DG #99

601 11 3
                                    

Dahlia's Point of View


Nakasimangot ako habang nagbibihis ng panlakad ko. Ang sabi pa ni Kuya ayaw daw pumasok ni Trevon sa loob ng bahay. Nasa loob lang sya ng kotse nya. Paki ko sa kanya. Bahala sya dun.


Sa huli ang napili ko ay isang blue ripped jeans at isang, Women Blouse Korean Top Chiffon Puff Sleeve Crop Top Blouse Floral Croptop Long Sleeve. Basta iyun hihi.


kinuha ko ang cellphone ko at nilagay ang pera sa may bulsa at tuluyan ng lumabas ng kwarto. Dire diretso lang ako palabas, wala naman kasing tao sa loob.


Sina Mommy, Daddy, Ate at Kuya Dustin ay nasa Korea naman. Ewan ko kong kelan sila uuwi.


Nang makalabas ako ng bahay ay nakita ko agad ang Aston Martin ni Trevon. Napairap ako ng makita ko syang lumabas ng kotse nya at nakangiting lumingon sa akin.


"Hi there beautiful" bati nya.


"Beautiful your ass" mataray kong sabi at kaagad na pumasok sa loob ng kotse nya.


I pouted. Kahit ganun naman yung inasta ko I feel bad pa rin. Naawa tuloy ako sa kanya. Pero dapat hindi na ako marupok. Hindi dapat ako basta basta rurupok sa lalaking ito.


Hindi porke gwapo sya e bibigay na agad ako sa kanya. No way! :<


"Why are you pouting?" Tanong bigla ni Trevon habang nagmamaneho.


Hindi ko sya sinagot at napatingin na lamang sa may bintana. "Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.


I smiled when I saw the beautiful sunset. Ang ganda.


"So beautiful.." bulong ko habang hindi mabaling sa iba ang atensyon ko.


"Yeah so beautiful" rinig ko ding sabi ni Trevon kaya awtomatiko akong napatingin sa kanya.


Kumunot ang noo ko ng mahuli ko syang napatingin sa akin. Nang magtama ang tingin namin ay kaagad ko syang inirapan dahil naramdaman kong kinakapos ako ng hininga. Idagdag mo pa ang sobrang bilis ng tibok ng puso ko.


Nakakaasar.


"We're here" ani Trevon


Nilibot ko naman ang paningin ko labas. "Anong ginagawa natin sa park?" Takang tanong ko.


Hindi ako sinagot ni Trevon at nauna na itong lumabas. Napanguso ulit ako at aakmang lalabas din. Pero huli na ng mapansing nakabukas na pala ang pinto ng passenger seat at nakatayo lang nama doon ang isang pangit na lalaki. Chour.


"Hindi ka lalabas?" Tanong ni Trevon


Hindi ako kumibo at tuluyan ng lumabad. Medyo may kadiliman na din pero hindi naman nakakatakot tingnan kasi may mga nakapalibot na street lights. 


Napatingin ako sa kamay ko ng maramdamang may hunawak doon. Magsasalita pa sana ako kaso hinila na ako ni Trevon papunta kong saan.


Muntik na akong madapa dahil sa bilis ng paghila nya sakin. Sasabunutan ko to e.


"Tadaaaa!!"


Napaawang ang mga labi ko sa nakikita ko ngayon. May isang maliit na bahay kubo doon na punong puno ng mga balloons, flowers, petals, at chocolates. 


Pero sa isang bagay lang ako natunaw bigla. May nakasabit sa pinakagitna na picture namin ni Trevon nung bata palang kami at nung picture ngayon. Hindi ko lang matandaan kong kelan yung picture namin ngayon. At sa malaking hugis na heart sa gitna. Doon lang naman nakalagay ang mga katagang.


'I Love You My Dream Girl'


Kusa ng tumulo ang luha ko sa nakikita ko ngayon. Hinarap ko si Trevon na bakas ang pag-aalala sa mukha nya ng mapansing umiiyak ako.


"Hey.. I'm sorry,. Hindi mo ba nagustuhan?" Nag-aalala nyang sabi.


Marahan kong sinapak ang matigas nyang braso at umiyak na parang bata. "B-Bakit ang sweet sweet mo ha? M-May paganto ganto ka pang style na nalalaman.." ani ko.


Hinawakan nya ang pisngi ko at marihing pinisil iyun. Nginitian nya ako. "I want you to be my girlfriend, Dahlia. Ikaw lang ang gusto kong maging girlfriend. Ang nag-iisang dream girl ko noon pa man. I'm sorry I left. I'm sorry I lied to you. I'm sorry I hurt you. I didn't mean to do that shits to you.. masyado na kasi kitang mahal kaya ko ginawa yung mga bagay na akala ko maiintindihan mo pero it turns out na ikakasakit mo pala.." huminga siya ng malalalim.


"I love you so much, Dahlia. Mahal na mahal kita. Kaya kong gawin lahat para maging worth it sa pagmamahal mo. I love you my Dream Girl. I really love you"


Sa mga salitang lumalabas sa bibig nya. Rumupok ulit ako. Mas lalo ko syang minahal dahil sa mga salitang iyun. 


I love him too.

I really do.



Dream Girl (Dahlia Felane)Where stories live. Discover now