12 - Barbara

364 49 20
                                    

Matapos ang pagdalaw na iyon ni Joseph matagal bago ko pa ulit nakausap. Naging sobrang busy ang Mayor ng Sta. Rosa kaya't halos hindi na nya maisingit ang kahit na sandaliang pagtawag sa telepono. Mas madalas ko pa ngayong makausap ang asawa nyang si Barbara kesa sa kanya.

Matagal ko nang kilala si Barbara, madalas syang isinasama ni Joseph dito sa shelter noon. Nagkakilala sila nung college days, naging magkaklase sa ilang subjects hanggang sa nagkapalagayan ng loob at naging matalik na magkaibigan. Mabait na bata si Barbara bukod sa maganda at matalino. At isa sya sa kinagigiliwan ng mga bata dito sa shelter dahil napahilig nya rin sa bata. Hindi nya alintana kung marurumihan ang damit nya kapag dumikit na ang mga alaga ko sa kanya.

Katulad ni Joseph nasa larangan din na pulitika ang pamilya ni Barbara. Provincial Board Member ang kanyang ama at Congresswoman ang kanyang ina sa Laguna kaya't hindi ako nagtaka kung naging malapit si Joseph at Barbara sa isa't-isa kahit pa magkaibang partido ang sinusuportahan ng kani-kanilang pamilya.

Ngunit si Barbara, walang hilig tumakbo sa kahit anong posisyon sa pulitika, mas ninanais nyang tumulong nang palihim. Nung nasa college pa lang sila ni Joseph, isa sya sa laging abala na magpa-feeding program dito sa shelter kaya't kilalang-kilala sya ng mga alaga ko. At ilan na rin sa mga bata dito sa shelter ang nakahanap ng taong aampon sa kanila sa pamamagitan ni Barbara.

Alam ni Barbara ang istorya ni Joseph at ni Claire sapagkat hindi ito inilihim ni Joseph sa kanya, pati na rin ang kagustuhan ni Joseph na makitang muli ang dating kaibigan. Madalas magpakwento si Barbara sa akin tungkol kay Claire at Joseph, may mga pagkakataon nga na paulit-ulit na lang ako pero hindi sya nagsasawang making sa akin. "Sana makita ni Joseph ulit si Claire, alam ko magiging sobrang masaya si Joseph kapag nagkita sila ulit ni Claire," ang madalas sambitin ni Barbara tuwing mag-uusap kami. Tulad na lang ngayon, si Barbara ang bumisita at nagdala ng mga regalo sa Balay Aruga dahil masyadong abala ang kanyang asawa sa munisipyo.

"I'm sure nakapagkwento na si Joseph sa iyo, Mama Len, tungkol sa pagkikita nila ni Claire," sabi ni Barbara sa akin habang nagkakape kami sa aking opisina.

"Oo naikwento na nya sa akin," sagot ko.

"Gusto ko syang makilala, Mama Len," ang sabi ni Barbara. "Gusto kong makilala ang babaing nagbigay ng ningning sa mga mata ni Joseph. Ngayon ko lang sya nakitang ganun kasigla," dagdag ni Barbara.

"Ipagdasal mo," ang sagot ko. "Malay mo isang araw, ipahintulot ng Diyos na magkita kayo dito sa shelter. May mga pagkakataon din na bumisita si Claire dito pero napakadalang lang. Lalo na ngayong abala sya sa Santa Maria, laging sa telepono na lang kami nakakapag-usap,"

"Mahal talaga ni Joseph si Claire, Mama Len," biglang sambit ni Barbara.

"Mahal ka rin naman ni Joseph," sagot ko.

"Alam ko yun, Mama Len, pero hindi magkapantay, alam kong mas lamang si Claire kesa sa akin sa puso ni Joseph. At alam mong wala akong hinanakit, kasi kaya lang naman kami nagpakasal ni Joseph kasi buntis ako," ang sabi ni Barbara.

Hindi lingid sa akin ang dahilan ng biglang pagpapakasal ni Barbara at ni Joseph. Kasagsagan ng kampanya nung mga panahon na yun nang pumutok ang balita tungkol sa pagbubuntis ni Barbara at nagpasya ang kanilang mga magulang na agad na ipakasal silang dalawa.

"Ang tutoo, Mama Len, nung nalaman ko ang tungkol sa sakit ko, inisip kong hanapin si Claire pra bago man lang ako mawala sa mundong ito, masiguro ko na magiging masaya si Joseph," sambit ni Barbara.

"Wag mong sabihin yan, maraming nagmamahal sa iyo kaya marami ring nagdarasal para habaan pa ng Diyos ang buhay mo," sabi ko.

"Hay naku, Mama Len, alam naman natin na hindi na ako gagaling. May taning na nga ang buhay ko eh. At yung mga sinasabi mong nagdarasal para sa akin, siguradong mas marami dun ang nagdarasal na sana mamatay na ako para may pag-asa na sila sa asawa ko," diretsahang sinabi ni Barbara. "Pero si Claire ang gusto ko para kay Joseph. Kasi sa tinagal-tagal naming magkasama ng alaga mo, alam kong si Claire lang ang makakapagbigay ng lubos na kasiyahan sa kanya. At ramdam ko, Mama Len, mamahalin ni Claire si Red na parang anak na din nya," dagdag nya.

"Pero nabanggit ba ni Joseph sa iyo na may boyfriend na si Claire?" tanong ko.

"Nabanggit nya, pero hindi pa naman sila kasal, alam ko hindi pa nga engaged. Tapos LDR pa, so may chance na maghiwalay din sila," sagot ni Barbara sa akin.

"Hay naku, Barbara, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ni Joseph kapag narinig nya ang mga sinasabi mo," sambit ko.

"Please don't tell him. Alam ko magagalit yun sa akin, ayaw ni Joseph pag-usapan ang sakit ko, Mama Len, lalo na kung ihanda ko pa sila sa pagkamatay ko," sabi ni Barbara.

"Ngayon lang ako nakakita ng isang babaeng kasing tapang mo pagdating sa usaping kamatayan," sabi ko.

"Wala naman akong magagawa kung ito ang ibinigay na kapalaran sa akin ng Diyos. Tanggap ko naman na, Mama Len. Kaya sana bago man lang ako mawala maibigay ko kay Joseph ang kasiyahang nararapat para sa kanya. Napakabuting tao ng asawa ko, Mama Len, he deserves to be happy," ang sabi ni Barbara.

"Mabuting tao ka rin, Barbara. Nararapat lang din na maging masaya ka," sabi ko.

"Magiging lubos akong masaya kapag nasiguro kong maayos si Joseph at Red kapag namatay ako," sagot ni Barbara sa akin. "Kaya may hihilingin sana ako sa iyo, Mama Len," dagdag nya na ikinabigla ko.

"Anong hiling naman yun?" tanong ko.

"Please gumawa ka naman ng paraan para magkakilala kami ni Claire. Paulit-ulit na lang kasi ako kay Joseph pero parang hindi naman sya nakikinig sa akin," sagot ni Barbara.

"Sigurado ka ba? Gagawin mong humanap ng ibang babae para sa asawa mo? Buhay ka pa, baka magalit si Joseph kapag nalaman nya ang gagawin mo," tanong ko.

"Siguradong-sigurado ako, Mama Len. Pwede naman nating palabasin na aksidente ang pagkikita namin para hindi makahalata si Joseph. Sige na po, Mama Len, pagbigyan nyo na po ang hiling ko," pagsusumamo ni Barbara.

"Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, dahil hindi ko alam kung tama bang ibigay ko ang hinihiling mo. Barbara, hindi ba mas tamang hayaan na lang natin ang tadhana ang gumawa ng paraan para? Hindi naman tayo nakakasiguro na nakatadhana si Claire at Joseph sa isa't-isa. Maraming taon silang pinaglayo ng tadhana," sagot ko.

"At ngayon pinagtagpong muli," sagot din ni Barbara.

"Pinagtapong muli pero may kanya-kanya nang taong nagpapasaya sa kanila," mabilis kong sambit.

"Pero higit nilang mapapasaya ang isa't-isa. Ang tagal na naming magkasama ni Joseph, Mama Len, since college hanggang sa ngayon na mag-asawa na kami, hindi ko nakita ang tuwa sa mga mata nya, nito na lang nung magkita sila ulit ni Claire sa convention," mahabang paliwanag ni Barbara

"Hindi ba parang pinangungunahan naman natin ang tadhana, Barbara?" tanong ko.

"Tinutulungan natin ang tadhana para ibalik si Joseph at si Claire sa isa't-isa,"

"Ngunit paano natin gagawin yun, sinabi ko naman sa iyo na masyadong abala si Claire sa Santa Maria," sabi ko.

"Meron na akong naiisip na idea paano mo kami maipapakilala ni Claire sa isa't-isa, Mama Len," nakangiting sabi ni Barbara.

"Paano?" nagtataka kong tanong.

"Malapit na ang birthday mo, at lagi tayong may celebration dito sa Balay Aruga. At taun-taon, malaya kang imbitahin ang mga taong gusto mong imbitahin. Pwede mong imbitahin si Claire, Mama Len," mabilis na sagot ni Barbara.

***************
Ang tanong, Barbara, payagan ka kaya ng tadhana na tulungan mo syang paglapitin si Claire at Joseph? Paano kung may ibang plano ang tadhana para sa dalawa? 😉😊😊.

Pagpasensyahan nyo na ang wrong spelling at grammar, maitatama ko rin yan kapag may panahon na ako. 😁😙😜.

Let me know what you think of the update guys and thank you for the reads and votes. 😘😊😘😊😘😊.  

When I See You Againحيث تعيش القصص. اكتشف الآن