Klei POV:
Linggo ngayon at papunta ako sa court ng subdivision namin. Napagkasunduan kasi kahapon ng both teams na dito gawin ang practice game between samin at sa boys team. Hindi ko inaasahan nasa iisa kaming subdivision nakatira ni Hazel. Sya ang nag recommend na dito gawin. Sa tinagal tagal namin nakatira dito ni minsan hindi ko pa ito nakasabay or nakita man lang. Kung sa bagay hindi rin naman pala ako palalabas. Sumakay ako sa motorbike ko na pwepwede ko rin naman sanang lakararin papunta doon. Pero dahil sa ayaw kong may makaalam kung saan ako nakatira dahil baka maging magulo ang tahimik na mundo ko ay pinili kong magpanggap na sa malayo pako nanggaling.
Kakapark ko palang, narinig ko na ang sigawan ng mga boys loob. Parang nagkakantyawan. Pagpasok ko, nakita ko ang teammate ko na si Jed na nakikipag one on one kay David sa team ng boys. Mukang kinakantyawan nila ito dahil sa naka points si Jed. Kilala pa naman na aggressive player si David. 2nd sya sa pinaka mantangkad sa team.
David mukang nahanap mo na katapat mo. Sigaw ng isa sa mga boys. Nagsipulan naman ang mga kasamahan nya. Pati narin ang ibang teammates ko , na tawang tawa lang.
Nakatyamba lang sya Gio. Syempre gentleman ako. Balik din na sigaw ni David sa kasamahan. Tinignan ko kung ano magiging reaction ni Jed. Pero wala itong kibo at nakatingin lang sa kalaban ng seryoso. Hindi rin kasi palangiti ang isang yan. Parehas sila ni Hazel. Saamin lahat sila at siguro ako ang hindi masyadong umiimik. Ngumingiti rin naman ako, mas malala nga lang yang dalawa. Mas masungit pa sila sa matandang dalaga.
Tama na satsat. Bakla ka ba. Daldal mo. Agaw pansin na ni Jed sakanya. Ngumiti naman si David, parang naamuse sya dito. Mukang may mabubuong love team ng wala sa oras. Nagsimula ang laban at mahahalat mong naiinis na talaga si Jed kay David. Dahil mukang pinaglalaruan lang sya nito. Siguro nag iingat na baka masaktan si Jed once na magseryoso ito. Noon nagkalaban kasi kami ay minsan ko itong binantayan. And witnessed ako sa pwede nyang magawa. Pero hindi dapat, dahil magaling na player si Jed. Kung ako yan mainiis din ako.
Nasa tabi ko naman si Gemy ngayon na mukang naaliw sa nangyayari. Ngayon lang ata namin nakita si Jed na mainis at madala sa laro.
Ganda ng laro ah. Sulpot ni Nina kasama si Lorraine na kakarating lang. Nahagip naman ng mata ko ang babaeng papalapit samin. Paanong andito rin sya, hindi naman sya player.
Start na tayo. Kumpleto na. Sigaw ni Nina para makuha nya ang attention namin lahat. Tumigil narin naman yung dalawa. At inis na lumapit samin si Jed.
Kayo nalang muna ang mauna. 2nd batch nalang ako. Saka sya umupo at uminum ng tubig. Nagkibit balikat naman si Nina..
Whole court ang gamit namin at kami nila Ianne, Hazel, Gemy, at Diane ang unang makikilaban. Sa boys naman ay si James, Arriane, Gio, David at Noah. Nagsimula na kami at masasabi kong worth it naman itong practice game between both team. Marami kaming natutunan sa kanila. At gaya ng napag usapan. Hindi ako nabangko. The whole I was playing. Hindi ko maintindihan kung ano ang trip ng mga to. Pero pansin ko ang pagka seryoso nila kapag ako ang kaharap. It's like they're trying to provoke something from me.
Nakaupo nako at nagpupunas ng pawis. Biglang may nagdikit sakin ng malamig na bottled water. Tumingala ako, and there she is giving me the look to just take it.
Siguro naman hindi mo nato tatanggihan. At kinuha ang kamay ko saka pinahawak sakin. Pinisil pa nya ang likod na kamay ko ng mahawakan ko na. The unknown feelings is here again. And it's not comfortable. What's up with the electricity?
Klei, bakit mo naman binalewala tong bestfriend ko last time? Sulpot ni Nina sa tabi nitong babaeng hindi na ata natanggal ang tingin sakin.
YOU ARE READING
You Are My Unknown
RomanceShe's someone whom you can tell introvert, loner and sporty person. She loves playing basketball, the not so genius one but excels in the field of sports. Her mind can come up with a lot of scenarios that can be either be good nor bad for her. Peopl...
