CHAPTER ONE: The Guy In The Wishing Tree

Comenzar desde el principio
                                    

Maiba naman ngayon. Susubukan kong humiling sa isang puno, gamit ang doodle art na ginawa ko. Titingnan ko kung eepekto.

At last, I finished doodling in my notebook. Natutuwa ako at kahit nagpapalipas lang ako ng oras ay may nagawa akong maganda. Kaysa naman mag-DotA ako o mag-yosi, magdo-drawing na lang ako. Hindi na ako naglustay ng pera, hindi ko pa pinatay ang sarili ko ng isang araw.

Then, I heard something, kahit na naka-headset pa ako. I removed my headset to hear the sound clearer.

May pumapalakpak sa di-kalayuan. Nilinga ko ang buong paligid. Wala namang naroroon. Saan galing ang palakpak?

Nang lumakas pa ang palakpak, mas nagkaroon ako ng ideya kung saan ito nagmula. Tumingala ako. And I saw someone.

“Ang galing mo mag-drawing. Alam mo bang weakness ko 'yan?”

Napanganga ako. Sino ang taong iyon? Kapre ba 'yon?

Pero sinipat kong mabuti ang taong iyon. Nakasuot naman ito ng maayos na damit—blue t-shirt, jeans at Chuck Taylor shoes. May nakasukbit na bag ito sa kaliwang balikat nito.

Kinunutan ko lang ito ng noo. Hindi ko naman kasi ito kilala.

Tumayo ako sa kinauupuan ko. Then, he jumped down together with the leaves and branches that he was stepping on a while ago. Hinatak nito ang notebook ko at tinitigang mabuti ang ginawa kong doodle art.   

Tumingala ako rito. He could be taller than six feet. Five ten na kasi ang height ko. Siguro ay mga nasa six three ito.

“Ang galing-galing mo. Sana ay maging katulad mo rin ako.”

Hindi ba ako dapat ang maging katulad mo? Agad kong hinablot ang notebook. Hindi ko ugaling makipag-usap sa mga taong hindi ko naman kilala. Unless, hinihingi na talaga ng pagkakataon o kailangan lang talaga para makapag-transact.

Well, this one might be considered.

“Ano’ng course mo?”

Seriously? Are you not going to ask my name first? “Fine Arts.” I replied.

“Ako, A.B. English. I love to read a lot, pero hindi ako matalino, ha. Very very light lang.” Ngumisi pa ito. He had these common set of teeth na magandang gamitin sa mga toothpaste commercial. Pearly white kasi.

“Do I know you?”

He winced. “Maybe not. Cross-enrollee lang ako rito, eh. 'Tang-ina kasi 'yong school namin, biglang isinara iyong isang bwakanang inang subject dahil kaunti lang daw ang nag-enroll ngayong sem. Dito naman ako ni-refer. Do I have a fucking choice? Last two semesters na lang naman, eh. Titiisin ko na lang.”

Nice choice of words. Kung sa bahay namin ito nakatira, matagal na sigurong nilatigo ni Papa ang dila nito. Anyway, hindi naman ako interesado sa kuwento nito. Ang gusto ko lang ay makuhang muli ang notebook ko.

Bumalik ulit ang tingin nito sa notebook ko. “Alam mo, dapat may kaunting stars pa na maliliit dito sa tabi ng mga cloud, eh. Parang nakukulangan ako. Ang plain ng dating.”

Coming from an English major? Seryoso ba ito? “I’m just doing that to procrastinate.”

“Procrastinate. Lovely word.” Nag-thumbs-up pa ito sa akin.

I hate wasted time by talking to people about nonsense. I need to get back my notebook. Nang hahawakan ko na ang notebook ko, biglang lumakad ito pasulong sa dingding ng katabing gusali. “Ano kaya kung ako ang maglagay?”

“No way.” pigil ko.

“Pahiram nga ng lapis mo.”

Bago ko pa man iiwas ang lapis ko ay napunta na ito sa kamay niya. Gustuhin ko mang pigilan ay hindi ko magawa. I was not like my older brother and sister who were warfreaks since the dawn of time. Ako nga lang yata talaga ang naiiba sa pamilya.

Mahal Kita, Pero... [BoyxBoy]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora