"Hi, Maria Margarita!"

Mula sa pag aayos ko ng aking gamit ay napalunok ako dahil narinig ko ang boses ni Rad.

It's been a long time.

Nagkaingay ang mga tao sa loob at ang ilan ay kinantyawan na kami kaagad. I only smiled at them at hindi na nag abala pa na lingunin si Rad. Ramuel Drei Suson. Ang lalakeng bigla na lang lumapit sa akin aa mall.

"Gosh! Tinawag ka ni Rad!" kinikilig na sabi ni Ella nang makalapit siya sa akin. Siya ay isa sa mga interviewer.

"Oh my! He's coming!" bigla namang sabi ni Sunny. Director.

Kinabahan ako nang sabihin niya iyon. Nilingon ko si Rad na ngiting-ngiti na naglalakad na papalapit.

Sa kada hakbang niya ay dumodoble ang kaba ko.

"Maria—"

"Sorry, I'm late!"

Nabitin ang sasabihin ni Rad nang may magsalita mula sa entrance at doon naman natuon ang atensyon ng lahat. Si Rad ay mabilis na lumingon kay River na siyang pinalibutan kaagad ng mga kababaihan.

Nawala ang atensyon ng lahat sa amin ni Rad. Naglapitan lahat kay River. Nagulat ako sa nangyare at siguradong si Rad din. Naglakad siya palapit sa akin kaya naman bumalik ang kaba ko.

"M, can I score a date with you later?—"

Muling naputol ang sasabihin ni Rad nang maglakad si River mula sa kaniyang likuran. Dinali pa ni River ang balikat ni Rad. Kabang kaba ako nang akala ko ay sa akin dederetso si River pero nagkamali ako nang lagpasan niya ako matapos bumulong.

"Lumapit ka lang sa mga kasamahan mo. He'll surely go near you later again. Ako bahala gumawa ng paraan para hindi makalapit nang tuluyan," he whispered. Tila walang nangyare dahil dumeretso siya sa bench.

Nanlaki ang mata ko nang ilagay niya ang kaniyang gym bag sa tabi ng bag ko.

"Okay, guys!" umubo si Emmer na siyang tumatayong leader ng team. "Let's... get ready na po para maaga tayong matapos!" she announced.

"Damn!" rinig kong angal ni Rad at walang nagawa kun'di ang bumalik sa team mates na inaasar na siya.

"Guys, pakikuha na muna ng vital stats nila!" paalala ni Amber na siyang assigned as commentator. Kasama niya si Chantal at Mikael doon.

"Si M at Eljham muna pakuhanin n'yo! May aayusin lang kami ni Matt!" utos ni Emmer kaya naman kaagad kaming nagkatinginan ni Eljham na hindi ko pa nakakausap matapos ang halos dalawang linggo na naming preparasyon para sa darating na liga na tumatagal ng tatlong buwan.

Wala akong nagawa kun'di ang sumama kay Eljham nang ayain niya ako na lumapit na sa mga kalalakihan na nagkakatuwaan. They're 7 teams. Marami talaga.

"Ano... ikaw na magtanong," nahihiya kong pakiusap kay Eljham na natawa sa akin at tumango.

"Hindi ko makuha kung bakit napaka mahiyain mo," he shook his head. "You're from a well-known family, your cousins are all extrovert, you join pageants and other academic contest but you're still antisocial!" komento niya at nag taas ng kamay. Nakikipag apir.

"What's that for?" tanong ko.

He smiled. "Sign iyon na hindi ka na maiilang sa akin dahil wala naman akong gagawing masama sa'yo at kailangan natin makagawa ng komportable na trabhaho," mahaba niyang paliwanag.

"I-I'll try," umiwas ako ng tingin.

"Guys, makikiayos na po muna! I need your vital statistics!" anunsyo na ni Eljham nang makarating kami sa team nila River na akala mo ay may party dahil sa sobrang ingay at gulo.

A Subtle Art of not Falling Apart (Saint Series #5)Where stories live. Discover now