Chapter 1

8.9K 85 2
                                    

CHAPTER 1

            “Pwede ba, Bianche, tigilan mo na ang pakikibaka mo d’yan sa pagsinta mo sa Lhian na iyan. Halata namang wala siyang gusto sa iyo, eh.”

            Ilang oras nang walang tigil sa kakareklamo ang all-time bestfriend niyang si Eeme sa tabi niya. Kasalukuyan kasing nagwa-warm up siya sa tapat ng eskwelahan nila para pagdating ni Lhian, sasalubungin niya ito ng one hundred push-ups na may nakaipit na rose sa bibig niya. Nalaman kasi niyang type nito ang mga athletic na mga babae. And she clearly isn’t a sporty gal. Palagi nga siyang kulelat sa mga practical tests nila sa PE. Pero hindi iyon hindrance sa pag-ibig niya kay Lhian.

            “Listen my friend, gusto ako ni Lhian, nagpapakipot lang siya dahil baka isipin ng mga tao na easy guy siya.” Tumigil siya sa pagja-jumping jacks niya saka hinarap ang kaibigan niya. “You can go now, kaya ko na ito. I’m an athletic girl, kaya! Sige na, baka ma-late ka pa sa klase mo. Ciao!” Saka hinalikan niya ito sa pisngi.

            “No. Hindi kita iiwan. I won’t let you do stupid things….alone.” Tumawa na lang siya. Hindi talaga siya nito iniiwan sa ere kahit puro kalokohan na lamang ang pinagagawa niya.

            As if on cue, kakapark lang din ni Lhian sa Chevy nito at naglalakad na papasok ng eskwelahan nila kasama ang asungot na kaibigan nitong si Nolan. Like I mentioned, asungot talaga. Super!

            Kung gaano niya kamahal si Lhian ganoon naman ang disgusto niya sa kaibigan nito.Napakahangin. Akala yata nito ay nagkakandarapa ang lahat ng mga babae dito. Pwes, iba siya, dahil kahit end of the world na, hindi niya pa rin magugustuhan ang halimaw na nagngangalang Nolan Moire Villazapanta.

            “Oh my God! Napansin mo bang mas lalong gumagwapo si Lhian sa bawat tingin mo?” Her friend just nodded.

            “At napansin mo bang mas pumapangit iyang chaperone niya.” Sinadya niyang lakasan ang boses niya para marinig talaga iyon ni Nolan at sinabayan pa niya ng tawa.

            “Excuse me, are you two talking about how hot I am?” Hinarap niya ito at inirapan.

            “Excuse me, are you talking about how deaf and airy you are?” Hindi na niya ito binigyan ng atensiyon at bumaling siya kay Lhian.

            “Good morning, Lhian.” Sheflashed her sparkling smile on him.

            “Morning, Bianch. Anong meron dito?” He smiled back at her and looked at her head to toe. Nakasporty outfit kasi siya plus a pink headband para mas cool.

            “Wala, nagwa-warm up lang kasi mukhang tulog pa kasi ang mga muscles ko sa katawan, eh.” Kinagat na niya ang rose na hawak niya saka nagsimulang magpush-up sa harap nito. Naka nine push-ups na siya nang hindi na talaga niya kaya ang pambwibwiset ni Nolan sakanya. Kanina pa ito tawa ng tawa sa tabi ni Lhian na parang nawi-weirduhan sa drama niya.

            “Hoy asungot ka! Don’t be such a bummer and let Lhian and I have our own moment!” Tumigil naman ito at kinuha sakanya ang rose nilagay ito sa tainga niya.

            “Doing push ups doesn’t fit a beautiful girl like you.” She felt her cheeks flush. “And do you know how more beautiful you become when you blush?” Iniwan lang siya nitong tulala at umalis na ito kasama si Lhian.

