Panimula

1 0 0
                                    

"Ariana Maryss Ramirez is found dead in her own house. Wala pang sinabing dahilan ang mga pulis tungkol sa pagkamatay ni Ariana, dahil di umano ay dalawa ang nakikita nilang dahilan ng ikinamatay nito. Una, ay suicide dahil sa kadahilanang mag isa daw ito sa bahay may ilang linggo ng nakararaan. Pangalawa naman ay pinatay daw di umano ito dahil may nakitang fingerprints sa loob ng bahay. Sa ngayon ay patuloy na nag-iimbistiga ang mga pulisya ukol sa kasong ito." ulat sa balita.

Sa tanang buhay ko, hindi ko aakalain na makikita ko ang sarili kong mukha sa telebisyon ngunit iba ang pangalan at pamumuhay.

Halos hindi ko maalis ang mga mata ko sa tv. Pakiramdam ko ay kunektado ang buhay ko sa babaeng namatay. Bakit pakiramdam ko iisa kami?

Lumipas ang araw hanggang sa inabot ng isang linggo, tungkol pa din kay Ariana Ramirez ang laman ng mga balita.

"Wala pa ding lead ukol sa kaso ng yumaong si Ariana Maryss Ramirez. Nakaburol ang labi nito sa bahay ng kanyang mga magulang, sa Ramirez mansion. Hindi pa din nahihingian ang pamilya Ramirez tungkol sa ikinamatay ng nag-iisang anak na babae ng mga ito."

Nag-iisang anak na babae?

Kamukhang-kamukha ko siya. Magka-iba lang buhok at mga mata namin bukod doon, lahat ay parehas na.

Sino ka nga ba Ariana Maryss Ramirez?

Bakit pakiramdam konektado tayo?

Bakit pakiramdam ko kilala kita?

"Alyanna, may naghahanap sa'yo." pukaw ni Sandra sa akin.

"Huh? Sino daw?" pagtatanong ko.

"Ah, eh, lawyer daw siya. Ikaw daw ang kailangan niya." sagot nito.

"Wala akong kilalang abugado, Sandra. Pero sige papasukin mo." kunot-noong tanong ko. Nag-iisip kung ano ang sadya ng isang abugado sa akin.

Ano nga ba?

Maya-maya lang ay pumasok si Sandra kasama ang isang lalaki. Hindi katandaan para sa isang abugado na nasa isip ko. Maganda ang kanyang tindig. Hindi ko matukoy kung maamo ba ang kaniyang mukha dahil blanko iyon.

"Good afternoon, I'm Alexander Davis. Ako ang lawyer ng yumaong kinilala mong ina. Binilin niya sa akin bago mamatay ay ibalik ka sa tunay mong mga magulang. At sa tingin ko ay tama siya lalo pa ngayon na patay na ang kambal mo. I'm sure you already saw it on television." Pakilala nito.

Pakiramdam ko ay nalula ako sa mga sinabi niya.

Kambal?

Totoong pamilya?

"A-Anong sabi mo?" naguguluhang tanong ko.

"I'm sure you heard me clearly. You just want me to repeat what i've jus said." usal nito bago bumuntong-hininga at ibinuka muli ang bibig. "That--" turo niya sa tv kung saan laman pa din ng balita ang nangyari kay Ariana Ramirez. "--is your real family. At ang babaeng namatay na sinasabi sa balita, ay ang kakambal mo." walang prenong sabi nito.

Tinitigan ko siyang mabuti, inaalam kung nagsasabi ba siya ng totoo o nagbibiro lang. Ngunit kahit anong pagsuri ang gawin ko sa kaniya ay hindi ko makitatang pinaglalaruan niya lamang ako.

Magsasalita na sana ako ngunit inunahan niya akong magsalita.

"Kailangan mo ng bumalik sa pamilya mo, Alyanna Maxine Ramirez."

Alyanna Maxine RamirezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon