Prologue

114 9 9
                                    

My sweetest dreams and second sight reveal to me my love this night, his face, his form, his feature, miss his voice, his touch, his smile, his kiss. My sweetest dreams and second sight unite me with my love this night.

Di ko gets but still, halos gabi gabi, bago matulog, binabanggit ko ang spell na yan. Sabi kasi ng Grandma ko, sasaya daw ako kapag lagi kong binabanggit yun.

Natulog ako..

Sa tuwing binabanggit ko yan may kakaiba akong napapanaginipan.

Ano yun? Ganito lang naman..

"Yah! Hindi ka ba talaga mag iingat? Pinag aalala mo ko ah!" Sabi nung lalake sa akin

"Bakit ka naman mag aalala?!" Inis na sabi ko

"Kasi nga..." -Lalake

"Gising na pinakamamahal kong prinsesa." Sabi ng daddy ko..

"Ne! Daddy." Sagot ko

Yung panaginip nanaman na yun.. Sino ba ang lalakeng yun? -_-

By the way, ako nga pala si Jung Jin Yeon.. Isa DAW spoiled brat. -_-

JIN YEON POV

"Jin Yeon, magpakabait ka ah." Bilin sa akin ni Daddy bago niya iwanan sa University kung saan ako nag aaral.

Hinatid kasi ako ng Daddy ko ngayon eh. Daddy's girl ako.. Yeah. I admit that. Siya kasi ang madalas kong kasama simula nung bata ako eh.

I have a mom. But once in a blue moon ko lang siya makita. Bakit? Di ko nga rin alam eh.

Naglalakad ako sa hallway ng university namin ng may biglang sumipol sa akin.

Tinignan ko lang sila ng masama.

Aba! Ang mga hayop, di natinag! Umulit pa. Sinipulan ulit ako. Hinarang pa ko.

"Whats your problem? Maliban diyan sa panget na mukha mo?" Sarcastic na sabi ko

"Aba! Palaban to pare!" Sabi nung isang lalake sa kasama niya saka hinawakan ako sa kamay.

"Yah! Yah! Let me go you ugly ogre!" Inis na sigaw ko.

"Balita ko, spoiled brat ka daw ah." -Guy 1

"So?" Sabi ko habang hawak pa rin niya ang kamay ko

"Wala pare! Spoiled nga talaga!" -guy2, inaasar yung lalakeng may hawak sa braso ko

"Hindi kayo piniperwisyo ng pagiging spoiled brat ko!" Sabi ko saka bilang kinagat yung kamay nung lalakeng may hawak sa akin

"Aaah! Damn you bitch!" Sigaw niya.

Nilapitan ko yung kasama niya saka sinipa siya sa maselang bahagi ng katawan niya.

Saka nagmamadali akong tumakbo.

Ha! Kala nila ah! They are a bunch of idiots!

Walang naglalakas ng loob na awayin ako dito sa school, lalo na yung mga nakakakilala sa pamilya namin.

Pumasok ako sa room. Late ako. Kasabay ko yung classmate kong si Dong Jun.

"Yah! Lee Dong Jun! Late ka nanaman! Tumayo ka diyan sa corridor." Sigaw ng prof ko sa kanya

"Jung Jin Yeon-sshi, makakaupo ka na sa upuan mo." Malambing at nakangiting sabi sa akin ng professor namin.

Padabog akong naglakad papuntang upuan ko.

Be The OneWhere stories live. Discover now