Binuksan ko nalang yung hawak kong bottled water, don ko lang napansin na hindi parin pala nya tinatanggal yung kamay nya sakin.

Ui Cate bitaw na muna. Natatawang kuha nito ng attention sa kaibgan. Na ginawa naman ng huli. Pinagpatuloy ko na ang pag inum at hinayaan nalang sila.

May mga nanood pala sa game namin na mostly ay girls. Doon ko naalala yung mga babaeng naglalaro dito nung nakaraan. At hindi ako nagkakamali sila yung nasa may kabilang part ng bench court Nakaupo sila doon at nanonood lang na parang may pinagtatalunan. Nang tumayo na ang isa sa kanila. Lumapit ito samin, particularly nakatingin sakin at mukang ako ang lalapitan. At hindi ako nagkamali. Sya yung babaeng nakausap ko noon bago ako umuwi pagtapos manood.

Hi Jersey #28 Hills. Bati nya sakin. Ang weird lang na yung ang itawag nya sakin. Pansin ko naman na hindi nanaman sya mapakali. Parang nahihiya pa.

Pls Klei nalang. Balik ko dito. Anong kailangan mo.? Kasi hindi naman siguro yan pupunta dito ng walang pakay.

Ah ano kasi, ask ko lang kung pwede ba kaming makipaglaro sainyo? Parang nag wiwish pa yung mata nyang nakatingin sakin.

Tanong mo nalang yung babaeng yun. Kilala mo naman siguro sya diba. Turo ko naman kay Nina. Napakamot ito sa pisngi nya. Halatang ayaw nya, at hiyang hiya.

Nina!!!  Sigaw ko rito. Napalingon ito samin at lumapit.
Kung makasigaw ka sa pangalan ko naman. Bakit ba?  Naka crossed arms sya sakin at hindi pa pansin yung babaeng nasa harap ko lang.

Gustong kumausap sayo. Saka binalingan ang babaeng nasa harap ko. Sakto naman ang pagtunog ng cp ko. Kaya kinuha ko ito at umalis doon.

Lumayo ako sa kanila saka ito sinagot.
Ma?

Iha asan ka nanaman? Linggo ngayon at wala ka rito. Kung may dinedate kana anak hindi mo naman kailangan itago sakin.

Ma wala akong ka date. At lalong wala akong tinatago. May laro kami ngayon. Putol ko na sa sasabihin nya . Kung ano ano nanaman kasi ang sinasabi.

Aba pati linggo may laro. Tama na yan at umuwi kana. Kailangan mo rin ng pahinga. Sermon nya.

Tapusin ko lang po to at magpapaalam nako. Pumayag naman si mama. Huminga ako ng malalim saka bumalik sa loob. Nang may mabilis na nagbato sakin ng bola. Mabuti nasalo ko.

Let's play ikaw lang inaantay. Sigaw ni captain sakin. Naka pwesto na pala sila doon. Teka kasama ako. Hindi na ata tama. Kanina pako naglalaro, isa pa pinauuwi narin ako ni mama.

Sorry iba nalang. Uuwi nako cap. Nagawa ko na role ko dito kanina. Saka ko binato uli sakanila ang bola.

Pinuntahan ko yung bag ko. At nakita ko si Cate na nakaupo sa tabi nito. Hindi ko sya pinansin. At hinding hindi ko sya papansinin hanggat hindi nawawala yung kung ano man ang weird na nararamdaman ko sakanya. Although may idea nako. Hindi rin naman ako mahihirapan sa pag iwas dahil hindi rin naman kami close.

Kinuha ko na ang bag ko, papaalis na sana ng may humarang sakin. Si Hazel.

Makikipaglaro ka or ibubuking kita? Nagkatitigan kami, at alam ko na kung ano ang tinutukoy nito. Hindi naman malakas yung boses nya pero alam kong narinig ni Cate. Napahinga uli ako ng malalim, saka ko sya tinignan ng seryoso. Pinaka ayaw ko pa naman yung pinag babantaan ako. Tinignan ko sya uli at nagbago ang expression nya. Doon ko sya nilampasan, dahil napupuno nako. Pagod narin ako sa hindi ko malaman na dahilan. Parang sumali ako sa running competition. Masama naba ugali ko don? Well bahala na sila.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Jul 02, 2021 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

You Are My UnknownDonde viven las historias. Descúbrelo ahora