Kabanata 21

7 1 3
                                    

Kabanata 21:

Maaga akong nagising at nag ayos. Wala pang sino man ang gising dahil sinadya ko talagang gumising ng maaga at unahan sila.

Nagpunta ako sa palengke upang mamili ng gagamitin ko sa pag luluto. Nais kong ipagluto ang mga kasama ko sa bahay maliban sa dalawang bruhang nakikisiksik sa pamilya namin.

Maganda ang umaga, masigla din ang pamilihan sa aking pag punta. Ang kasama ko lang ay ang kutsero namin dito sa Maynila.

"Magandang araw binibini! Sariwa ang aming isda!" Alok sa akin ng isa sa mga tindera ng isda. Lalapit na sana ako ng biglang may isang pamilyar na imahe ng lalaki ang tumabi sa akin.

"Magandang umaga Señorita Isabel!" Nginitian ko din si Andres bilang tugon sa kanyang ngiti.

"Señor Andres! Bakit ka naririto?" Maaga pa at bakit naman narito si Andres anong ginagawa nya rito?

"Si Ina," itinuro nya sa akin ang kinaroroonan ni Doña Celirina. "Sinamahan ko siyang mamili ng sahog, tamang tama naman at nakita kita balak ka sanang imbitahan ni ina para sa isang tanghalian mamaya sa aming tahanan."

Napatingin uli ako kay Doña Celirina na abala sa pag pili ng gulay. Luminga linga ito sa kanyang kaliwa't kanan, mukhang hinahanap si Andres. Napangiti ako bigla ng mapatingin ito sa aming puwesto. Agad akong kumaway ng sagutin din ako ng ngiti ni Doña Celirina.

"Magandang umaga binibining Isabel, hindi ko alam na narito ka." Agad siyang lumapit sa akin at nakipag beso beso.

"Namimili din ho ako ng sahog para sa aming almusal, nais ko ho sanang ipag luto ang aking pamilya at kung inyong mamarapatin ay iniimbitahan ko na rin kayo sa aming tahanan para sa isang almusal?" Nakita ko ang tuwa sa mata ni Andres at Doña Celirina kaya't alam ko ng sasang ayon sila.


"Tuloy po kayo Doña Celirina at ginoong Andres, pag paumanhin ngunit tulog pa si ama at tiya. Magluluto lamang po ako ng ating kakainin at wag kayong mahiya sa aming tahanan."

Mabilis akong tumakbo sa kusina para magluto ng almusal. Nagluto ako ng Siarsadong isda, adobong manok at sapsuy na gulay. Patapos na ako sa pag luluto ng gulay ng marinig ko ang mga boses nila Doña Celirina at tila may kausap. Marahil ay gising na sila ama at tiya.

Saglit akong sumilip sa sala at nakita kong may kausap nga sila Doña Celirina, ang impakta at bruha naming mga ampon. Lalapit sana ako ng bigla akong sinalubong ni Clarissa at iba pang serbidora dito sa bahay.

"Magandang umaga po señorita!" Bati nilang lahat sa akin kaya nginitian ko sila.

"Magandang umaga din, ako'y tapos ng magluto ng umagahan at kung maaari ay pakihanda na ang hapag dahil tayo ay may panauhin." Agad naman sila nagsipagsunuran sa utos ko at inayos na ang hapag.

Nang makita ako nila Doña Celirina ay agad akong nagpaalam na aakyat lamang ako sa taas at gigisingin si Tita Juana at ang iba pa. Pinaplastik naman sila nung Bruhang Karen kaya't may makakausap pa sila.

Pagkagising ko kay Tita Juana ay dumeretso agad ako sa kwarto na pinagdalan kay Juan at Silay. Pagbukas ko ng pinto ay sumalubong sa akin ang mahimbing na tulog ng dalawa. I checked their bruises and wounds, mas maayos na kesa kahapon.

"Juan? Silay?" Tawag ko sa kanilang dalawa. "Gumising na kayong dalawa at kakain na." Aya ko sa kanila.

"Magandang umaga binibini!" Gulat na napatayo si Silay ng maaninag niya siguro kung sino ako. Natawa tuloy ako saglit.

"Magandang umaga ate." Isang matamis naman ang sinalubong sa akin ni Juan.

"Kamusta ang pakiramdam niyong dalawa?" Tanong ko sa kanila.

"Maayos na po at hindi na ganon kasakit ang aming mga sugat." Sagot sa akin ni Silay.

