TPS 4: Ran vs Ren

Magsimula sa umpisa
                                    

“Wala yun pre, sige aalis na kami.” Sumakay na si Ren sa loob ng kotse, ibinaba nito ang salamin at tinitigan ng masama silang dalawa bago ipinasok ang kotse sa loob ng mansion.

“Sira ka talaga, mapapahamak tayo sayo eh,” sita sa kanya ni Topher.

“Sino yung babaeng kasama niya?” ngumisi ito ng nakakaloko sa kanyang tanong.

“Type mo akala ko ba loyal ka?” sinapak ni Yuan ang dibdib nito.

“Gago ka? tinanong ko lang, hindi ibig sabihin na ipagpapalit ko na ang Ran ko,” pagmamalaki ni Yuan,”

“Nakakabigla kasi na isang sabi niya sinunod na agad ni Ren,” nilingon ni Topher ang gate,” sila ba?”

“Ewan” kibitz balikat nito,”parang ganoon na parang hindi, si Eunice yun, palaki ng parents nila, so parang pamilya, pero kalat naman sa campus na mahal ni Ren si Eunice, kaya lang parang hindi naman sila, kasi may lalaki naman na laging kasama si Eunice eh, yun yata yung boyfriend..ewan magulo, “  napaisip na lang si Yuan, wala siya kasing kilala na Eunice noon.

“Tara na,” patuloy siyang hinila nito. hindi pa rin mapawi ang kanyang ngiti.

“Hindi ka man lang kinabahan, muntikan na tayo doon nagagawa mo pang ngumiti,” baling ni Topher dito.

“Syempre kinuha ni Ran ang bulaklak,” abot hanggang tainga na ngiti niya.

“Ng dahil sa isang bulaklak, lumuluwag lalo ang turnilyo mo,”

…………………………………………………………………………………………

Pagkapark sa sasakyan, pumunta agad si Ren sa mga guard, pinagalitan niya ang mga ito dahil sa hindi maayos na pagbabantay. Sinaway niya ang mga ito na nakayuko lang.

“Ayokong maulit ito, or else makakarating it okay dad and you will all lose your job understand?” magalang na sumagot ang mga ito. Ayaw gawin ito ni Ren but it’s for their security. Negligence ang naging dahilan kung bakit sila nakalabas noon, ayaw niyang maulit pa iyon.

Tumalikod siya at nakita si Eunice na nakaabang sa kanya.

“Bakit di ka pa pumasok sa loob?”

“Sabay na tayo,” natuwa naman siya sa sagot nito,at least  he feels special, taliwas sa sinasabi nito sa kanya.

“Let’s go,” hahawakan niya sana ang kamay nito pero agad nitong iniwas, naging seryoso ang hitsura nito.

“Sorry,” sagot nito ng makita ang dismaya sa mukha ni Ren,” family don’t hold hands,” paulit-ulit na umiling si Ren, bigo sa sagot nito. Ayaw niyang maging kamag-anak ito, matagal niay ng nilinaw it okay Eunice, pero laging balewala siya dito.

“Alam mong ayoko sa pamilya na nasa isip mo…I want you to be my family,” nilampasan na ito ni Ren dahil nakita na naman niya ang rejection sa mukha nito.

Lagi na lang.

Hinanap niya si Ran para mapagsabihan, nakita niyang papasok ito dala ang isang rose na iamoy amoy pa.

“Ganyan ka ba kasabik na mabigyan ng bulaklak, I can buy you more than that!” kumunot ang noo nito sa kanyang umpisa. Naiinis kasi siya kapatid. They will just hurt her, lalo na pag nalaman nito ang sakit niya. Aabusuhin lang siya nga mga tao sa paligid.

“I guarantee you dear brother na I can buy more than you can buy for me,” tumaas ng hanggang langit ang kilay nito.

“yun naman pala, why don’t you just throw it?” inis talaga si Ren,” galing yan sa kung sino na namang stalker mo and you are liking it!” tumaas na ang boses ni Ren, Ran cross her arms, hawak pa rin ang isang bulaklak na pinag-aalburoto ng kapatid.

“You’re impossible, bulaklak lang ito,” di niya maintindihan kung bakit sila nag-aaway, o bakit siya inaaway nito.

“because you’re naïve Ran, you don’t know the people outside yung iniisip nila!” nabigyan linaw lamang ang tanong sa isipan ni Ran ng dumating ang babaeng laging dahilan kung bakit ganito ang kanyang kapatid.

Mainitin ang ulo at sa kanyang nakabuntot.

Hell she will let that. Sisiguraduhin niya na ito ang titiklop sa huli.

“Ren it’s just a flower, I told you harmless sila,” sabi ni Eunice, if she thinks na matutuwa si Ran sa sinabi nito, nagkakamali ito. Uminit na ang ulo ni Ran, hindi niya kailangan ng pagtatanggol nito. She never trusted this intruder, ang mommy nito ang dahilan kung bakit nagkahiwalay ang parents nila, hindi niya rin maintindihan kung bakit s akabila ng panloloko ng mommy nito, kinupkop pa rin ng parents niya. Binihisan, pinag-aral, sinuportahan and when she turned 18, nakabukod na ito, matanda kasi sa kanila ito ng ialng buwan.

“Sorry dear but I don’t appreciate you standing by me,” mataray na sabi ni Ran dito na agad na sinaway ng kakambal.

“Ran ano ba, she’s nice to you pero bakit ganyan ka lagi?”

“You know what? Maibibilog niya ang lahat but not me,” ayaw na ni Ran manatili kung nasaan ang dalawa. Papabayaan nya muna ang kanyang kapatid sa kabaliwan nito, but once may hindi magandang nangyari, makikialam siya. If she will use her power to rid of Eunice gagawin niya para maprotektahan ang kanyang pamilya. May alam siya na di alam ng lahat kaya naman palagay ang mga ito, but not her…patuloy siyang magdududa. Magmamatyag.

Panonoorin ang bawat kilos ni Eunice, because she is still her mother’s daughter.

“Ganyan ka ba talaga lagi? Hindi ka ba magbabago? Masaya ka ba pag nasasaktan si Eunice?” naka igting na ang bagang nito, habang hawak siya sa braso, mahigpit. Iba talaga kapag si Eunice ang naaagrabyado, grabe talaga ito magtanggol.

Nakita niya ang sakit sa mukha ni Eunice, pero hindi siya paloloko doon.

“Let go.” Utos niya sa kakambal.  Nakipagtitigan ito sa kanya, hanggang sa ito ang unang sumuko.

“Nag-aaway ba kayo?” boses iyon ng kanilang ina na galing sa taas.

“Tita.” Tawag ni Eunice

“Honey,” parang batang nahuling nagnanakaw si Ren, madali itong bumitiw sa braso ni Ran, dahil sa puti niya agad nagbakas ang kamay niya sa braso nito. Nakunsenysa naman agad si Ren sa kanyang nagawa.

“Sorry,” nilampasan lang siya ni Ran, umakyat ito sa hagdan , nakahawak sa staircase, sinundan niya ng tingin ang kakambal. Alam niya na ang lakad na ito.

It’s his fault anyway.

Ilang sandali pa bumagsak na ito buti at nasalo niya, kung hindi lagot na naman siya sa kanilang daddy.

Mali pala, lagot na nga pala siya kapag nakita nito ang pasa sa braso ng paboritong anak.

“Send her to her room tapos mag-uusap tayo,” seryosong sabi ng kanyang mommy.



The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon