Qui Decipitur

19 1 0
                                    

Kakatapos pa lamang manalanta ng bagyong Ondoy noong naranasan ko ito...

ilang araw pa lamang ang nakararaan nang makita ng buong Pilipinas kung papaano pinalubog sa tubig ni Ondoy ang bayan ng Rizal at Marikina, at ilang bahagi na din ng Metro Manila.

Sa laki ng pinsala ay tinatayang umabot ng isang bilyong dolyar mahigit ang halaga ng mga ari-arian na pininsala ng bagyo...

at walong-daan libo mahigit ang naapektuhan at pinilayan ng bagyong ito...

idagdag mo na din ang naitalang mga namatay na umabot sa sietecientos diez ang bilang...

at ang mga haka-haka pa daw na nag-news black out pa daw ang gobyerno upang pagtakpan lang ang tunay na bilang ng mga nasawi dahil sa bagyong Ondoy...

pero hindi naman talaga napatunayan kung totoo nga...

walang nakaka-alam...

tanging nasa itaas lang.

Hindi naman talaga tungkol sa Ondoy ang ibabahagi ko...

tungkol ito sa mga nangyari nang magsimula kaming bumangon pagkatapos ng bagyo...

dahil labis ngang naapektuhan ng bagyo ang aming kabuhayan noong kasagsagan ng bagyo...

sakto namang wala ako sa Ampid noon upang tulungan ang ermat ko at ang mga tyahin ko na naipit sa Ampid noong mga panahong iyon na kasagsagan ng baha.

Dahil na din sa depresyon na dulot ng bagyo sa aming pamilya ay, naghatid ito ng hindi pagkakaunawaan...

hindi ko alam ang pinakupuno't-dulo ng alitan sa pagitan ng mga kamag-anak ko...

yamang hindi naman ako mahilig sa ganoong uri ng mga usapin.

Nabalitaan ko na lamang din ng may nagsabi sa akin na muntik malunod ang nanay ko noong bahang hatid ni Ondoy...

mabuti na lamang daw at may nakakita sa kanya na isa sa mga kapit-bahay namin at natulungan siyang iahon mula sa baha...

wala naman akong nabalitaan na namatay dahil sa bagyo sa aming lugar...

pero napakaraming napilay ang kabuhayan...

at napakaraming gamit na naipundar ang sinira ni Ondoy sa isang iglap lamang...

napakarami din ang nagutom ng mga oras na iyon...

dahil sa biglaang pagtaas ng tubig sa Rizal...

sabi noon sa balita ay nag-abiso naman daw sila bago magpakawala ng tubig...

pero wala man lang akong matandaan na nag-abiso ang gobyerno sa media na magpapakawala sila ng tubig...

kung mayroon man ay maaaring nakapag-handa sana ang mga tao sa Rizal...

lalo na sa Montalban at Marikina.

May ilan pa akong nakita na mayroon namang may kaya sa buhay...

madaming kwarta...

madaming ari-araian...

tunay ngang may maalwan na pamumuhay...

pero...

noong naipit sila ng baha sa kanilang bahay...

ay hindi nila maibili ng pagkain at gatas ang mga anak na nag-iiyakan sa gutom at lamig...

habang mag-kakayakap sila sa ibabaw ng bubong ng kanilang magarang bahay.

Sa panahon ng delubyo ay...

walang silbi ang salapi at estado ng tao sa buhay...

pantay-pantay lang tayo...

at...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 03, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Qui DecipiturWhere stories live. Discover now