Hindi lahat ng tao sa mundo ay lumaki na kasama ang mga magulang nila mula sa pag-ka bata hanggang sa pag-tanda, ang iba sa kanila ay katulad ko na nawalan ng mga magulang. Yung iba naman? Hindi na nila nakilala yung sa kanila dahil sadya silang iniwan o nag-karoon ng aksidente kaya sila na lang ang naiwan dito ngayon.
Napaka-swerte ng mga taong katulad ni Reiner at Curtis dahil may mga magulang pa rin sila, doon pa lang? Panalong-panalo na sila sa buhay. Idagdag pa na hindi naman sila nag-kakaroon ng problema sa pinansyal, inaalagaan sila saka inaalala at iyon ang dahilan kung bakit sila gina-grounded kapag may mali silang nagawa.
Tungkol doon ang usapan namin ni Reiner hanggang sa makarating kami sa tapat ng Villa Amore, pahirapan pa ngang gisingin si Curtis dahil napuyat kagabi. Hindi lang kase siya grounded, pinalayas din pala siya ng dad niya. Hindi ko alam ang rason sa likod non pero mukhang mas mabigat ang ginawa niya kaysa kay Reiner.
"Oh? Napansin ko lang, bakit palagi kayong mag-kakasama?". Aniya ni Harvey mula sa likuran namin.
Mukhang kakarating niya lang rin ngayon, hindi pa siya nakabihis ng uniporme katulad namin. Sabay-sabay kaming pumasok sa loob, may nakasalubong pa nga kaming guest na nag-hahanap ng tutulong sa kaniya. Mabuti na lang at nandito na kami, agad na nag-tungo doon sina Harvey saka Reiner kahit hindi pa sila nakabihis.
Kami naman ni Curtis ay dumiretso na para makapag-palit na muna kami habang wala pa yung dalawa, kumpleto na kaming night shift kaya maaari na kaming mag-simulang mag-trabaho!
Hinatid ko muna ang mga bagong dry towels sa iba't ibang hotel room dahil kailangan na iyon doon, nang matapos ako ay nag-hatid naman ako ng pag-kain sa isang VIP customer na babae at isang sikat na perfume expert. Hindi ko alam kung bakit niya ako binigyan ng malaking tip, ayoko pa nga sanang tanggapin dahil ginawa ko lang naman ang trabaho ko.
She insisted that I should accept it that's why I can't do anything much, I just thanked her instead. It's not like I can argue with a VIP customer, my boss will surely fire me if I did something like that.
Makalipas ang dalawang oras, alas nuwebe na ng gabi. Oras na para sa short break time namin kaya naupo muna ako sa labas ng hotel, mas malamig ang simoy ng hangin dito saka mas kumportable kaya nag-pasya akong manatili na lang muna dito. Hindi rin naman ako nagugutom, masyado atang naparami ang kain ko dahil masarap ang ulam na niluto ko.
Habang nakaupo ako, binibilang ko ang mga sasakyang dumadaan at hindi ko maiwasang mapaisip. Paano kaya kung ang mga ito ay mga bituin tapos kapag humiling ka ay magiging totoo ang hiling mo?
Siguro lahat ng tao sa mundo ay walang problema, malayo sa sakit o pait ng kahapon pero imposible naman ang bagay na iyon dahil lahat tayo nakakaranas ng hirap at sakit sa buhay.
Siguro, una kong hihilingin na umayos ang pakiramdam ni mama tapos bumalik si papa sa'min para makumpleto na kami. Hindi naman ako naniniwala na basta na lang niya kami iniwan, hindi rin ako naniniwala na may iba na siyang pamilya ngayon dahil nandito kami.
Nasaan na kaya si papa? Iniisip niya rin ba kami minsan?
"Cece? Pinapatawag ka ni Sir West, nasa opisina siya ah". Nagulat ako dahil biglang sumulpot si Ms. Evy sa likod ko.
"Ganon po ba? Sige, pupuntahan ko na po siya". Masaya kong sagot sa kaniya saka tumayo ako mula sa kimauupuan ko.
Malamang nag-pakuha nanaman siya ng pag-kain tapos ako nanaman ang uutusan niyang umubos non para hindi na kailangang itapon, dahil tulad nga ng sinabi ko ay masamang mag-sayang ng pag-kain. Dumiretso na ako sa elevator papunta sa opisina niya, may nakasabay akong batang Amerikano at napaka-bait niyang bata!
YOU ARE READING
Finding my way back (KOV #4)
Science FictionThis is King's Of Valentine #4 - Finding My Way Back. (Final Story of KOV series) Never let your memories be greater than your dreams and wherever you go, go with all your heart but how can I leave if my heart was taken by a stranger? We barely kn...
Wrong Path
Start from the beginning
