K A B A N A T A 24

Magsimula sa umpisa
                                        

"Ina, hindi naman sukatan ang pagmamahal ng dalawang magkasing irog ang pagkakaroon ng anak. Batid kong nasasabik ka ng magkaroon ng apo subalit bago palang kaming nagsasama ni Corazon kung kaya't sana'y hindi mo kami madaliin" ani pa ni Manuel kung kaya't napatango ako bilang sang-ayon. Nalungkot naman ang mukha ni Donya Consolacion at naiiyak pa ito kung kaya't napayuko nalang ako.

"Sa totoo lang ay hindi ako natuwa sa aking naririnig mula sa mga tao kung kaya't ayusin mo ang gusot na ito Manuel. Alam mo namang na ayaw na ayaw kong mabahiran ng kahihiyan ang ating pangalan" maauthoridad na saad pa ni Don Arsiño kung kaya't nakakakaba talaga siya. Marahan namang tumango si Manuel at ibinaling ang tingin sa akin kung kaya't nauna akong umiwas. Naramdaman ko pa yung pagalaw niya sa kamay ko na animo'y tinatawag yung pansin ko pero hindi ko siya nilingon at sa halip ay pilit na kumakawala sa pagkakakapit niya sa kamay ko.






Matapos naming kumain ay agad kaming nagtungo ni Manuel sa sala. Nanatili pa din itong nakahawak sa kamay ko habang magkatabi kaming nakaupo kung kaya't pwenersa ko ng tanggalin yung kamay niya. Iniripan ko siya ng mabawi ko yung kamay ko at lumayo pa sa pag-upo kung kaya't napakunot-noo siya.

"Oo nga, sobra din akong nasisiyahan na makasama kayong muli sa hapag" nang madinig ko yung usapan nila Donya Consolacion ay agad na nagtama yung tingin namin ni Manuel. Naramdaman din namin yung paglapit nila kung kaya't sabay na kaming lumapit sa isa't isa at nagkunwari na masayang nag-uusap.

"Ang cute mo talaga" saad ko sabay kurot muli sa pisnge niya pero kumunot-noo lang ito at hindi manlang tumawa. "Kyut?" tanong pa niya kaya umirap nalang ako kasi hindi manlang siya nag effort na mag kunwari na naglalandian kami. Hayst. Ang hina naman nito. "Oo, cute. Salitang ingles na ang ibig sabihin ay pangit" inis kong saad sa kanya at napairap muli.

Kasabay lang din ng pagtayo ko ay ang pagbungad sa amin nila Ina na abala sa isat-isa. "Uuwi na po ba kayo?" Tanong ko sa kanila kung kaya't naibaling ang tingin nila sa akin. Naramdaman ko din yung paglapit ni Manuel at tumabi pa ito sa akin.

"Oo anak, kinumusta lang namin kayo ni Señor Manuel. Pero ngayon ay natutuwa akong malaman ang buong katotohanan" ani pa ni Donya Solidad kaya napangiti ako. Mahal na mahal talaga niya si Corazon. Nakakamiss tuloy sila mommy.

"Mauna na kami anak, alagaan mo ng mabuti ang iyong asawa ha. Hanggat maari ay pakibilisan na din yung pagkakaroon ko ng apo" ani pa ni Donya Consolacion at naghagikhikan silang dalawa ni Donya Solidad bago naunang lumabas kaya natawa nalang ako dahil sobrang cute nilang tignan.

Tumango nalang naman si Don Arsiño sa anak niya at binigyan ito ng tingin na pagbutihan mo ang lahat bago umalis. Napatigil pa ako ng humarap sa amin si Don Wilfredo at nanatiling seryoso ang mukha nito habang nakatingin kay Manuel.

"Alagaan mo ng mabuti ang iyong asawa Manuel. Batid mo namang na siya lang ang nag-iisa naming anak na babae kung kaya't ayaw na ayaw kong makitang nasasaktan ang aking anak. Depende nalang kung gusto mo akong makalaban" sabi niya dito na may halong tonong pagbabanta pero mas nanaig pa din yung nararamdaman kong pagiging ama niya kay Corazon.

