11 - Kwentong Convention

Start from the beginning
                                    

"Mama Len, kamusta po? Para po ito sa inyo," ang masayang bati sa akin ni Joseph habang iniaabot sa akin ang kanyang mga pasalubong.

"Napakarami naman nito, Seph, maraming salamat," sagot ko.

"Alam ko magugustuhan mo ang mga iyan. Ako na rin ang nagdala nung mga gamit ng mga bata," sabi ni Joseph habang sabay kaming naglalakad papunta sa aking opisina.

"Maraming salamat sa mga regalo para sa mga bata," sabi ko.

"Wala pong anuman, nakabudget naman na po ang donation naming dito talaga eh. Hindi po sa akin galing ang mga yan, kundi sa mga mamamayan ng Sta. Rosa," sagot ni Joseph sa akin.

"Alam ko yun, at napakatagal nang panahon na nagpapadala kayo ng tulong dito sa shelter," sagot ko.

"At habang isa sa pamilya namin ang nakaupo sa munisipyo, asahan po ninyo ang tulong ng Sta. Rosa para sa inyo," sabi ni Joseph.

"Kahit naman hindi na ang pamilya nyo ang nakaupo sa munisipyo alam kong patuloy nyong pa ring susuportahan ang shelter, dahil bukod sa tulong na galing sa Sta. Rosa, meron din kayong iniaabot na galing sa personal nyong account," sabi ko.

"Malaki ang utang na loob ko sa shelter, Mama Len, baka kung anong masama na ang nangyari sa akin noon kung hindi ako dito dinala nung mga taong nakakita sa akin," sagot ni Joseph.

"Kamusta ang convention?" tanong ko kay Joseph.

"Okay naman po, halos pareho din nung dati," sagot ni Joseph sa akin.

"Pero mukhang mas espesyal ngayon," makahulugan kong sinabi. "At hindi ka susugod dito para lang dalhin mag tulong nyo para sa mga bata, alam kong may iba ka pang ipinunta dito," dagdag ko.

"Wala na talaga akong maitago sa iyo, Mama Len," natatawang sambit ni Joseph.

"Kamusta ang convention?" paulit kong tanong.

"Nagkita na kami ulit ni Claire, at hindi nya ako natatandaan," sagot ni Joseph.

"Paano ka nagpakilala?" tanong ko.

"Magkatabi kami ng upuan, nakipagkilala ako at inimbitahan ko syang magkape pagkatapos ng hapunan," sabi ni Joseph. "Sobrang saya ko, Mama Len nung pumayag syang magkape kami, kaso akala ko hindi na matutuloy kasi mahigit isang oras nya akong pinaghintay," dagdag nya.

"Nagdalawang isip o nakatulog?" tanong ko.

"Nakipag-usap pa raw sya sa Daddy nya, kasi tumawag daw yung nurse at sinabing may lagnat ang daddy nya, kaya minabuti nyang kausapin muna," sagot ni Joseph.

"Napakatyaga mo talaga, para hintayin sya nang mahigit isang oras," komento ko.

"Taon ang hinintay ko para makita ko sya ulit, maliit na bagay lang ang mahigit isang oras na paghihintay," makahulugang sagot ni Joseph sa akin.

"Kung sabagay may punto ka naman dun," sambit ko. "Ano ang napag-usapan nyo?" tanong ko.

"Marami, yung threat sa pamilya nila, yung dahilan ng pagkawala nya nung bata pa sya. Pati na rin ang pagtira nya dito sa Balay Aruga, binanggit nya. Ang that was my cue to tell her kung sino talaga ako, at duon nag-umpisa na magpakwento sya kung paano ang buhay nya dito sa shelter," sagot ni Joseph.

"Ano ang kwento mo sa kanya?" tanong kong muli.

"Lahat-lahat ng natatandaan ko, Mama Len. Pero may isa lang akong ipinagtataka. Natatandaan mo ba yung manikang naiwan ni Claire dito sa shelter? Yung ibinigay mo sa akin?" tanong ni Joseph na tinanguan ko. "Ang sabi ni Claire, nakatago pa raw yun sa kanya, paano mangyayari yun kung nasa aking si Clang-Clang?" tanong ni Joseph.

Ngumiti ako dahil alam ko ang sagot sa tanong nya. "Nagdecide ang Mommy ni Claire na bumili na lang ng bagong manika na kamukha ni Clang-Clang, dahil wala na silang oras para pumunta ng Sta. Rosa at kunin ang manika sa iyo. Hinahanap daw kasi ni Claire," paliwanag ko.

"Mabuti na lang hindi ko ipinilit na nasa akin si C lang-Clang, baka nainis pa yung si Claire dahil aakalain nya na nagsisinugaling ako," sabi ni Joseph.

"Pero pwede mo pa namang ipaliwanag sa kanya ang bagay na yan kapag nagkita kayo ulit," sagot ko.

"Tama ka, Mama Len, babanggitin ko ulit si Clang-Clang sa kanya kapag nagkita kami ulit," sambit ni Joseph.

"Ang tanong, kalian naman kaya kayo muling magkikita, eh siguradong magiging sobrang busy na kayo," tanong ko.

"Kinukulit ako ni Barbara, gusto nyang imbitahin si Claire na maghapunan sa amin," sagot ni Joseph at kitang-kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata.

"Nakwento mo ba sa kanya si Barbara?" tanong ko.

"Opo, Mama Len, naikwento ko naman si Barbara at si Red sa kanya," sagot ni Joseph sa akin.

"Nasabi mo na rin ba sa kanya ang kalagayan ng asawa mo ngayon?" tanong ko at umiling si Joseph. "Bakit hindi mo sinabi?" tanong kong muli.

"Hindi ko alam, Mama Len. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko hindi pa yun ang tamang panahon para malaman nyang may taning na ang buhay ni Barbara," sagot ni Joseph.

***************
The truth will set you free, Mayor. Pero next update na lang magpapaliwanag si Mayor Joseph 😉😊😊.

Pagpasensyahan nyo na ang wrong spelling at grammar, maitatama ko rin yan kapag may panahon na ako. 😁😙😜.

Let me know what you think of the update guys and thank you for the reads and votes. 😘😊😘😊😘😊.  

When I See You AgainWhere stories live. Discover now