Hinayaan niyang makahakbang na palayo si Alvin at saka naman natuon ang kanyang atensyon kay Eric na tahimik na nakatayo di kalayuan sa kanya.

"Sa passenger seat ka na maupo," ang sabi niya kay Eric na tumango at agad naman itong tumalima at sabay silang pumasok sa loob ng sasakyan. Binuksan niya ang makina at kasunod ang aircon at saka niya pinaandar ang kanyang sasakyan.

"Saan tayo?" ang tanong niya kay Eric.

"Sa Guerrero po," ang sagot ni Eric sa kanya at medyo kumunot ang kanyang noo.

"Guererro Street ba?" ang tanong ni Martin at minaniubra niya ang manibela.

"Opo," ang matipid at magalang nito na sagot sa kanya.

"Malalaki ang mga buiding doon ah, doon ba kayo nakatira?" ang tanong ni Martin sa kanya.

'Uh, sa likuran po kami nakatira sir, doon sa squatters area po doon, sa mga lolo at lola ko po ako nakatira," ang sagot ni Eric sa kanya.

"G-ganun ba?" ang nautal niyang sagot nang marinig ang sagot ni Eric, siya man noon ay hindi galing sa mayaman na pamilya pero nakapag-aral naman siya ng kanyang mga magulang na namatay na rin noong siya ay nasa kulungan habang nasa probinsiya ang mga ito. Gustuhin man niya itong madalaw pero hindi niya alam kung papaano dahil mabubuko ang kanyang katauhan.

'Opo sir, hindi naman po ako nahihiya, pasensiya na po kayo at nakisabay ako, gusto ko lang po kasi makatipid sa pamasahe at may daraanan pa po ako na sideline," ang sagot ni Eric sa kanya habang patuloy sila sa pagbagtas sa daan patungo sa Guerero.

"Anong sideline mo?" ang interisado na tanong ni Martin at pahapyaw niyang tiningnan si Eric.

"Sa carwash po," ang dugtong pa nito sa kanya.

"Okey," ang nakangiti niyang sagot at labis siyang humanga sa mas nakababatang lalaki, "sana lang ay bumalik na sa dating sigla ang resto para naman madagdagan ko ang mga sahod ninyo," ang dugtong pa niya.

"Salamat po sir, sana nga po kasi ayoko rin po na makitang nalulungkot si ma'am Sarine," ang matapat na sagot nito sa kanya at hindi alam ni Martin kung hahanga sa matapat na pagpapakita nito ng pag-aalala sa asawa o sasapakin niya ito dahil sa pagiging mapusok nito.

"Ganun ba? May gusto ka ba kay Sarine?" ang tanong niya pero pinasaya niya ang kanyang tanong dito at hinaluan pa niya ng mahinang tawa at nang sumulyap siya rito ay napansin niya na namula ang pisngi nito.

"Uh h-hindi naman po sir, k-kasi si ma'am po ay naging mabait sa akin," ang sagot nito na nautal sa hiya.

"Ha ha, oo mabait talaga si Sarine kaya naman mahal na mahal ko siya," ang sagot niya kay Eric at napansin niya na pumasok na sila sa vicinity ng Guerero.

"Kaya nga po ako sumabay sa inyo dahil gusto kop o kayo na pakiusapan," ang malumanay na sabi ni Eric sa kanya. Muli siyang mabilis na lumingon para sulyapan si Eric.

"Sige ano iyun?" ang tanong niya.

"Ngayon ko lang po nakita na masaya si ma'am Sarine, sana po huwag niyo na siyang saktan," ang mahinang pakiusap nito sa kanya at tumimo ang sa kanyang puso ang pakiusap ni Eric sa kanya.

"Diyan na lang po sa tabi sir, hindi na po pwede ang sasakyan sa amin lalakarin na po mula rito," ang sabi ni Eric sa kanya at siya naman ay tumalima sa sinabi nito. Lalabas na sana si Eric pero mabilis siyang nagsalita.

"Pangako Eric hindi ako gagawa ng ikasasakit ng loob o bubura ng ngiti ni Sarine," ang pangako niya kay Eric na tumango lamang sa kanya at mabilis itong lumabas ng sasakyan.

"Salamat!" ang sabi pa nito bago nito isinara ang pinto ng passenger side at dali-dali toing naglakad papalayo. Bumusina siya rito at saka niya pinaandar ang kanyang sasakayan pauwi ng kanilang bahay.

Spitting Image (romantic suspense) (Completed) Where stories live. Discover now