            “Girl, kanina pa nakaalis ‘yong irog mo. Halika na at baka ma-late pa tayo.” Kanina pa pala siya nakatunganga doon at pilit na ina-absorb ang mga sinabi at ginawa ni Nolan kani-kanina lang. Ano ba ‘tong ginagawa sa akin ng Nolan na iyon? Hindi pwede ito! Hindi talaga! Loyal ako kay Lhian, my loves!

            Tumili siya, as in, sobrang tili na nakakabingi. Nakaka-frustrate na ang pinag-gagawa nito sa kanya at bakit parang naaapektuhan siya? Anak ng patis!

            “Hoy loka-loka! Bakit ka ba tumitili? Kung gusto mong magtawag ng mga espiritu, wag sa harap ko, okay? Nakakabingi. Ano ba iyan?” Hinila na siya nito papasok sa classroom nila.

            “Ipapalapa ko kay Moshy ang Nolan na iyon! Patay talaga siya sa akin! Ahhh!” Ang pet tiger ng daddy niya ang tinutukoy niya. May-ari kasi ang pamilya niya ng isang zoo.

            “Oo na. Sige na, papatayin mo nga siya. O, magbihis ka na at baka ma-late pa tayo.”

KUNG bibigyan siya ng isang chance na pumatay ng tao at hindi siya makukulong, si Nolan Moire Villazapanta na ang nasa number one ng To-Kill List niya.

            “Ems, pwede ka bang maging abogada kapag nag-graduate na tayo?”

            Nasa canteen sila nang mga oras na iyon at hindi pa rin siya maka-get over sa ginawa sa kanya ni Nolan. Hindi lang nito binulilyaso ang drama niya kanina at t-i-nest pa nito ang pag-ibig niya kay Lhian. Ang halimaw! Gaganti talaga ko! Waaa!

            “Nope. Magpi-pedia ako, remember? Paano na lang ang mga soon-to-be born babies na kailangan ng pagmamahal at pag-aalaga ko.”Parang nagde-daydream pa itong tumunganga sa kawalan.

            “Gumawa na lang kayo ng isang batalyong kalahi ni Chuckie ng soon-to-be husband mo. Mag-abogada ka na lang, please. Please?”

            “No. No, and no. Bakit ba gusto mo akong maging abogada—”

            “Parakapag napatay ko na ang Nolan na iyon, ikaw ang magdi-defend sa akin sa korte. Ikaw ang magpapatunay na hayop talaga ang Nolan na iyon at wala siyang ibang gunawa kundi ang pagsamantalahan ang pag-ibig ko kay Lhian.”

            “Naiintindihan kita friend, pero ayoko namang ma-jeopardize ang future ko at ng mga babies na parte ngmaliwanag na future ko.”

            “Hay..kung pwede lang sanang i-request sa presidente ang ‘One day no Law Day’.”

            “Ano naman iyon?”

            “Isang araw na pwedekang gumawa ng krimen at hindi ka ikukulong.”

            “Pwede ba iyon?”

            “Oo, kung ikaw ang magiging presidente.Ems, ano kaya kung—”

            “Hoy! Bruha ka talaga, sabing magpi-pedia ako eh.”

            “Pero,Ems—”

            “No. No, and no!” She sighed. Alam niyang ang babaw ngplanoniya pero          kailangan talaga niyang makaganti sa Nolan na iyon.

            “Alam mo girl, kalimutan mo na lang ang Nolan na iyon okay? Focus ka na lang kay Lhian. Magpakabaliw ka hanggang sa gusto mo. I can’t believe I just said that.” Sumipsip ito ng juice nito.

            “Oo nga ano? You’re such a genius, Eeme! Ako rin naman, ah. Pero bakit hindi ko iyon naisip?” Her friend shrugged and she grinned evily.

            “So, ano na ang next sa stupid How-can-Lhian-love-me bucketlist mo?” Tiningan niya ng masama ito. “Oo na, wala na ang ‘stupid’.”

            Tiningnan niya sa iPhone niya ang listahan ng mga gagawin niya para mapaibig si Lhian and she grinned evily. Again.

Nolan Moire Villazapanta (A PHR Stallion Series )Where stories live. Discover now