CHAPTER FOUR: Naniniwala Na Ako Sa Forever

Começar do início
                                    

"Hahaha!" I laughed out so damn freaking loud! "Seriously?" That was an old track that I used to hear when I was a child. Sikat na sikat ang Aqua noon and their pop beats.

But what made me laugh was when he imitated Lene, the lead vocalist of Aqua's voice. Parang asong naipit ang paa lang ang tunog.

"'Uy, tumawa si Jam. Napasaya ko siya."

I was petrified in that position. Here we go again. Why do I always get stuck whenever he says something that made me feel this way? Parang nanunuot sa mga buto ko ang mga salita nito at nakokontrol ng mga ito ang katawan ko.

"H-ha?"

"Tumatawa ka. I wasn't joking, though."

That was more authentic. Kung hindi naman niya intensyon na magpatawa, mas nakakatawa lalo ang punch line nito. It was spontaneous, but I kept on laughing.

"Ah..." Nang maalala kong muli ang sinabi nito, hindi ko talaga naiwasang mapahalakhak nang malakas. Hindi ko ugaling tumawa nang ganito, kaya ang laking pagtataka ko sa sarili ko at nagkakaganito ako ngayon. His humor was terrifically captivating.

"Anong 'Ah..."? Sige nga, bukod sa Cartoon Heroes, ano pa ang puwedeng magtagal habangbuhay?" He dared.

"Wait." Tumayo ako at kinuha ko ang headset sa bag ko. I connected my headset to my phone so I could still talk to him. Babawian ko ito by looking for another song in my music player. "Uh, si Chris Brown nga, magsasayaw sa dancefloor forever-ever-ever, forever-ever-ever..." That was Chris Brown's Forever.

"Wow!" Nahatak ko talaga ang headset ko sa malakas na pagsigaw nito.

"Shit! What was that for?"

"Ang ganda ng boses mo, Jam."

When will this end? I wasn't really used to receive compliments from people. I mean, I get occasional 'very good', 'ang galing' or 'nice' but it was because of my artworks. Nobody complimented me for singing a song for I never let anybody hear my singing voice.

And I really don't know why I sang.

"Uh, anyway... yeah. That's what Chris Brown said." tanging nasabi ko na lang.

"Noted." wika ni Percy. "Si Toni Gonzaga rin kaya. She knew it from the start."

"Ano? Paano niya nalaman na may forever?"

"Don't you know that we both belong, baby... Don't you know that we will last forever... Don't you know that we both belong... I knew it from the start, we belong..."

"Hahaha!" At sumabog na naman ang matinding pagtawa ko. He sang Toni Gonzaga's We Belong. Kung doon ko sa sala namin ito pinakinggan at naka-loudspeaker pa ako, baka binugbog na ako ni Papa dahil nabasag ang lahat ng mga bintana namin. Daig pa nito ang b-in-ulldozer na mga basag na salamin sa construction site.

"Bakit ka ba tawa nang tawa?"

"Nothing." Ang hirap pigilan ng pagtawa, lalo na kapag kinokompronta ka in a serious manner. Parang mas nati-trigger pa nito ang mas malakas pang pagtawa.

"Magbigay ka na nga lang ng iba pa, bago ako mainis sa 'yo." banta nito, pero hindi ako natakot o nasindak. There was something inside me that tells me he can't do it.

I rummaged songs about forever in my music player again, and I found one. "Ang sabi ng Goo Goo Dolls, may forever daw."

"Goo Goo Dolls, Goo Goo Dolls... Teka, teka. Parang alam ko na 'yan, ah. Pero hindi ko maisip."

"Alam mo, pero hindi mo maisip? Niloloko mo ba ako?" Napabungisngis tuloy ako. Ang gulo ng sinabi nito.

"Sige nga, kantahin mo nga."

Mahal Kita, Pero... [BoyxBoy]Onde histórias criam vida. Descubra agora