How dare he act like parang wala lang tapos ako parang ginigiyera na sa loob-looban? Tapos kanina, hinawakan niya pa ang kamay ko. Ang lambot n'on! sarap gawing stress reliever sa lambot! Ilang minuto pang pag-iisip sa kaniya ay nakatulog na nga ako ng matiwasay.

***

“Ms. Acosta can you help me to bring my things to my office?”

“Yes ma'am.”

Walang pasubali akong tumayo para tulungan si Ma'am Saldivar sa mga gamit niya. Nagpa-summative test kasi siya sa amin kasi bukas na ang examination namin. Kaya nagpapatulong siya sa mga ilang gamit niya kagaya ng test papers.

“Ako na, hati tayo.”

Nagulat ako ng biglang agawin sa'kin ni Ryden ang kalahati ng mga test papers. Hindi pala kalahati kasi feeling ko, limang papel nalang ang natira sa'kin. Ang gaan tuloy! Hindi nalang ako umangal kasi baka mautal pa ako.

“Asus, alam ko na iyang mga galawang 'yan,” sambit ni Miss Saldivar sa unahan namin.

Bigla tuloy naging manipis ang pisnge ko at nakaramdam ako ng hiya idagdag pa natin itong kaba na nararamdaman ko.

Pagkarating namin sa faculty room ay pumaroon agad kami sa table niya. Marami ring teachers doon na may kanya-kanyang sariling mundo. Busy silang lahat siguro dahil na rin sa exam bukas. They're all busy preparing for it.

Kakalapag lang namin ni Ryden ng mga gamit namin ng biglang may parang card na binigay sa'kin si Miss Saldivar.

“Please come to my wedding.” Parang batang pagmamakaawa ni Miss.

Hindi ko alam ang isasagot ko kasi biglaang pag-invite iyon.

“Ate mag-aasawa kana pero kung makanguso ka diyan dinaig mo pa si Ryla.”

Inirapan lang siya ni Ma'am Saldivar at akmang sasapakin ng test paper.

“It's okay you don't need to decide now, pakibigay na rin niyan sa parents mo and sana pupunta kayo, nakalagay na diyan lahat ng information about sa wedding but if you have something to ask pa, itanong mo lang sa pamangkin ko. You seems close naman eh.” She winked at me.

“Ah, sige po Ma'am.” Magalang kong sagot.

Sumulyap ako kay Ryden at nagpaalam na kaming pareho dahil baka paparating na ang next subject namin.

Days passed by and dumating na nga ang saturday. Nasabi kasi roon sa wedding invitation na Saturday ang wedding and it will start on 2:00 pm. I already gave the invitation to my parents and I don't know why grabeng tulala ang reaction nila. But well pumayag naman sila na um-attend kami roon. That means, I and Ryden will probably see each other now so much better to make myself pretty! Well, I think it's normal to make yourself pretty infront of someone you like.

I just wear a royal blue silk sleeveless dress. It exposes my legs pero hindi naman siya ganoong revealing talaga. Though, it has a tiny slit at the side to make it look much prettier. I put my hair in a high ponytail and put some light make-up on my face and I made sure na bumabagay ang shade sa outfit ko. Ayaw kong magmukhang payaso roon 'no.

Natagalan ako sa salamin because I was still busy appreciating my looks. Ilang sulyap pa ang ginawa ko sa aking likuran dahil may pagka backless ang nabili kong damit. It happened na kakulay ng motif ng event bagong bili kong dress online. And since we'll have to go to a church, sinuotan ko nalang iyon ng white fitted cardigan to look appropriate.

Pagkatapos namin mag-ayos ay sumakay na kami sa sasakyan namin at sa tanda ko ay sa kinatagal tagal naming hindi magkasamang pumunta sa isang lugar, ngayon lang ulit kami nagkakasama. Okay, this day already mean something great to me.

The Living FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon