CHAPTER 38 ~ The Obvious ~

Magsimula sa umpisa
                                    

Excited.

Nagtatakang tinignan ko siya ng bigla niyang tinaas yung pajama top ko. Then he gently kissed my tummy. Fine! Kinikilig ako! Kasi naman eh...ang sweet niya. Lalo na ngayon na magkakababy na kami.

"Athena na talaga ang pangalan? pano kapag lalake?"-me

"Chronos."

Napailing na lang ako. Hinila ko na siya patayo. Gusto ko na ng totoong almusal. Nang makarating kami sa kusina wala naman akong maisip na lulutuin. Kailangan narin namin mag grocery dahil nawawalan na kami ng stock.

"Kain tayo don sa restaurant sa baba."-me

"Bihis muna tayo-"

Inihagis ko lang sa kaniya yung jacket niya at lumabas na ako. Hindi naman malayo yung restaurant..nasa tabi lang ng condominuim namin. At saka walang dress code don.

Sinuot niya yung jacket at sumunod na sa akin. Wala kasi siyang suot na pang-itaas. Nang makarating kami sa baba ay tuloy-tuloy na pumasok kami don sa restaurant. Konti pa lang ang mga tao don na nag-aalmusal.

May iba na napapatingin samin may iba naman na walang pakialam sa mundo.

Katulad na lang nung tatlong babae na may kasama pang aso na ang cute. Biglang tumakbo yung aso at napatayo silang tatlo..hinabol nila yon kaya paikot-ikot sila sa loob ng restaurant.

"Kucki! bumalik ka dito!"

"Dalian mo abi! dun ka sa kabila chelsea!"

"Ikaw din kaya tumakbo Jasmine, nakakapagod kaya!"

Maya-maya lang nahuli na din nila yung cute na puppy..or aso? Ah ewan. Naghanap na kami ng pwesto ni Craige at napansin ko na nakatingin sila samin. Mali..kay Craige ata.

The Camp: He's A Secret Agent and I'm His Slave (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon