Dear Fairygodmother

57 2 0
                                    

Dear Fairy Godmother

I’m Anastasia, siguro hindi mo ako kilala, siguro naiisip mo na wala ako sa listahan ng mga tutulungan mo at bibigyan ng ‘Hapily Ever After’. Hindi naman kasi ako maganda, na parang si Sleeping Beauty, kasing palaka-ibigan katulad ni Snow-white, kasing tapang ni Pocahontas, kasing sipag ni Cinderalla o kasingbait ni Belle. Im no one, really. Baka sa storya na ito, ako ang kontrabida. One wicked step-sister. Kung baga sa kwento ng bata, ako ang kinamumuhian. But ang pinagkakatulad lang naman naming ay naghahanap din ako ng one true love mula sa isang prinsepe, kahit hindi prinsipe ay ayos lang.

Mamaya ay dadating na ang bago kong step-sister, nanggaling lang siya sa mahirap na pamilya. Sabi ng aking ama ay maganda ito at matalino. Pinagmamalaki niya ito. Si Mama ayaw niyang tanggapin ang kabit ng aking ama- dahil sa ayaw lang niya. At ayaw niya na mahati ang atensyon ng aking ama sa akin. Im the only girl at sanay ako sa luho. At ayaw kong ang kwento ko ay matulad sa kwento ni Cinderella. Isang wicked step-sister and step-mother. Kaya pagdating niya, mamahalin ko siya na parang tunay na kapatid. At hindi ko ipagkakait ang meron sa akin, at sana matupad ang pangarap ko.

Love,

Anastasia

Dear FairygodmotherWhere stories live. Discover now