Exclusively Yours: Zeiron's Point Of View

Magsimula sa umpisa
                                    

“MR. ZEIRON CLOUD MONTANES! I’M IRIS JANE LOYOLA NGA PALA! PAGDATING NG ARAW, MORE THAN 5 WORDS NA ANG SASABIHIN MO!”

 

 


Hindi mo man nakita, nag-iwan ka ng ngiti sa labi ko. Makarinig lang ako ng ‘keys’ sa tropa ko, ikaw agad ang naiisip ko. Ikaw na nagbigay ng kakaibang kahulugan sa salitang yon.

 


Gusto ko mang humaba ang usapan natin, hindi ko magawa dahil kahit mayabang ako, tiklop agad ako pagdating sayo.

 

 



“DEAN RHEIZEN HERE!” – Dean


“CUTE IVAN THANIELLE HERE!” – Than

 

“WE’RE MOMMY IRIS AND DADDY ZEIRON CUTE LITTLE BABIES!”

 

 

 


Wala rin namang masama kung takutin ko ang mga pamangkin ko para lang mapilit silang tawagin kang Mommy… at ako ang Daddy nila.

 

 



To: ZeironPanget

Wiiiiiiiiiiiii! Nag-aalala sakin! Opo, nakauwi na ko! Labyow!

Sent!

 

 


Maniniwala ka bang sinave ko yang text mo sa messages ko at gumawa pa ko ng kopya para sa desktop ng computer ko?

 

 

“Oh, pre, ikaw na bahala”

“Yeah, thanks” ngumiti siya sakin.

“No problem couz” – me

 

 

Nakakahiya mang aminin na gumamit pa ko ng ibang tao para lang mapalapit sayo.

 

 

Na kahit anong pilit ko sa sarili kong itigil ang kahibangang to, hindi ko magawa

Dahil alam ko ng mga panahon yon, iba ang mahal mo.

Pero nagbunga naman lahat ng pinaghirapan ko dahil dumating ang oras na naging akin ka, kahit na alam kong hindi mo ko mahal, basta kasama lang kita, masaya na ko.

Thank you Zeiron…” bulong mo “I love you”

 

 


Hindi ko alam kung anong nangyari sakin ng mga oras na yon, dahil ang alam ko lang, masaya ako.

 

 


“I love you”

 

“I love you”

 

“I love you”

 

 


Ang mga salitang yan ang pinanghawakan ko hanggang sa huli. Nong oras na iniwan mo.

 

Ang mga salitang yan ang ginamit ko para hindi bumitiw.

 

Na alam kong may dahilan ang paglayo mo sa’kin.

 

Ang pagsasabing huwag na kong makigulo sa buhay mo.

 



 

“I love you”

 

 



Na kahit ang sakit sakit, ipinaglaban pa rin kita sa paraang alam kong tama.

 



Sa paraang alam ko na magiging akin ka pa rin.

 



Akin at hindi sa iba.

 



Makasarili man, anong magagawa ko?


 

Mahal kita eh, mahal kita Iris Jane.

Exclusively YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon