Ate Klei. Rinig kong tawag sakin ni Noah. Hindi ako tumigil. Hinawakan nako nito sa braso.
Sandali lang naman ate.
Kung sasabhin mo lang din na makipag laro ako. Umalis kana sa harap ko. Deretso kong sabi. Nagtaas na sya ng kamay at hinayaan ako.
Naabot ko ang motorbike ko. Agaran akong sumakay at pinasibad paalis. Kung nabastusan man sila sa inasal ko. Hindi ko na kasalanan yun. Totoong pagod talaga ako.
.......
Ui Klei natapos mo naba yung report na pinagagawa ni Sir Moreno? Si Olive na isa sa mga ka classmates ko.
Tumango naman ako.
San mo balak mag trabaho pagka graduate natin?
Pakikipag kwentuhan nya sakin. Wala pa kasi yung prof namin at inaantay ito.
Hindi ko pa alam.
Dumating na ang prof namin at nagsimula na ang klase. As usual may mga kung ano ano nanaman ang pinagawa samin. Sunod sunod narin ang mga projects na kailangan tapusin. At thesis na sinisimulan ko na para hindi ako magahol sa oras.
Gabi na at ito ako ngayon, andito parin sa library. May research kasi na pinagawa samin tapos grupo pa namin ang mauunang mag rereport sa susunod na araw. Pwede naman sana bukas pero dahil hindi naman kami magkakatugma ng schedule at busy rin kami lahat bukas ay napagkasunduan na tapusin ngayon. Since lahat naman kami ginawa ang task naka assign samin ay natapos rin naman. 5 members din kami kaya hindi rin kami mahihirapan. Maraming utak ang gumagana.
Papauwi nako at hinihintay na mag green ang signal. Siguro nasa bahay narin si mama, hindi ko naman matawagan dahil nalowbat nanaman ako. Papaalis nako nung nakita ko ang pamilyar na lalaki na kung titignan mo ang actions nya makakagawa na sya ng masama sa kaharap na babae. Unfortunately sya nanaman, ilang beses ba kailangan sabihan tong babaeng to. Imbes sana na umalis na ay inikot ko ang motorbike ko at nagpark sa hindi kalayuan sa kanila. May binubulong yung unggoy at lumapit pa ng sobra sa kausap. Kita ko naman kung pano naging stiff ang katawan nya na parang natatakot na. Ayaw ko nang mangialam, pero bakit nga ba ako nangingialam. Mapapa trouble ako sa babaeng to ng wala sa oras.
Lumapit ako at hinigit si Cate papunta sa likod ko sa lalakeng unggoy na to na namumula ang mata. Naka high pa ata ang unggoy. Halata sa muka nya ang pagkairita, ano mang oras makikipag suntukan. Kaya bago pa mangyari ay nagsalita nako.
Whatever you're planning to do. Wag mo na ituloy. Dahil kulungan na bagsak mo, hindi nalang lupa. Straight kong sabi at malamig itong tinignan. Bago pa sya makasagot at dahil ayaw kong gumawa ng eksena. Hinila ko na si Cate papunta sa motorbike ko. Kinuha ko ang extra helmet na laging dala ko. Saka ito walang sabing isinuot dito. Pagkalagay ko rito ay itinaas ko ang shield ng helmet.
San ka nakatira? Maikli kong tanong. Tinignan ko ito saglit kasi para syang naging statwa. Na trauma na ata. Kaya tinapik ko ang itaas ng suot nyang helmet. Nakatingin lang kasi sya sakin pero hindi kumikibo.
Ah oo. Sorry. Freliz Subdivision ako nakatira. Pagkakataon nga naman oo. Una si Hazel ngayon sya naman. Tumango nalang ako saka isinuot narin ang helmet.
Ituro mo nalang san banda pagdating doon. Huling baling ko rito bago sumakay. Nakita ko naman itong nakatitig lang sakin at hindi parin gumagalaw.
Sumakay kana ng makauwi narin ako. Napahinga ako ng malalim ng gumalaw ito at sumakay sa likod ng motorbike ko saka ipinalibot ang mga braso at kamay nito sa bewang ko. Parang ako naman ata ang nahigitan ng hininga. Pangalawang pagkakataon na nangyari. At sa iisang tao lang.
YOU ARE READING
You Are My Unknown
RomanceShe's someone whom you can tell introvert, loner and sporty person. She loves playing basketball, the not so genius one but excels in the field of sports. Her mind can come up with a lot of scenarios that can be either be good nor bad for her. Peopl...
Part 3
Start from the beginning
