chapter 36

1K 76 31
                                    


Nakaramdam ng pagod si Martin nang gabing iyun nang magsasara na sila ng restaurant. Hindi siya napapagod sa mga gawain sa restaurant kahit pa siguro maging dishwasher o janitor siya, mas nakakapagod ang mga problema na kinahaharap ng resto. Alam niya na pagsubok lamang iyun, pero kung pamilya lamang niya ang kanyang iisipin ay madali siyang makakapagdesisiyun sa lahat ng bagay pero dahil sa ilang bibig ang aasa sa restaurant at sa kanyang desisyon kailangan na maingat ang lahat ng gagawin niya at isantabi niya ang kanyang pride.

Sino ba ang gusto na humingi ng pabor sa pamilya ng Gayon? Ang tanong ni Martin sa sarili. Kung hindi lamang nila kailangan ng exposure ay hindi niya hahayaan na tumapak pang muli si Jasper sa kanilang restaurant lalo pa at ayaw niya ang mga tingin na ibinibigay nito sa asawa.

Isinara na ni Martin ang accordion doors ng restaurant at isa-isang bumati ng pamamaalam ang kanilang mga empleyado.

"Goodbye sir!" ang pamamaalam ng mga ito sa kanya.

"Goodbye, ingat kayo," ang magiliw naman niyang sagot sa mga ito na may ngiti sa kanyang mga labi.

"Wala bang gusto na sumabay sa akin?" ang tanong niya sa mga ito.

"Sir ibang way po ako," ang sagot ng isa sa mga ito.

"Okey lang, menos pamasahe," ang sagot niya at naglakad na siya palapit sa mga ito.

"Sir makikipagkita pa iyan sa boyfriend niya, baka magselos," ang pang-aasar ng isa sa mga kasamahan nito. napangiwi kunwari ang labi ni Martin sabay tawa niya ng malakas.

""Ganun ba? Sige na nga baka majombag ako ng boyfriend mo," ang natatawang sagot niya rito.

"Si sir oh? Paano mo nalaman yung mga ganyan na salita?" ang nagtataka na tanong ng isa pa sa mga naiwan na empleyado.

"Uh naririnig ko lang," ang tanging sagot niya, "sige na huwag masyadong magpagabi ha?" ang tila tatay na bilin niya sa mga ito.

"Opo sir, goodnight po ulit," ang magiliw na pamamaalam nito sa kanya.

Sinundan niya ng tingin ang maliit na grupo ng papalayong mga empleyado niya, ang mga ito ang nakasasalay sa pride na kailangan niyang isantabi at kailangan niya ang influence ni Jasper, wala man silang napag-usapan o napag-kasunduan na bibigyan sila nito ng good review ay malaki ang tiwala niya kay Sarine at alam niya na mapapabilib ni Sarine si Jasper at si Jasper naman sa tatlong milyon nitong followers sa Tube, I million sa FB, at Instag.

Nakatayo na siya sa harapan ng driver side nang at pinindot na niya ang button ng maliit niyang remote para i-unlock ang kanyang sasakyan nang mapansin niya na naiwan pa sina Alvin at Eric sa kanyang likuran na tila hinihintay siya. Lumingon siya sa mga ito para kausapin.

"Kayo mga iho, sasabay ba kayo sa akin?" ang tanong niya sa mga ito na sa tingin niya ay ka-edad lang halos ng kanyang asawa na si Sarine.

"Uhm kung pwede po sana," ang sagot ng dalawa na mukhang nagkagulatan pa ang dalawa dahil sa pareho ang mga ito ngh sagot.

"Sasabay ka?" ang tanong ni Alvin kay Eric na tumango ang ulo sa kasamahan sa trabaho, napansin niyang tumiim ang labi ni Alvin na mukhang ayaw na makasabay si Eric.

"Uhm pwede ko naman kayong ihatid na dalawa," ang sabi ni Martin para naman hindi mahiya ang isa sa mga ito.

"Uh sir, pass na muna po ako si Eric na lang po muna ang ihatid ninyo may pupuntahan pa nga po pala ako nakalimutan ko po," ang biglang pagbabago ng desisyon nito at halata naman na nagbago ito ng desisyon nang malaman na kasama nila si Eric.

"Sige pre, sir mauna na po ako, kung may kailangan po kayo sir," ang sabi pa ni Alvin sa kanya at muli niyang naalala ang sinabi nito sa kanya sa kanyang opisina at tanging pagtango na lamang ang kanyang isinagot dito.

Spitting Image (romantic suspense) (Completed) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin