"Yeah. I've already matured at hindi na katulad ng dati ang pagtrato ko kay Tita. So how about you? What's your story?" Nagmake face kaagad ako sa harap niya bago iwinasiwas ang kamay ko sa ere.



"Ayoko munang magdrama sa ngayon! Masaya naman na ako." Nakita ko ang dahan-dahan niyang pagsimangot.



"Unfair."



"Hindi naman kasing drama ng buhay mo ang buhay ko no!" Ngumuso ako bago tumingin sa ceiling. "Pero sige na nga. Magkukwento ako."



"Magkukwento rin naman pala. Pinapatagal mo pa."



"Bakit parang naririnig ko na sila Jethro sa tono mo?" Naningkit ang mga mata ko. Iba talaga ang nagiging epekto ng mga taong jologs sa mga mayayaman.



"Sige na. Continue."



"Ayoko na! Bad mood na ako!" Humalukipkip ako at biglang nagpop up sa utak ko ang totoo talagang pakay ko.



"Nga pala! Gusto mo bang magkaayos na kayo ng Tatay mo?"



"Hindi na siguro." Bumaba ang tingin niya sa sapatos niya at ginalaw ito. "Reconciling with him won't bring back Mom alive."



Napanganga ako. Napaka nega ng pag-iisip ng lalaking to! Kaya naman hindi nakapagtataka kung bakit hindi pa rin sila nagkakaayos hanggang ngayon.



"Eh? Ano ba namang pag-iisip yan? Akala ko ba matalino ka?" Binatukan ko siya na nagpalaki ng mga mata niya.



"Why? May mali ba?"



"Oo no! Paano kung yung Tatay mo naman ang mawala? Sinasayang mo lang yung mga oras na dapat ay magkaayos kayo! Nagbobonding! Ganun!"



Sandali akong natigilan ng maalala ko nanaman si Nanay. Bakit parang tinatamaan naman ako sa mga pinapayo ko ngayon kay Hanson?



"Maybe you're right. But I also don't know how the two of us will reconcile." Ngumiti ako bago mabilis na nilabas ang kwintas ko.



"Ipaubaya mo na sa akin! Alam ko kung papaano!"



Hinila ko siya papalabas ulit ng classroom at naghanap ng pwestong nasisinagan ng araw. Nakatitig lang siya sa akin at nag-aabang sa kung anong susunod kong gagawin. Pinikit ko na ang mga mata ko habang hawak ang pendant at binanggit ang hiling.



'Sana sana sana magkaayos na si Hanson at ang Tatay niya!'



Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ang pagliwanag ng kwintas ko.



'Ang iyong kahilingan ay matutupad na.'



"Uhm. What are you doing?"



Muli kong tinignan si Hanson na magkasalubong ang mga kilay habang nakatitig sa akin. Ako nga lang ata talaga ang nakakakita ng pagliwanag ng kwintas at nakakarinig nung kakaibang boses.



"Humiling ako para magkaayos na kayo ng Tatay mo!" Kumurap siya ng ilang segundo at ng makitang seryoso pa rin ako sa sinabi ko ay bigla siyang ngumiti at ginulo nanaman ang buhok ko.



"Okay. Thank you for that. I just hope that it will really happen."



"Magkakatotoo talaga! Promise!" Kinulit ko pa siya ngunit napasimangot ako ng tumango tango lang siya. "Bakit ba ayaw mong maniwala?!"




"Uhm. Dahil hindi kapani-paniwala yung sinasabi mo-" Hindi na ako nakapagpigil at kinurot siya sa tagiliran niya. "-Oh fvck fvck! That hurts!"



A Little Bit of SunshineWhere stories live. Discover now