Chap. 1

253 5 2
                                    

5:00am..

TSUP

DENIELLE'S POV

"Good morning, Babe." Napadilat ang aking mata nang maramdaman ko ang isang halik sa aking pisngi. 

"Mmmmmm.." Ungol ko. Antok na antok pa ang diwa ko, pero kailangan kong bumangon. Kailangan kong magluto ng makakain para sa aking mag-ama.

TSUP

Isa pang halik ang dumampi sa aking pisngi.

"Wake up. It's 5 am." Sabi ng asawa ko..si Haron.

Halos di ko pa kayang imulat ang mga mata ko sa sobrang antok. Ang sarap pang matulog. Pero di na tinitigilan ni Haron ang paghalik sa aking labi't pisngi. Dahil sa mga halik na 'yon dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Agad kong nasilayan ang gwapong mukha ng aking asawa. 

"Good morning Sunshine." Sabi ko. Bumalikwas ako at agad s'yang pumatong sa akin.

"Good morning my dear wife." Bulong nya sa akin. Bigla ba namang sinubsob nya ang kanyang ulo sa gilid ng leeg ko sabay halik.

"Oh my God!" Agad akong napasigaw sabay tawa. Nakikiliti ako sa ginagawa nya. Pero hindi sya tumitigil.

"Ha ha ha ha ha stop it Haron..Ang aga pa para landiin mo ako." Sabi ko habang tumatawa.

"Alam kong antok na antok parin ang diwa mo. Ikaw ha, bawal sa 'yo ang mapuyat. Pagod na pagod ka sa trabaho mo tapos magpupuyat ka pa sa gabi." Sabi n'ya.

"Alam mo namang tinatapos ko ang mga movies na napapanood ko sa Netflix. Lalo na 'yong THE WITCHER. Ang gwapo kasi ni Henry Cavill." Sagot ko. Biglang napangiwi ng mukha ni Haron.

"Tse! Selos naman ako n'yan..Eh ako ba, pangit?" Tanong n'ya.

"Hindi. Ikaw 'yong pinaka gwapo sa mundong ito. My one and only love."Sabi ko.

"Mmmmm..talaga?" Tanong uli nya.

"Yup..kahit isang libo na Henry Cavill ang nasa harapan ko..You're still the one I want for life and beyond." Sabi ko. Kasunod ng masuyo n'yang halik. Sabay ng mainit na yakap.

Bigla nalang..

TOK TOK TOK

"Ma..Pa..gising na po ba kayo?" Narinig namin ang katok sa pinto. Boses ng anak naming panganay si KAIDEN. Nasa pangalawang taon ng  High-school ang panganay kong anak. Sumunod sa kanya si MCKENZIE, na nasa unang taon sa High-school.

Sabay kaming bumangon ni Haron. Naunang lumabas si Haron sa pinto.

"Good morning, son. Ang aga mo yatang nagising. Himala." Narinig kong sinabi ni Haron.

"Eh, kailangan kong pumunta ng maaga sa library, doon ako magre-review para sa exams mamaya." Sagot ni Kaiden.

Habang nag-uusap ang mag-ama ko, inayos ko ang sarili ko bago lumabas ng kwarto. Araw-araw ganito ang routine naming apat. Nagluto na ako ng mga ulam para pang-almusal at nagsaing narin ng kanin. 

Nang matapos ang lahat ng pagluluto ko, agad kong hinanda para may makain agad si Haron. Mauna kasi s'yang umaalis sa aming 3. Nagtatrabaho ang asawa ko bilang Bus Driver. Maaga s'yang bumibyahe araw-araw. Pag pumatak naman ang 7:30 am magkasabay na umaalis sina Kaiden at Mckenzie. At ako naman ay 9 am umaalis dahil meron akong trabaho. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 11, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

IKALAWANG AMAWhere stories live. Discover now