CHAPTER 33

14 1 0
                                    

Natatawa ako kasi may ng pm saakin pwede ba daw gumawa na ako ng book, tapos hiniling pa na sana wag mag paid story to* suskufuuu Underatted Author lang po ako di ko pa afford yang wish mo ga😂🙏


Habol hininga kong pagpasok sa room habang hinahabol ako ni Zaren, pagdating ko lahat ay nakatingin saakin at kay Zaren na habol hininga rin kakatakbo.

"Napano kayo?" Tanong ni Glaze.

sya namang nagsalita si Dymma "Nagalalaro kayo? Can I join?" Aniya.

I just rolled my eyes.

Naramdaman kong hinawakan ni Zaren ang kamay ko saka hinatak papunta sa upuan agad kong binawi ang kamay kong hawak hawak nya "Wag mo akong hawakan manyakis ka" sigaw ko, nanlaki ang mga mata nya at namula ang mukha hanggang tainga.

"What did she say?"

"Manyakis? Tinawag na manyakis si Zaren?"

"Bakit kaya?"

"Pre kelan ka pa naging manyakis? Hhahahaaa" tanong ni Randall saka tumawa, binatukan nalang ito ni Tobias para tumigil.

"Hoy babae tumigil ka hindi ako manyakis" mahinang sabi ni Zaren.

"Pft. Kelly bakit punit yang blouse mo?" Natatawang tanong ni Glaze.

Agad na nagbulungan ang mga chismosa't chismoso kong kaklase. "It's an accident" sabi ni Zaren.

Dumating bigla ang Teacher namin kaya nagsi upo na kaming lahat, pilit kong inaayos ang punit kong blouse kasi kitang kita kapag hinahayaan ko lang.

"I'm sorry" sabi ni Zaren.

"Mayaman ka diba?"

"Why?"

"Ibili mo ako ng blouse hindi ko ito kakayanin hanggang mamaya" biro kong sabi may blouse naman ako sa locker ko.

Hindi na nagsalita ang asungot, wala talaga syang balak gumawa ng paraan kahit man lang mag volunteer kunin ang blouse ko sa locker ko?Ayhshsh.

Lunch break na kaya yung iba lumabas na, ako naman hinihintay ni Glaze kasi nililigpit ko pa ang gamit ko. "Oh pin, masyadong kita ang balikat mo" sabay abot saakin ang malaking pin. "Salamat".

"Ano bang nangyare?"

"Bigla nalang nyang hilain blouse ko kaya napunit, wala naman syang intention na masama aksidente lang"

"Yun naman pala e bakit tinatawag mo pang manyakis yung tao?"

"Basta"

Biglang dumating si Zaren na may bitbit na paper bag inabot nya saakin ito, mamahalin yung paper bag kasi matigas pero magaan naman ano laman nito?

"Ano to? Maagang pamasko mo kay Kelly?" Tanong ni Glaze.

"Open it" sabi nya saka umalis.

Pagbukas ko, "what? Bumili talaga sya? Nagbibiro lang naman ako"

"Ano ba yan? Huh? Yiee binilhan ka ng blouse imported ah"

How to tell if my shy boyfriend is deeply falling in love with me 💘(COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum