"Whoooo nag aaway ang bagong couple ng Class B" sabi ni Randall.

"Yiee"

"huh sila na?"

"Ship ship"

"sanaol may jowa"

"Kelly swerte mo naman"

"hindi ba ang awkward nandito ang ex ni Zaren?"

Yan ang mga naririnig sa loob ng room nakakarindi ang chismosa naman kasi nitong Randall eh.

"What?" biglang tanong ni Dymma.

"Dymma?" Medyo kinabahan ako nung makita ko syang nakatingin saakin.

"Listen everyone" biglang tumayo si Zaren at nabaling ang attention ng lahat sakanya..

Hinawakan nya ako sa kamay at hinila ako para makatayo kaso ayokong tumayo. "Wife what are you doing?"

"Ayoko" kaya pinilit nya akong tumayo para na kaming tanga dito, hinihila nya ako, at ako naman ayoko talaga halos malaglag na ako sa inuupuan ko.

"Please" sabi nya kaya no choice ako saka sumasakit na rin ang likod ko sa position ko.

"Kelly and I are dating" sabi nya kaya kitang kita sa mga mukha nila na nagulat sila..

"Congrats Kelly and Zaren" bati ni Ariezel.

"Uy congrats" sabi ni Tob.

"yiee Stay strong sa inyo"

"Sanaol"

"how to be you Kelly"

Yan ang mga sinasabi ng mga kaklase namin.

"Kelly Congrats ship na ship namin kayo" sabi ni Glaze saka inakbayan si Ariezel.

"No!" Sigaw ni Dymma saka nag walk out.

"Kita mo na? Nag walkout tuloy si Dymma."

"I don't care" saka umupo sya aba gago to nanakit ng damdamin wala syang pakealam?

______________________________________
"Glaze, bakit mag-isa kalang?" Tanong ni Mayo kay Glaze na nasa library ngayon.

"Ahh, tinatapos ko lang itong notes ko hindi na ako nagpasama kay kelly alam mo naman haha"

"Oo nga"

"Ang swerte ni Kelly kay Zaren"

"No, mas swerte si Zaren ngayon lang sya umibig" anito kaya nagtataka si Glaze bakit sinabi ni Mayo yun.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Matagal ko ng kilala si Zaren, wala syang nagustuhang babae"

"Eh diba naging sila ni Dymma?"

"Si Dymma ang may gusto kay Zaren at kailan man hindi niligawan ni Zaren si Dymma nasabi lang na ex nya kasi kilala silang couple dati kaya akala ng lahat naging sila."

Ibig sabihin assumera tong si Dymma.

"Hala, kulang ang notes ko paano na ito?"

"Anong subject ba yan?"

"Sa Science"

"Ah sandali, eto oh meron ako buti nalang nadala ko" inabot nya saakin ang notebook nya.

Pagbukas ko nakita kong meron drawing isang babae parang famillar saakin, bumibilis ang tibok ng puso ko nung makita ko yon.

"Ikaw ba gumuhit nito?" tanong ko sakanya.

"A-ah y-yes" nauutal nyang sabi.

"Sino to? Special siguro sayo ang taong to no?"

"Sobra, sya ang dahilan kung bakit nabuhay ulit ang puso kong namatay"

"namatay? Naano ka?"

"Hahaha wala sige na kopyahin mo na"

Ang swerte naman ng babaeng yan, sana ako nalang.

Oo may itsura si Mayo, at hindi yon maikakaila maraming nagkakagusto sakanya bukod sa gwapo na mabait pa at gentleman din, halos nasakanya na ang Ideal type ko eh..

Ang swerte nung babae..

Nakatingin parin ako sa drawing nya.. "Bakit mo tinitignan yan?" Tanong nya.

"Ang swerte naman ng babaeng to, napaka swerte nya sayo sana mahalin ka nya at alagaan" sabi ko.

Ang sarap nyang mahalin hindi ka magsasaw sa pagiging care nya.

"You mean, you're lucky" biglang sabi nya.

"H-huh?" Biglang tumigil ang mundo ko, para akong nabingi sa sinabi nya tama ba ang narinig ko? Oh nagiging assumera na din ako gaya ni Dymma?..

"that's you, You are the woman I like for a long time" dagdag nya, Kaya hindi ako makapaniwala ang ibig sabihin ba ako ang special na babae na tinutukoy nya? Ako ba ang dahilan kung bakit nabuhay ang puso nyang namatay? Teka lang hindi nag sisink in sa utak ko.

"I like you----I love you Glaze" sabi nya  na nagpabilis lalo ng tibok ng puso ko.

Thank you❤️

How to tell if my shy boyfriend is deeply falling in love with me 💘(COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