K A B A N A T A 24

Start from the beginning
                                        

Hayst. Naniniwala na ako sa sinasabi nila na kapag ang aso tumahol ibig sabihin nun ay hindi niya kilala ang isang tao. Hmp! Nakukunsensya tuloy ako kay Manuel. Alam kong sobrang hirap sa kanya na mawalay sa totoong minamahal niya na si Dahlia at dahil din sa ganitong pangyayari ay batid kong maaapektuhan ang kanyang posisyon bilang alkalde.

Hayst. Bakit pa niya dinaladala si Dahlia sa bahay namin gayong alam naman niya na may posibilidad na ganito ang maging bunga ng ginawa niya. Pwede namang palihim nalang sila magsama sa isang lugar na walang nakakakilala sa kanila o di kaya sa simpleng bahay. Nakakaloka talaga tong si Manuel. Dapat nagpaturo siya sa akin ng mga ganyan. Na sstress tuloy ako. Pati yung love life nila ay prinoproblema ko. Love life pa more.

Makalipas ang ilang oras ay narating ko na din yung pagamutan na siyang pinatayo ni Manuel noon. Agad akong tumakbo papalapit doon at nakitang kakagising lang din ng ilang mga pasyente at ang ibang bata naman ay nakikipagkwentuhan sa isa't isa.

"Magandang Umaga..binibini" napatingin ako sa ginoong hindi ko napansin at agad akong napangiti ng malapad ng makilala kung sino iyun. "Miguel!" natutuwa kong saad sa kanya kaya't sumilay din sa labi nito ang ngiti na labas ang ngipin na siyang nagpaamo sa kanya.

"Kailan ka pa dumating dito?" tanong ko at napatingin sa kabuohan niya. Bagay na bagay kasi sa kanya yung suot niyang pangdoctor. "Naks! Ang pogi natin ah" dagdag ko pa kaya nasubaybayan ko yung pagpula ng tenga niya at nahihiyang tumingin sa akin habang nakangiti.

"Noong isang araw pa ako dumating dito. Naging abala din ako sa panggagamot kung kaya't hindi kita nadalaw sa inyo" saad nito kung kaya't napatango nalang ako at napaisip kung bakit niya ako dadalawin gayong hindi naman kami close. Char.

"Ahh mabuti naman. Kumusta ka? Sa tinagal mo sa kabilang nayon ay batid kong may napusuan kana din doon na isang dalagita" saad ko pa sabay galaw galaw ng mga kilay ko na animo'y ginaganyak siya kung kaya't natawa ito. "Nagkamali ka sapagkat sa sobrang abala ko sa panggagamot ay nakalimutan ko na ang bagay na iyun" natatawa niyang saad kaya napa-iling ako sa kanya na animo'y nabigo.

"Balak mo bang maging matandang binata?" Natawa siya sa inusal ko at agad na napailing kung kaya't natawa nalang din ako. "Hindi naman...sana" bakas sa mukha niya yung paglungkot kung kaya't agad kong tinap yung braso niya para mabuhayan siya ng loob.

"Huwag kang mag-alala tutulungan kitang makahanap ng chix" saad ko sabay kindat sa kanya. Nabigla naman ito sa ginawa ko at natawa nalang. "Pero sa totoo lang ay may napupusuan na ako" saad niya kaya nagulat ako at agad na nakaramdam ng tuwa sa kanya. Pero unti-unti namang naglaho sa mga labi niya yung ngiti kung kaya't napakunot-noo ako.

"Pero hindi na maaari sapagkat nakatali na siya" malungkot niyang saad kaya napailing-iling ako sa kanya at agad na lumapit at tumingkayad para bumulong. "Huwag kang mag-alala dahil wala namang forever kaya maghihiwalay din yan" pagpapalas ko sa loob niya at agad na nagpaalam para lumapit sa mga bata.


Maayos na yung mga kalagayan ng mga batang nandito at hindi na din sila linalagnat kung kaya't inanyayahan ko silang pumunta sa labas para mag hersisyo. Pumayag nalang din si Miguel at inanyayahan ang mga bata na sumama sa akin.

Pagkadating nila bakanteng lote ay agad ko silang hinanay mula sa maliit na bata hanggang sa pataas. Nasa hulihan din sila Carding at Lilita na ngayon ay nakangiti ng malapad sa akin. "Mga bata, alam niyo bang hindi sapat ang pagkain ng mga masusustansiyang pagkain upang magkaroon ng malusog na pangangatawan?" Tanong ko sa kanila at sabay sabay naman itong sumagot sa aking ng 'hindi' kung kaya't napangiti nalang ako ng malapad sa kanila.

Changing Fate (Trapped in time)Where stories live. Discover now