CHAPTER 7

8 3 0
                                        

“ JEALOUS ”

_NATHAN'S POV_

“Ang cute niya, nag blush pa siya kanina, yong leeg niya talaga parang gusto kong kagatin,” Natigil ako dahil sa naiisip ko.

“Ano ka ba Nathan, wag si Cassy,” Sabay iling iling ko pa dahil sa mga sumasagi sa isip ko.

“Ano pinag usapan niyo?” Tanong sakin ni Mikael.

“Kailan ka pa naging tsismoso?” Pagtatanong ko na ikinainis niya.

“Tss,” Tanging nasabi niya.

“Alam na niya na ako nagligtas sa kanya kagabi, di ko expected yon. Ang lakas niya mang amoy ah hahahah?” Sabay tawa ko pa.

“Nakakatawa don?” Pagsusungit ni Mukong Mikael, nagseselos ba to? kung oo nakoo hahaha napapatawa nalang ako sa naiisip ko.

“Nagseselos ka ba?” Direktang tanong ko na natatawa pa.

“Ako? Magseselos? Pake ko ba sa inyo kahit magsama pa kayo tss,” Pagsusungit nito, halatang nagseselos ang mukong Mikael.

“Treat niya daw ako mamaya gusto ko nga sana kasama kayo eh, pero ang sabi niya ayaw ka daw niya makita Mikael,” Pagsisinungaling ko na nagpipigil ako ng tawa dahil naiinis na talaga siya.

“Sinabi niya yon? Edi magsama kayo tsss! Gusto mo pakasal pa kayo eh, tapon ko kayo pareho!” Paninigaw pa nito.

“Halatang nagseselos ka Mikael kasi bat ka naiinis Buwahahahh,” Pagsingit naman ni Sanjie.

“Hindi ako nagseselos, pag untugin ko kayong tatlo!” Sigaw niya sabay alis at sinipa pa yong upuan. Confirm na nagseselos si Mikael.

“Ayan ba ang hindi nagseselos Sanjie Hahahha?” Tanong ko kay Sanjie na napahalakhak naman.

“Nagseselos yon, pero sinabi ba talaga yon ni Cassy?” Pagtatanong naman nito.

“Hahaha hindi, sinabi ko lang yon para makompirma kung nagseselos pa talaga siya sa amin at nagseselos nga,” Sabay tawanan kami ni Sanjie.

___

_CASSY'S POV_

“Woahhhhh talaga? Edi naamoy mo na naman si Nathan, ang pogi niya no?” Kinikilig ang bruha dahil sa nakwento ang nangyari kanina samin ni Nathan.

“Nakakahiya nga eh,” Sabi ko naman sabay patong ng ulo sa upuan.

“Clumsy girl, itetreat mo daw ni Nathan?” Bigla naman akong nagulat ng tumabi siya sakin.

“Bat ka nandito, umalis ka nga! Anong pake mo kung itetreat ko si Nathan!” Paninigaw ko sa kanya at pagsusungit.

“Edi magsama kayo!” Sigaw pa niya na ikinagulat ko.Sabay alis niya.

“Anong nangyari don Cassy?” Tanong sakin Mica.

“Di kana nasanay don.” Sabi at ipinatong ko ulit ang ulo ko sa upuan.

“Baka nag jejealous hahahhaha,” Sabay halakhak ng bruha.

“Nako, tigilan mo nga yang kabaliwan mo Mica, anong nagseselos ka diyan,” Sabi ko naman sabay ayos ng upo.

“Cassy!” Tawag sakin ni.. Nathan???

“Oh, Nathan,” Sabi ko pa dahil nagulat talaga ako.

“Pwede makiupo,” Pagtatanong pa nito sabay ngumiti at nag iwas naman ako ng tingin ang cute eh.

“Sure,” Maikling sagot ko.

“Kamusta na pala yong mga sugat mo? Ayos na ba?” Why he's so caring, nakakainis joke lang.

“Yes okay na,” Maikling sagot ko habang nag iiwas ng tingin, nakakailang kaya.

“Cassy bibili lang ako sa Canteen ah?” Sabi niya sakin sabay kindat, ang bruha talaga kainis, sabay dali dali siyang naglakad.

“Ah, can i treat you lunch later at the canteen?” Pagyayaya niya na ikinagulat ko.

“Sure,” Sabi ko sabay ngiti.

“Ganda mo mag smile, smile ka lang lagi Cassy,” Sabi nito na halatang ikinapula ko.

“Gandang mukhang butiki na clumsy girl tsss,” Biglang singit ni bangkay, panira talaga ng moment kahit kailan.

“Mag dadate kayo? Mamayang lunch? May pupuntahan tayo Nathan.” Sabi niya pa sabay ngisi.

“May meeting ba?” Tanong naman ni Nathan kay Mikael.

“Oo,” Sabi nito.

“Pag hindi matuloy mamaya edi next time nalang, pwede ba yon Cassy?” Sabau ngiti naman ni Nathan at halatang nanlilisik ang mata nong isa.

“Sure, anytime naman pwede Nathan,” Sabay ngiti ko nang biglang may bumagsak na upuan dahil sinipa ni Mikael sabay umalis.

“Anong nangyari don? Kanina pa yon,” Kibit balikat lang ang sagot ni Nathan.

“Ayan na pala si Ma'am Gonzales,” Sabi ko naman ng makita ko si Ma'am at nagpaalam na si Nathan kasabay ng pagdating ni Mica.

“Bye Cassy,” Sabay ngiti ni Nathan at sinuklian ko din to ng ngiti.

“Kamusta? Anong nangyare bakit ansama ang sama ng tingin sa inyo ni Mr.Pogi? Sabay palihim niyong tinuro.

“His red eyes, galit kaya siya pag ganyan, ang sama ng tingin sakin,” Pagmumuni muni ko.

“Ako lang ba nakakakita ng pulang mata niya? Bakit ako pa?” Pagmumuni muni ko pa.

to be continue......

VAMPIRE'S OBSSESSIONWhere stories live. Discover now