Napangiti nalang ako kay Don Wilfredo ng sabihin niya iyun at agad na napayakap dito kung kaya't nagulat ito. "Mag-ingat po kayo ama. Sana'y alagaan mo din si Ina. Mahal na mahal ko po kayo" naaalala ko talaga sa kanya si daddy kung kaya't nadala ako sa emosyon na nararamdaman ko.

"Mahal din kita anak, alagaan mo din ng mabuti ang iyong asawa. Mauna na kami" ani pa nito kung kaya't kumaway nalang ako sa kanila ng simulang sumakay na sila sa karwahe at umalis.

Nang makaalis na sila ay naibaling ko ang tingin kay Manuel. Kanina pa pala itong nakasulyap sa akin kung kaya't nakaramdam ako ng pagkailang. Aalis na sana ako sa pagkakapulupot muli sa kanya ng nauna itong inalis yung braso ko at sa halip ay hinawakan yung dalawang kamay ko. "Maraming salamat sa muli mong pagligtas sa akin" ani niya sabay guhit ng isang simpleng ngiti na siyang nagpapawala sa puso ko.

"O-Okay lang" saad ko sabay iwas tingin at agad na hinablot yung kamay ko. Sandaling natahimik yung pagitan namin kung kaya't sobrang awkward talaga lalo na't malakas pa din yung kabog ng dibdib ko.

"Nga pala, mamimili na ako mamaya ng pluma't papel para sa gagamitin ng mga bata sa aking pagtuturo" pagbabasag ko ng katahimikan sa amin kung kaya't tumango nalang ito at napamulsa.

Bakit sa ganuong bagay na ginagawa niya ay ganito yung epekto sa akin? Ginayuma niya ba ako? Huhuhu. Ispirito ng landi, please lubayan mo ako.

(╯︵╰,)



"Sige, sasamahan kita sa pamimili" tugon niya kung kaya't hindi na ako nagsalitang muli at sa halip ay nagsimula ng maglakad papaupo sa sala. Nakita ko pa yung pagsunod niya at umupo din kung kaya't umakto nalang ako na hindi siya napansin.

"Isabay nalang din natin ang feeding bukas ng sagayon ay busog sila na nag-aaral" napatingin ako muli sa kanya at sumang-ayon sa sinabi. Alam niya yung tungkol se Feeding dahil kasama yun sa napag-usapan namin noong gabi kung kaya't gagawa din siya ng ganun para daw sa mga bata.
"Tama ka, mas mabuting busog sila bago ko sila turuan ng sagayon ay makapagpokus sila sa aking ituturo" saad ko sabay thumbs up sa kanya.

"Kay dami nating hindi makapagsunduan ngunit natutuwa akong malaman na kahit papano'y nagkasundo tayo tungkol sa paglilingkod sa bayan. Aking nakikita na mataas ang iyong pangarap para sa bayang ito" ani pa niya sabay guhit na naman sa labi nito ang ngiti na minsan ko lang makita kung kaya't mas lalong naloka yung puso ko at agad na napaiwas.

"Nagkamali ka Manuel. Hindi mataas ang pangarap ko para sa bayang ito kundi malalim. Mas mabuting mangarap ng malalim...yung tipong may puso at damdamin" Unti-unting lumaki yung ngiti niya dahil sa sinabi ko kung kaya't mas lalo akong nailang at agad na napatikhim.

"Buong puso ang aking supurta sa iyong sinabing pagpapatayo ng paaralan para sa mga bata dito. Noon paman ay batid ko na tanging mga may kaya lang ang may karapatang makapag-aral kung kaya't lubos akong naaawa sa mga wala na nais matuto. Kahit kailan ay hindi naging pantay ang lahat kung kaya't oras na ng pagbabago para sa bayang ito" Napangiti ako sa sinabi niya. Siguro kong tumakbo siya bilang presidente ay siya agad yung pambato ko at gagawin ko talaga ang lahat para kang manalo siya.

"Natutuwa akong madinig yan galing mismo sa iyo' Manuel. Katulad nga sa nabasa kong libro...sinabi nitong kung ang dayuhan ay nagpunta sa pilipinas upang dumukal ng ginto, kailangang hanapin naman sa kanila ang gintong kailangan ng bayan...ang karunungan" saad ko sa kanya. Naalala ko kasi ang katagang yan galing sa sinulat ni Dr. Jose Rizal sa librong Noli Me Tangere at lubos akong sang-ayon doon.

Changing Fate (Trapped in time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon