CHAPTER FIVE: The Story Of Creation From The Book Of Genesis

Depuis le début
                                    

"Hindi kita mapapatawad kapag may nangyari sa ating hindi maganda."

"Mapapatawad mo ako. Best friend mo ako, eh."

Nangingiting napailing na lang ako. Oh, dear. Mukhang hindi ko na nga yatang kagalitan ito.

"MAGANDANG umaga, Tita."

"Rommanuel, hijo!" Yumakap si Percy kay Professor Wong.

Nagulat ako sa namataan ko. Professor Yolanda Wong, the head of the Learning Resource Center was his aunt? Paano ito nangyari?

We were inside of the restricted section of the library, where her office was located. Kaya naman pala parang kampante siya na dalhin ako rito dahil kilala niya ang pinuno ng parteng ito ng paaralan.

Lumingon sa akin si Percy at ipinakilala ako kay Prof. Wong. "Tita, this is Jam, my best friend. Jam, this is—"

"Professor Wong, good morning po." I greeted her with a gentle nod. "Magkamag-anak po pala kayo ni Percy."

"Good morning din, hijo. Naku, hindi. Tita lang ang ipinatawag ko sa kanya. Two years ago, naging estudyante ko si Rommanuel sa Valhalla University. I was an associate professor there. He was actually what we call 'the teacher's pet". Matalinong bata kasi ito, eh. So, naging malapit kami sa isa't isa, because he was starving to learn more about European Literature. Then, I became so busy with this post—being the head of the LRC." paliwanag ni Prof. Wong.

"Sa Valhalla University ka pala nag-aaral?" Naitanong ko kay Percy. Doon ko talaga planong mag-aral noong una dahil mukhang maganda ang Fine Arts program doon. Ang kaso, kakilala kasi ni Papa ang Dean ng College of Arts and Sciences dito sa DATU kaya dito na lang ako nag-aral. Maganda rin naman ang kalidad ng edukasyon dito, kaya ayos na iyon sa akin.

"Yup. At si Prof. Wong ang tumulong sa akin nang ma-dissolve ang subject ko na Masterpieces In World Literature sa Valhalla U. Dito niya ako ni-refer at tinulungang mag-enroll." dagdag ni Percy.

"I see. Pasensya na po, Prof. Wong, kung naabala namin kayo." paumanhin ko.

"Wala iyon. Bakit nga pala kayo naririto?" tanong nito.

"Magre-research po sana kami para sa assignment namin sa Masterpieces." tugon ko.

"Tita, puwede ba kami sa Restricted?" ani Percy.

Lumingon si Prof. Wong sa paligid. Napalingon na rin tuloy ako. Wala naman masyadong mag-aaral ang naroroon. At mukhang abala ang mga taong naroroon sa pagbabasa ng mga aklat.

Bumulong ito sa amin ni Percy. "Bilisan niyo habang walang nakatingin. Twenty minutes lang, ah."

"Yes!" mahinang anas ni Percy. Agad na hinawakan ni Percy ang kamay ko at hinatak ako papasok sa pinto patungo sa loob ng Restricted Section.

Ito ang unang beses ko sa halos apat na taon kong nag-aaral dito sa DATU. Grabe, ito pala ang hitsura ng Restricted Section ng library. Parang isang classroom ito na may dalawang palapag na bookshelves. Mayroong isang mahabang portable ladder na maaaring hilahin sa bawat shelf para maabot ang mga libro sa itaas. I think, mayroong mahigit dalawang libong libro na naririto.

"Wow."

"Yeah, wow."

Lilingunin ko sana si Percy pero nauna kong lingunin ang mga kamay namin na magkahawak pa rin hanggang ngayon. This was such a very awkward yet unbelievable moment. It wasn't just like he grabbed my hand. Magkakakrus pa ang mga daliri namin?

Bakit hindi ko matanggal-tanggal ang mga kamay ko sa pagkakahawak nito? Hindi naman talaga namin kailangang gawin ito. Pero bakit iba ang pakiramdam nang nakahawak ang kamay ko sa kanya? Was it because I also liked to hold his hand, too? O baka dahil alam kong si Percy ang nakahawak sa kamay ko?

Mahal Kita, Pero... [BoyxBoy]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant