So kanino ako kakampi? Sabi ko nalang. Pahiwatid na sasali ako. Lumawak ang ngiti nya. Mukang naging excited.
Samin ka nalang sumali. Palitan mo si James. At sino daw? Pero sige na, gora na. Tumayo ako at pumunta muna sa changing room para magpalit ng mas comfortable na damit. Dahil may locker naman din kami dito at andon ang extra na damit ko.
Pagbalik ko ay nagpakilala muna sila sakin. Ok naman sila at si Noah na nag aya sakin ay nginitian uli ako. Hindi naman sa na wiwirduhan ako pero bat ba sya ngiti ng ngiti. Doon ko napansin na andito pala yung pinsan na tinutukoy ni Nina na tinitukoy ni Lorraine kahapon. Isa sya sa member sa opposing team. Na ang pag kakaalala ko ay David ang pangalan. Totoo nga naman na may itsura ito, at makisig din ang tindig. Totoong may appeal talaga. Anyways balik sa game nagsimula na kami maglaro.
Habang nasa laro ay hindi muna ako naging aggressive. Lagi lang akong nasa 3 point lane at nag oobseba. Habang binabantayan naman ako ngayon ni David na ngayon ko lang napansin. Dahil siguro inaaral ko ang galaw ng may hawak ng bola. Nang napansin kong ipapasa sakin ni Jerome ang bola kumilos ako at tumakbo papunta sa left side ng 3 point lane at mabilis na sinalo ang bola. Mukang hindi ako napansin nang nagbabantay sakin dahil medyo ginigitgit nya ako kanina. Huli na ng nahabol nya ako dahil na ishoot ko na ang bola. Mukang walang nakapansin kaya lahat sila napatingin sakin. Nag kibit balikat lang ako at pinagpatuloy ang laro. Sa huli nanalo ang team namin. Lamang kami ng 15 points. At dahil sa sobrang focus ko sa laro, hindi ko napansin na dumami na pala ang mga nanonood samin.
Lumapit naman sakin si Noah, as usual naka ngiti. Nakakatuwa lang sya. Lalo na ung dimples nya. Masasabi kong magaling sya at sa nag obserba ko ay center ang position nya.
Buti nalang napapayag ka namin magkipag laro. Pwede bang magpa autograph? Sabi nito na parang hindi weird yung sinabi nya. Like ano ako, artista lang ganon. Tinignan ko naman sya na parang nagtatanong. At mukang na gets din naman nya
Ano kasi actually nakikinood kami ng games nyo tuwing my tournament. And matagal ka nanamin gusto rin makalaro. So ayon kasi, ang galing mo rin kasi talaga. Mahaba nyang paliwanag .
Hindi naman ako magaling, nag support lang ako. Sabi ko habang nag reready narin na aalis. Ngumiti lang sya sakin at napa iling.
Still humble. Huling sabi nya bago nag paalam. Hindi ko nalang din pinansin yon.
Pabalik nako ng locker room nang biglang sumulpot si Nina sa tabi ko. Mukang nakinood din ang isang to. Hindi lang yon kasama rin nya yong girl na pinuntahan sya kahapon sa gym.
Klei mukang pinatikman mo ng bangis yung team ng boys ah. Galing galing ng bata ko. Malokong sabi nya sakin habang naglalakad kami. Nagkibit balikat ako at ano bang sinasabi nitong bangis. Ano ako tigre lang.
Naglaro lang ako, anong mabangis don.... Not a question but rather a statement. Umiling ito at saka ako sinuntok ng mahina sa braso. Gawin ba naman akong punching bag. Hindi ko na alintana na asa likod ko lang sila. Mabilis kong tinanggal yung damit ko at nagpalit ng ibang t-shirt, ganon din sa shorts na pinalitan ko naman ng jeans, hindi narin ako nag shower dahil uuwi narin naman ako. Napansin ko naman sa peripheral vision ko na naka tingin sakin ang kasama nito. Pero hindi ko pinansin. Humarap ako sa kanila, si Nina na katayo lang sa gilid at may kung anong kinakalikot sa phone nya. Habang ang kasama naman nya mataman lang na nakatingin sakin pero hindi ko binalingan.
Nina una nako. Kitakits nalang. Umangat ang ulo nya saka ako siangot.
Sige, pero ang galing lang talaga. Sana kami rin may chance na makalaro ang boys. Sabi nya na parang nag wiwish. Sa totoo lang kasi ayaw ni Coach Eli na makipag practice game kami sa boys team dahil narin sa kadahilanan na agresibo sila at pwede kaming masaktan. Kaya ang nangyari ngayon ay out of norm. Naglakad nako pero sinabayan parin nila ako.
YOU ARE READING
You Are My Unknown
RomanceShe's someone whom you can tell introvert, loner and sporty person. She loves playing basketball, the not so genius one but excels in the field of sports. Her mind can come up with a lot of scenarios that can be either be good nor bad for her. Peopl...
Part 1
Start from the beginning
