"Kung kaya't tayo ngayon ay maghersisyo upang lumakas ang ating pangangatawan. Sabayan niyo ako ha"
saad ko at agad na nagsimulang maghersisyo sa simula sa ulo hanggang sa pababa ng katawan. Naalala ko tuloy yung sa tuwing flag ceremony namin noon ay ganito yung palaging ginagawa namin. Tuwang tuwa naman yung mga bata habang ginagaya ako.

"Sige ulitin natin. One...two...three" patuloy akong nagbilang ng malakas habang inuulit lahat ng tinuro ko. Tinawag ko pa si Miguel na samahan kami pero umayaw ito habang nakangiti kung kaya't inanyaya ko ang mga bata na hatakin si Miguel papunta dito. Wala na itong nagawa kundi ang sumunod sa mga bata at samahan kami sa pag hersisyo. Natawa pa ako ng sobra ng kumimbot kimbot siya sa parte ng pag hersisyo sa bewang.

Dahil sa ginagawa naming pag hersisyo at dahil na din sa mga halakhak ng mga bata ay maraming mga magulang yung nanood sa amin at yung iba naman ay nakisali na din kung kaya't nakaramdam ako ng tuwa. Nabigla pa ako ng may tumigil na karwahe sa harapan namin at lumabas doon si Manuel. Seryoso na naman ang mukha nito lalo na't ng makita niya na magkasama kami ni Miguel.

Batid kong magtatalo na naman sila kuya niyang si Miguel kung kaya't linapitan ko na siya. Nahagip pa ng paningin ko yung pagbulungan ng ilang chismosa sa sulok kung kaya't napairap nalang ako sa kawalan at pilit na ngumiti sa harap ni Manuel.

"Yorme, samahan mo kami sa paghersisyo para naman magka-abs ka" anyaya ko sa kanya pero simple lang itong umiling sa akin at nagtaka pa sa mga sinabi ko kung kaya't hinawakan ko na yung kamay niya at hinatak papunta sa pwesto namin. Ngumiti nalang ako ng malapad sa kanya at agad na lumapit para bumulong. "Umayos ka, maraming mga chismosang nakatingin" saad ko at palihim na pinanlakihan siya ng mata na animo'y nagbibigay babala at pilit na ngumiti ng humarap na sa mga tao.

Napatikhim nalang siya at umayos kung kaya't napangiti nalang ako at napatingin din kay Miguel. Nagsimula na ulit kaming maghersisyo at natatawa pa ako kay Manuel dahil halatang hindi ito sana'y na pagmasdan ng mga tao. Makalipas ang ilang minuto ay tumigil na kami kung kaya't agad kong kinuha yung panyo sa bulsa ko at nagpunas. Napatigil pa ako ng mapagtanto kong sabay palang nag-alok si Miguel at Manuel sa akin ng mga panyo nila.

Kapwa sila napaiwas ng tingin at binawi yung mga alok nila at yun nalang ang ginamit pampunas ng sarili nilang pawis. Hindi ko nalang yun pinansin at sa halip ay nilapitan yung mga bata na nakikipaglaro.

"Mga bata gusto niyo bang mag-aral?" nakangiti kong tanong at agad na pumantau sa kanila kung kaya't agad itong naghiyawan at nagtalon talon sa sobrang tuwa. "Opo!" sabay sabay nilang tugon kung kaya't hindi maalis sa labi ko yung ngiti. Nilapitan ko din si Carding at Lilita at maging sila ay hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Ngunit ate, paano po uung trabaho ko?" nag-aalalang tanong ni Carding sa akin kung kaya't agad kong ginulo yung buhok niya at ngumiti. "Ako na ang bahala diyan" saad ko. Niyakap pa ako ni Lilita na siyang ginaya din ni Carding at maging ng ibang bata kung kaya't natawa nalang ako sa pag group hug nila. Nakita ko pa na maging sina Miguel at Manuel ay napangiti habang nakatingin sa gawi ko.






























HAPUNAN na kung kaya't sabay na kaming umuwi ni Manuel lulan ng karwahe. Tahimik lang kaming dalawa habang nakatuon nalang ang pansin sa daan. Pagkapasok ng karwahe sa tarangkahan ng bahay ay nakita naming may dalawang karwahe ang nandoon kung kaya't kapwa kami nagtinginan ni Manuel.

Inalalayan ako nitong bumaba kung kaya't tinanggap ko iyun. Nakita ko din yung pagsalubong sa amin nina Ina at maging yung mga magulang ni Manuel na halatado sa mukha nito na galit sa kanilang anak. Palihim kong tinignan si Manuel at halatado sa mukha nito ang pagkababa kung kaya't agad akong pumulupot sa braso niya na siyang dahilan ng pagtingin niya sa akin. Ngumiti ako at binigyan siya ng tingin na 'ako na ang bahala'

Changing Fate (Trapped in time)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن