Tamad na nakatunghay ako sa bintana habang patuloy sa pagd-discuss si ma'am. Silip sa orasan, buntong hininga. Paulit ulit kong gawain simula pa kanina. Nagulo ko sa inis ang aking buhok, tagal maguwian nyawa.
"Si Prinsesa Esmeralda at Prinsepe Lancelot ang s'yang itinadhana para sa isa't isa, silang dalawa ang ipinasya ng Diyos ng Pagibig." napukaw nito ang atensyon ko.
"Subalit sa kasamaang palad ay magkalaban ang dalawang kahariang kinabibilangan ng mga ito. Gayunpama'y ipinaglaban ng mga ito ang kanilang pagiibigan." pansin ko ang saglit na paglungkot ng ekspresyon nito.
"Ginawa ng dalawang magkasintahan ang lahat para sa kanilang pag ibig, mahigpit na tutol dito ang Inang Reyna ng Prinsepe, dahil ang nais n'ya para sa anak ay si Prinsesa Adela na nagmula sa kahariang kakampi nila."
"Ano ba 'yan may paepal nanaman!" iritadong wika ni Trisia na nakapagpatawa sa kanila, samantala nanatili akong tahimik at nagaantay ng katuloy.
"Si Prinsesa Adela ay labis ang pagkahumaling sa Prinsepe kaya't s'ya ang unang tumutol nang sinabi nito na nais n'yang magpakasal sa Prinsesa ng kahariang katunggali. Gumawa ng hakbang ang Hari at Reyna nang malaman nilang walang kahit anong salita ang makapipigil sa Prinsepe para makipag isang dibdib kay Prinsesa Esmeralda, ikinulong nila ito sa isang kulungang nasa kweba na hindi pinupuntahan ng kahit sino upang wala s'yang mahingan ng tulong." nangatal ako sa aking narinig.
"Pinahirapan sya't ginutom, hindi pinainom ng tubig sa tuwing nauuhaw dahil inisip ng Hari at Reyna na magbabago ang isip nito kapag pinahirapan nila, subalit nanatiling matatag ito sa kanyang pangako kay Prinsesa Esmeralda." bahagya nitong pinunasan ang nanunubig n'yang mga mata.
"Nakaramdam naman ng awa si Prinsesa Adela kaya't ninais n'ya itong tulungan." tuluyan akong nanghina sa narinig at nanlabo ang aking paningin. Gising ang aking diwa subalit hindi ko magawang imulat ang aking mga mata.
Sa aking nakapikit na mata ay may ala alang naglaro sa aking isipan.
-
Isang prinsesa ang pumunta sa kweba at pinakawalan ang prinsepe, inakay n'ya ito at ginamot hanggang sa unti unting manumbalik ang lakas nito. Silang dalawa ang naging magkasama sa nakalipas na taon, pansin ko ang saya at galak sa mata ng prinsesa sa tuwing kasama n'ya ang prinsepe.
-
"Iniligtas n'ya si Prinsepe Lancelot at kinupkop sa loob ng maraming taon habang isinasagawa ang kanyang plano, ang paibigin ito." rinig kong pagpapatuloy ng aking guro.
-
Naputol ang ala alang lumitaw kanina at napalitan ng bago. Sa pagkakataong 'to umiiyak na si Prinsesa Adela, na s'yang tumulong kay Prinsepe Lancelot sa mahabang panahon, nakatanaw s'ya sa larawan ng dalawa na kapwa sabik na sabik sa isa't isa.
-
"Nang muling magkita ang Dalawang magkasintahan sa tulong ni Prinsesa Adela ay muling nanumbalik ang pait sa dibdib ng dalaga, labis labis ang kanyang pagkainggit dahil s'ya ang nakasama nito sa mahabang panahon subalit hindi man lang humigit sa kaibigan ang pagtingin ng Prinsepe sa kanya." nakaramdam ako ng awa para sa Prinsesang nagmahal lang naman.
-
"Lumayas na tayo mahal kong Esmeralda, magpakalayo layo tayo, pumunta tayo sa lugar na s'yang walang hahadlang sa ating dalawa" sambit ng Prinsepe na paulit ulit tinanguan ng Prinsesa habang umiiyak. Napatingin naman ako sa prinsesang ngayon ay nakatingin sa kanila ng matiim at puno ng puot ang mga mata, ramdam ko ang matinding galit n'ya.
Dumating ang araw ng pagtakas ng Prinsepe at Prinsesa, patungo na sila ngayon sa kahariang itinalaga sa kanila ng Diyos ng pag ibig, ang Antartica. Isang kontinenteng may mababang klima, at ang kanilang pag ibig ang s'yang magsisilbing init ng kontinenteng ito.
Subalit sa kalagitnaan ng kanilang pagtakbo mga armadong lalaki ang humarang sa kanila.
Puno ng dugo ang kasuotan ng Prinsepe habang wala namang tigil sa pag iyak ang Prinsesa. "TUMAKBO KA NA MAHAL KO, SUSUNOD AKO PANGAKO!" madiing wika nito na inilingan ng Prinsesa tsaka s'ya lumaban kasama ng Prinsepe, subalit madali silang nanghinang dalawa dahil sa dami ng kalaban. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita, "PRINSESA ESMERALDA SA LIKOD MO!" sigaw ko sa aking isipan, pinilit kong magsalita subalit walang lumalabas na tinig sa akin. Napaupo ako at napahagulgol ng makita ang sinapit ng magkasintahan, sabay sila namatay sa iisang panang gawa sa ginto. Inilipat ko ang aking paningin sa likod ng puno, napaawang ang bibig ko sa babaeng nakangisi sa sinapit ng dalawa, si Prinsesa Adela!
"Mamatay ka nalang kung hindi ka mapapasakin." wika nito saka tumalikod na parang walang nangyari.
-
"Isa lamang ang paraan kung paano muling magkakaroon ng init sa Antartica." mahinang saad ni ma'am.
Matapos mamatay ng magkasintahan ay bumaba sa lupa ang Diyos ng pagibig at sinabing tuluyan ng mawawalan ng init ang Antartica at mamatay ang bawat nilalang na s'yang nakatira roon, matapos no'n ay habol ang hininga na gumising ako.
"Magbabalik lamang ang init sa Antartica kung mapapatay ang babaeng reinkarnasyon ni Prinsesa Adela, ang dahilan ng lahat." mariing sabi nito habang nandidilim ang mga mata. Nakakakilabot.
"Ngunit paano natin malalaman kung sino ang babae, ma'am?" nanginginig na tanong ni Rian.
"Sa kanyang balat sa palapulsuhan na hugis korona." tuluyan na akong nangatal sa aking narinig.
A-ako ang reinkarnasyon ni Prinsesa Adela!
———
Agsvbdhdhdhd. : )
