Teaser

34 2 0
                                    

Teaser

Sabi nila ang pag-ibig daw ay tumbalik. Kung saan hindi pwede ay doon ka nagkakagusto. Alam mo na may masisira, ipinipilit pa rin ng puso mo. At kahit masakit na, siya pa rin ang pinipili mo.

Kasi nga daw mahal mo. Naniniwala ka na kayo talaga ang para sa isa't isa. Kaya ipaglalaban mo.

Pero para sa'kin kasi hindi lahat ng pag-ibig ipinaglalaban. Merong pag-ibig na kailangan mo ng tigilan, kasi sa huli ikaw din naman 'yong masasaktan. Hindi sapat na dahilan ang gusto mo siya at gusto ka niya. If you two fight for it while the whole world disagrees, it will be useless, that is the sad reality.

Ika nga ng paborito kong manunulat--- ‘without the reason, time and destiny's approval, hinding-hindi kayo magkakatuluyan. Kahit gaano niyo pa ka gusto ang isa't isa.’

Kasalukuyan akong nanunuod ng tv habang nakaupo sa aming kulay pilak na sala. Dinadama ang malamig na hangin na nagmumula sa nakabukas na bintana.

Tahimik ang paligid, tanging telebisyon lang ang nagbibigay ingay sa walang kabuhay-buhay na silid.

Alas-onse y medya na ng gabi. Pero ito ako at hindi pa rin makatulog. Iniisip ang mga bagay na hindi ko na dapat isipin at ibinabaon na sa limot.

Habang yakap ang dalawang binti ay naagaw ng pansin ko ang tanong sa mga kandidata. Isa 'tong beauty pageant na kasalukuyang nagaganap sa isang Pilipino channel.

"If you are to choose one, which would you pick. Career or love? Why?" tanong ng babaeng judge sa kandidata.

Ngumiti ang kandidata at tsaka confident na sumagot. Halatang sigurado na sa isasagot pagkarinig na pagkarinig sa tanong.

"If I would given a chance to choose between career or love, of course I'd choose career."

As I expected...

"Yes, they said love can conquer all. Basta raw kasama mo ang taong nagpapatibok sa puso mo ay magiging magaan ang lahat. But practically, mapapakain ka ba ng pagmamahal mo? Nanggaling ako sa isang mahirap na pamilya... and I experienced the struggles of being unemployed lalo na pag may pamilyang umaasa sa'yo. Kaya magtiwala na lang tayo sa tadhana dahil kung kayo talaga ang para sa isa't isa. It will find ways para kayo ang magkatuluyan, maraming salamat po." Nagsigawan at palakpakan ang mga tao.

Napatango-tango ako sa sagot ng kandidata. Tama nga naman siya, love can wait.

Muling inulit ng judge ang tanong sa susunod na kandidata.

"Thank you for that question, for me Ma'am and Sir... I will choose love.” Kapansin-pansin ang biglang pagtahimik ng manunood dahil sa pinili ng contestant.

“Well yeah... career is a symbol of someone's achievement and hard work. Pero aanhin mo naman lahat ng 'yon kung iyong taong pinakamamahal mo at nagpapasaya sa'yo ay pag-aari na ng iba? It's like leaving in a black and white world, no genuine happiness at all. Not all love can wait. So, fight for it before it's to late." Medyo naluluha na sagot ng kandidata na para bang napagdaanan niya ito.

Meron din siyang punto. Now, I'm confused.

Hindi ko na alam kung tama ba ang naging desisyon ko.

Sinunod ko ang gusto ng karamihan. Hindi ko sinaktan ang nag iisa kong kaibigan. At kapalit no'n ay hindi ko ipinaglaban ang aming pagmamahalan.

Because in my case, I choose friendship over love.

The Great Seducer || Farillion Brothers Series IIWhere stories live. Discover now