Bigla kong naalala yung narinig ko kanina.

Pagkatapos namin mag unwind ng biglaan hinatid na ako ni felix sa bahay.

Pagdating ko wala ng tao sa sala mukhang natutulog na sila 7pm na pala, pagpasok ko sabkwarto agad kong sinaksak ang charger at cellphone ko saka binuksan 10 missedcalls ? Si tita? 4 missedcalls kay Jaz? At 2misscalles kay Glaze? Ganun na ba ako katagala nawala? Bumaba na muna ako para kumain bigla akong nagutom eh.

"You're na pala?" Tanong saakin ni Jaz na nasa kusina kumakain ng ice cream.

"Ang lamig tapos nag ice cream ka?"

"Nag-crave ako nito ih, saan ka ba galing bakit mas nauna pa ako sayo umuwi alam mo bang nag-alala si mama puntahan mo sya sa kwarto kanina pa yon naghihintay"

"Nag unwind lang kami"

"kami?"

Lagot sasabihin ko ba na kasama ko si felix?

"Kami ng bag ko hehe"

"wag mo ako pinagloloko Kelly Shane"

Nakakatakot talaga tong si Jazcy akala mo kapatid ni Sakuna na nakawala sa real world.

"Tinext ako ni felix na magkasma daw kayo, hindi ko na sinabi kay mama baka mas lalong mag-alala"

Chismosa rin itong felix ano.

Umakyat na ako pagkatapos kong uminom ng tubig nakita kong bukas ang kwarto ni tita, wala sana akong balak magpakita kaso lumabas sya. "Oh kellt dear where have you been?" Saka niyakap ako.

"Nag unwind lang po"

"bakit? May problema ba? Sabihin mo saakin"

"ah wala po pagod lang po ako hehe" hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko "Mag-arala kang mabuti ha promise me iingatan mo ang sarili mo, always remember na mahal na mahal kita bilang tunay na anak, someday mabubuo rin ang kulang sa jan sa buhay mo at gagawin ko ang lahat para sayo"

Saka sya bumalik sa kwarto nya.

Ito yung isa sa pinaka magandang nangyare sa buhay ko, nawalan ako ng ina pero may nagparamdam saakin na hindi ako nag-iisa at ipinaramdam na may nanay ako, naiintindihan ko na ngayon, kaya mas mabuti ng hayaan ko si tita sa plano nya alam kong may tamang oras para makita ko si papa.

______________________________________
Kinabukasan..

"Kelly, bilisan mo na kumain baka malate kayo" sabi ni tita.

"sorry pala tita pinag-alala ko kayo kagabi promise po hindi na po mauulit hihi"

"aba dapat lang hindi ko na alam ang gagawin ko kung may nangyare sa inyong dalawa, hoy Jaz kumain ka ng marami para di ka magka ulcer nagdidiet ka ba anak?"

"Ma, alam nyo naman wala akong gana kumain pag umaga"

"Kung ganyan ka nalang palagi ipapa check up kita"

"Ma?"

"Hahahaha tita ngayon na po kaya" tawa ko kay Jazcy ipapa check up daw takot kasi si Jaz ng injection kaya ayaw na ayaw nyang magpa hospital kapag may sakit sya.

______________________________________
Nakaupo na kami ngayon at hinihintay nalang namin si Professor Lim.

Bored na bored na ako naisipan kong manghiram ng book kay Mayo kaso pagkalingon ko si Dymma na ang nakita ko.

"Mayo" tawag ko kay mayo na agad namang tumingin saakin

"Pahiram ako book" iniabot saakin ni Mayo ang isang book kukunin ko na sana kaso biglang hinablot ni Dymma.

How to tell if my shy boyfriend is deeply falling in love with me 💘(COMPLETED)Where stories live. Discover now