"Kung ganon, naghanda ako ng masasarap na pagkain sa baba, tara?" Aya ko sa kanilang dalawa at agad naman silang bumangon.

Kita ko ang hirap ni Juan sa paglalakad kaya't minabuti ko na lamang siyang buhatin. Magaan lang naman si Juan dahil sa payat nitong batang to.

Pagbaba namin ay wala ng tao sa sala kaya't marahil ay nasa hapag na sila Doña Celirina kasama sila ama at tita Juana.

Pag pasok namin ng kusina ay hindi ko napigilan ang tawa ko. Paano ba naman kase lahat sila ay nakatingin sa amin na tila kanina pa kami hinihintay.

"Paumanhin,"

"Kanina pa namin kayo hinihintay upang makapagsimula na." Sabi ni ama na tila kanina pa gutom.

"Pasensya na po." Nginitian ko si ama bago kami nagpunta sa aming mga pwesto.

"Señor Andres, ikaw ay ganap ng binata. Tunay ngang kay bilis ng panahon noong huli kitang masilayan ay isa ka pang maliit na paslit." Panimula ni ama ng usapan. "Sandali, tila lagi kong napapansin na madalas ka sa aming tahanan sa Cavite at tila dito rin sa Maynila, inaaligiran mo ba ang aking anak na si Isabel?" Mapangahas na tanong ni ama kaya't bigla akong nabulunan.

"Señorita tubig po." Alok sa akin ni Clarissa ng tubig kaya't agad kong ininom.

"Ama, anong katanungan iyan?"

"Nais ko lamang malaman ang hangarin sa iyo ni Señor Andres pagkat may isang binata na rin ang nalahad sa akin ng kanyang nararamdaman sa iyo." May isang binata na? Sino naman?

"Labis kong nauunawaan kung may ginoo ng naglahad ng damdamin niya para kay Señorita Isabel, Don Domingo. At siguro ay ito na ang tamang pagkakataon upang ako'y maglahad na din." Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, parang gusto kong pigilan si Andres sa pagsasalita niya. Alam ko na naman ang damdamin niya para sa akin pero parang ayaw kong marinig. Ayaw kong marinig ang damdamin niyang umaasa dahil alam kong wala, wala siyang mapapala. Pero wala din akong magawa, hindi ako makapagsalita.

"Isang magandang binibini si Señorita Isabel Don Domingo, ngunit bukod sa kanyang itsura ay mas nabihag ako ng kanyang puso. Labis pong mapagmalasakit at mapagmahal ang inyong anak at ang mga bagay na iyon ang mas nagpatindi ng aking paghanga sa kanya." Napayuko ako sa mga sinasabi ni Andres, hindi ko alam kung mahihiya ako pagkat andami naming kasama ngayon sa hapag. "Kaya't ngayon po ay buong tapang po akong humihingi ng pahintulot sa panliligaw sa iyong anak Don Domingo." Napatingin ako kay Andres pero wrong move pala kase nagtama ang aming mga mata. Syete!





Natapos na ang lahat lahat ngayong araw,  but hindi pa rin mawala sa isip ko ang confession ni Andres. Paano ko tatanggihan ang pag-ibig niya? Ayoko namang paasahin sa wala si Andres dahil napakabuti niyang tao.

Hay!

Buti pa ang araw walang problema, lalabas lang sa umaga upang magbigay ng pag asa pagkatapos ay mag papahinga na muli sa gabi.

Siguro ay dapat linawin ko na ang nararamdaman ko. Uso naman sa panahon ko na babae ang umaamin, kaya't aamin ako. Kung hindi man niya ako gusto ay naka amin na ako at madali na lang ako makakamove on nun!

Kung pwede lamang ngayon, pero hindi dahil nasa Cavite siya! Bakit naman kase bumalik na siya agad?

Pag kabalik na pagkabalik namin ng Cavite ay aamin na ako sa totoong nararamdaman ko. Bahala na kung ano ang magiging reaction niya! Ang mahalaga alam niyang gusto ko siya at kung wala naman siyang nararamdaman sa akin ay makakaiwas na siya. Tama!

Sa makalawa, kahit anong mangyari ay aamin na ako! Para mawala na ang bigat sa dibdib na dala ko. At kung sakali na ayaw niya para nararamdaman ko ay makakalaya na siya sa aking pagtangi.

Cinderella of 18's Where stories live. Discover now