Chapter 46: What If They're Twins?

Start from the beginning
                                    

"Make sure to keep the paintings and the seal until I finish this new article."

"At siguraduhin mo ring hindi magleleak ang pangalan ko sa bagong article." Napatingin siya sa akin sa sinabi kong iyon.

"Why? Natatakot ka na bang ilabas ang mga 'yan? Or hahayaan mo na mapunta na ng tuluyan kay Princess Dia ang trono?" Hindi siya sumagot, sa halip ay may inilapag ang flash drive sa ibabaw ng mesa ko.

"I'm not doing this for the throne but for my parents who has lost their title."

"Matagal ko ng alam, tanging title lang at paintings ang gusto mong makuha, maliit na bagay."

"If you want the throne hire someone who is more capable for the investigation and who is better than me. I see nothing wrong with the Princess identity, for me she is the legit daughter of the late King and Queen."

"Hindi ka sigurado. Wala pa ring resultang lumalabas sa DNA test na ginagawa ngayon ng agency, kaya hindi ko masasabing tama ka sa sinasabi mong 'yan."

"Duchess Evelyn has already evidence about the Princess' profile. Isn't that enough for you to believe that you can no longer take the throne?"

"Miss Sandoval ipapaalala ko lang sa'yo na baguhan lang ang Prinsesa. Hindi niya alam ang takbo ng Rallnedia, at kulang pa ang nalalaman niya tungkol sa bansang ito."

"It's up to you, my only job here is to publish an article about the true identity of the Princess. That's all and nothing more, I have no responsibility for any other issue. Our deal is before accession, once after that I have no connection to whatever you do. And on the same day you should have given me what I want."

"So business pala itong pinasok ko? And for the first time, naging seryoso ka rin sa bagay na 'to."



"All I want was the paintings and my parent's title. If you can't bring it back, I'll end what we agreed on!"

"Relax Miss Sandoval, makukuha mo rin 'yan sa tamang panahon. Wala ka bang tiwala sa aking kakayahan?" Hindi nakasagot ang babaeng kausap ko na tila ba hindi sigurado sa pinasok niyang trabaho.

" Ha ha, mas masarap ka pala kausap kapag seryosong bagay ang topic."

"Your grace nasa baba po si Duke Nicolai." Sabay kaming napalingon ng kausap ko sa assistant ko na nakatayo sa may pinto ng conference room.

"I'll excuse myself for now Miss Sandoval, bumalik ka na sa office mo at baka makita ka pa ng anak ko dito."

Sumunod din agad ang babaeng iyon sa kabilang pinto siya dumaan habang naiwan naman kami ng assistant ko. Napabuntong hininga na lang akong lumabas ng conference room at bumaba ng opisina.





"Anak napadalaw ka." Salubong kong sambit pagkababa ng elevator.

"Kailan mo ba titigilan ang imbestigasyon na ginagawa mo?" Salubong na tanong niya sa akin. Napakunot naman ako ng noo pero ngumiti din agad ako na para bang wala lang sa akin ang tanong niya.

"Imbestigasyon? Sino naman ang papaimbestigihan ko?"

"Alam kong ikaw ang nasa likod ng mga article na kumakalat ngayon tungkol sa Prinsesa."

"Talaga ba? Sa pagkakaalam ko kasi isa sa mga staff ng palasyo ang suspect, tama ba ako?"

"By the way Duke Nicolai Swisly, baka nakakalimutan mo na nasa opisina kita at anak pa rin kita, nasaan ang manners mo?"

"Greetings to Duke Markus Shawn Swisly of Dunnelbridge, Your Grace."

"Very well, kung wala ka ng ibang business sa akin pwede ka ng bumalik sa kompanya mo at sa palasyo. Or baka gusto mong bumalik dito sa kompanya ko? Welcome na welcome ka dito, at mas matutuwa ang Mama mo."

Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now