Lumingon ako roon sa banda ng groom and my heart felt warm nang makita siyang nagpahid ng sariling luha while watching Ma'am Saldivar walking in the red carpet aisle.

Matapos ang wedding ceremony ay dumiretso na  kami sa reception nila which is medyo malayo rito sa amin dahil sa isang hotel. ginanap iyon.

The wedding was held in a hotel not so far from our place and while Mom and Dad was busy communicating, I was there busy appreciating the place. Hinatak ako ni mommy roon sa isang pamilya sa katabing table. Dad is also with us.

“Harriette! How are you! grabe infairness ah after years ang slim mo pa rin.” I heard to woman complimented.

Mommy chuckled. “Naku nagkaka-wrinkles na nga ako eh, ikaw kamusta na?”

“Eto stay single pa rin, wala eh wala na akong mahanap na matinong lalaki by the way, how's your business Chester?”

Tunmikhim si dad. “Still the same kailangan kong magpaka-workaholic kasi always busy lalo na noong nakaraan at holidays. Sobrang busy sa mall.

I swear I felt like a potato here. I feel out of place!

“By the way I want you to introduce to my only daughter, Ayezza.” Nakangiting pagpakilala ni mom.

“Oh? walang kapatid? wala kayong planong sundan?” Parang malungkot na sabi nung babae. Hindi ko siya kilala eh. Umiling lamang ang parehong magulang ko.

Pilit na ngiti ang iginawad ko sa babae at kaunting bati lamang ang ginawa ko.

“Hi just call me ate Mira. If you don't know, I'm your mom's best friend back then.” She genuinely smiled at me. I smiled simply to her.

We got along a lot but mostly, silang Mommy lang ang nagkaka-usap.

Nagpaalam si daddy sa amin na may sasagutin lang daw siyang call kaya kami lang ang naiwan doon, si mommy at iyong si ate Mira.

Marami silang pinag-usapan roon hanggang sa may dumating na lalaki sa harap namin.

“Oh! here's my son, Jazen!” Pakilala ni ate Mira . Halata ngang anak niya iyon kasi medyo magkamukha sila. “Jazen, meet Ayezza your Tita Harriette's daughter.” Pormal nitong pagpapakilala.

I didn't see that coming. Ang biglaang pagpapakilala kaya wala sa sarili akong ngumiti.

“Hi. I'm Jazen Arceo.”

“H-Hello. Ayezza Acosta.” I shyly responded.

“Wanna get some drinks? Samahan na kita.”

Nahihiya akong umiling. “I don't drink.” I smiled apologetically. “Minor.”

“Oh? Well, it's not obvious. Hmm, don't worry, it's not a hard liquor. Hindi nakakalasing.”

“Sige, later.”

Naalala ko tuloy si Ryden sa lamig ng boses niya at pati na rin ang mga titig niya.

He just stayed there all the time at wala naman akong pakialam. Magkatapat kaming dalawa kaya hindi ako komportable ngayon. Lalo na' t feel kong nakatitig siya sa akin.

The Living FictionsWhere stories live. Discover now