CHAPTER SIX: Pero

Magsimula sa umpisa
                                    

Damang-dama ko ang pagiging General Steel ni Papa ng mga oras na iyon. Hindi lang ako ang binalaan kasi nito, kundi pati sina Ate at Kuya. He was firm with what he said. Ayaw talaga nito ng mga bakla sa pamilya.

I mean, am I gay? Bakla na ba ang isang lalaki kapag nahulog sa kapwa-lalaki? Based on Percy’s disposition, parang wala itong inhibition. Somehow, I adapted to it.

            Siguro nga, binabatikos ng ilang relihiyon ang pagkakaroon ng third sex sa mundo. Pero bakit parang kapag kasama ko si Percy, parang walang mali? Parang lahat ay tama. Tama na kaibiganin ko ito. Tama na makilala ko ito. At palagay ko, tama ring mahalin ko ito.

            Salot nga ba sa lipunan ang mga bakla? Bakit naman ang dami-daming pamosong personalidad na kabilang sa kasariang ito? Mukha namang malayo ang narating ng mga ito. Mukha namang masaya ang buhay ng mga ito. At higit sa lahat, mukha namang hindi sila iba sa mga straight na tao.

            Sinampal kong muli ang sarili ko. This time, it’s harder. “Aww.” Nahimas ko ang aking pisngi. “Jam, bading ka ba?”

            It’s not as if I would be doing carnal matters with him. Ang gusto ko ay laging nandiyan si Percy. Laging nandiyan para ipakita sa akin ang mundo. Laging nandiyan para yakapin ko at yakapin ako. At higit sa lahat, laging nandiyan para sa akin.

            Bumangon ako sa higaan ko. Naupo ako sa tapat ng bintana. I just stared at the shining moon. It wasn’t that perfectly round, yet it was glimmering.

            Siguro ay suntok sa buwan na lang ang pag-ibig ko kay Percy, if it’s love. Ayokong magkasira kami ng aking pamilya dahil sa nararamdaman kong ito. I knew it would bring me trouble if they knew about it.

            And even Percy. What if Percy knew what I felt towards him? Baka magbago ito. Ayokong mangyari iyon.

            It was the very first time I felt this way, and I don’t want to lose it. I don’t want to lose Percy.

            Damn! I could not wish I was a girl. I loved who I am. I loved what I do.

            Yeah, what I do.

            Something clicked like a lightbulb in my mind. Agad akong kumuha ng blangkong sketchbook sa aking drawer at isang lapis. I created lines, circles and other shapes. After some time, I created something. It was like I and Percy in one picture. Nakatayo kami sa harap ng Wishing Tree ng DATU.

            “Jam, talaga bang ikaw ang gumagawa nito?” tanong ko pa sa sarili ko. Alangan namang may iba pa. Kahit pa segu-segundong pag-aalinlangan ang bumabagabag sa akin, patuloy pa rin ako sa pagguhit.

            Ah, bahala na. Hindi ko naman puwedeng isakripisyo ang pamilya ko para sa nararamdaman kong ito. Kaya siguro makabubuti na lang kung sa isang libro ko na lang padaanin ang lahat ng ito.

            I labeled the first page. I labeled it with what my heart felt between Percy and my family.

            Mahal Kita, Pero…

 

HANGGANG ngayong umaga ay iniisip ko pa rin ang ginawa kong kalokohan sa story book na iyon. Inabot na ako ng halos mag-a-alas dos ng umaga. My class started at seven-thirty in the morning.

            Masipag pa namang pumasok si Prof. Hadap sa tamang oras. At mahalaga para dito ang attendance. I shouldn’t be late, yet I admit, inaantok talaga ako.

            Kaya naman napatingin sa akin si Percy. “Oh, parang napuyat ka?” He cupped my chin. Bigla namang nagtayuan ang mga balahibo ko nang gawin niya iyon.

Mahal Kita, Pero... [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon