FG #53

230 8 6
                                    

Aliyah's Point of View


Nasapo ko nalang ang noo ko pagkatapos kong mabasa ang text sakin ng kapatid ko. Dali dali kong niligpit ang mga gamit ko at basta nalang nilagay sa bag ko.


"Uy uy uy! Bat ka nagmamadali, Architect Barretto?" Umasim ang mukha ko sa sinabi ni Celine. Oo yun ang pangarap ko pero hindi ako sure kong pakakapasa ba ako.


"Sa langit. Gusto mong sumama?" Sakrastikong sagot ko.


Sumimangot sya at ngumuso. "Bawal ako dun, makasalanan ako e" aniya


Napailing nalang ako. "Uuwi na ako! Bye!" Paalam ko.


Rinig ko pa ang pag-sigaw nya ng pangalan ko pero hindi ko na sya nilingon. Tumakbo ako palabas ng University at kaagad na pumunta sa parkingan ng mga jeep.


"Para po!" Malakas kong sigaw ng may jeep akong nakita.


Dali dali akong sumakay dun at kinuha ang panyo sa bulsa ko. Shutangina ang init kahit alas tres na ng hapon. Tagaktak ang pawis ko. Sinilid ko ulit ang panyo ko sa bulsa ko at napatingin sa may gilid ko.


Kumunot ang noo ko ng makita si ate gurl na palihim na umiiyak. Tinapik ko ang balikat nya kaya gulat syang napatingin sakin.


Nginitian ko sya. "Ayos ka lang?" Tanong ko.


Umiling sya. Doon ko lang napansin na medyo mapula ang pisngi nya. Mas lalo tuloy kumunot ang noo ko. Sinampal ba sya? "Okay lang po ako ate" sagot nya.


"Wag ka ng umiyak. Ang katulad nating magaganda hindi basta basta umiiyak okay? Tahan na" pag-alo ko.


She smiled at me. "Salamat po ate" nakangiting sambit nya kapagkuwan ay naglahad ng isang kamay. "I'm Carina po" aniya.


Nginitian ko din sya pabalik at tinanggap ang kamay nya. "Aliyah" pakilala ko at nakipag shake hands.


Pagkatapos kong magpakilala kay Carina ay sakto ding huminto ang jeep sa isang pamilyar na kanto. Nag-paalam na ako kay Carina at dali daling bumaba ng jeep.


Malalaki ang hakbang ko habang papunta sa bahay namin.


"Tingnan mo yang anak ni Allison, pawis na pawis siguro may kajugjugan naman yan. Ki aga aga bumuka agad" napailing nalang ako sa naririnig ko.


Mga punyetang chismosa. Ano kayang naaambag ng pagiging chismosa nila sa bansa noh? Makapanghusga kala mo alam na alam kong anong takbo ng buhay ko e.


Tch, oo sanay na ako pero hindi ko pa din maiwasan ang masaktan. Inaamin kong.. bunga ako ng one night stand ni Mama. Masaya nga ako kasi bago may nangyari kina Mama at Papa. E mahal ni papa si mama.


Makakatatlo ba naman sila kung hindi nila mahal ang isat isa? Kaso nga lang. Ang masakit, may asawa pala si Papa. Dun na gumuho ang pamilya namin.

Foxy Girl (Aliyah Elyse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon