"Sunshiney!"


"Uy! Musta?!"



Tinangay ako nina Syrene, Serene at Vince papunta sa garden na nasa likod lang ng classroom. Nalaman na rin pala nila ang tungkol kay Ouie dahil kanila Gracie. Hindi naman ako na inform na nagkakaclose na rin pala sila.



"Hindi mo man lang ba bibigyan ng chance si Ouie, Sunshine? Matagal naman na kayong magkakilala eh." Wika ni Serene na parang maiiyak. Naging saksi na talaga sila sa Friendship namin ni Ouie.



"Hindi ko alam Serene. Matagal na nga kaming magkakilala. Pero ni minsan hindi talaga sumagi sa isip ko na paano kung maging kami? Magkaibigan kami diba? Kaya walang taluhan!" Napasabunot ako sa buhok ko.



"Masakit para sa aming mga lalaki na mabasted, Sunshine. Pero parang hindi naman tama na tinakbuhan mo lang siya nung oras na yun dahil hanggang kaibigan lang ang tingin mo sa kanya." Umiiling iling naman si Vince.



"Ano dapat ang ginawa ko nung oras na yun? Ano bang dapat kong gawin para hindi siya masaktan? Dapat ba um-oo nalang ako? Pero masasaktan at masasaktan ko pa rin siya kapag nalaman niya na wala akong nararamdaman sa kanya." Mas lalo tuloy sumakit ang ulo ko sa mga nilabas ko.



"Hay nako. Wala akong mapapanigan sa puntong to pero sa ngayon ay isa lang ang alam ko. Hindi niyo na maibabalik ang dati niyong friendship kapag may nahulog na, Sunshine." Seryoso si Syrene na nakatingin sa mga mata ko.



"Wala na ba talagang pag-asa? Hindi na ba talaga pwedeng bumalik nalang kami sa dati?" Sabay sabay silang napakamot sa mga batok nila at bumuntong hininga.



"No offense, Sunshiney. Ang hirap talagang mag-payo sa babaeng wala pang experience." Bumagsak ang ulo ni Syrene sa balikat ng kakambal niya.



"Sensya naman. Kayo na matalino at may experience."



"Kung gusto mong masagot ang tanong mo, subukan mo ilagay ang sarili mo sa posisyon ni Ouie. Kaya mo bang magpanggap na kaibigan mo lang siya kahit na may nararamdaman ka na pala?" Wika ni Vince.



"Hindi ko alam." Tinapik nila ako isa-isa sa balikat bago nagtayuan. "Okay wala ka ng pag-asa girl."



"Mag-aral ka nalang ng mabuti, matulog ka ng maaga, at masanay ka ng walang Dawne Ouie Cortaga sa tabi mo."



Tulala akong naghintay ng masasakyan na jeep sa waiting shed. Ilang mga sasakyan na ang nabilang ko habang nakaupo dito pero ang bigat pa rin ng pakiramdam ko dahil sa lahat ng mga nangyayari.



"Hey."



Napaangat ang ulo ko at nagulat ng makita si Hanson na umupo sa tabi ko. Nginitian ko siya ng ilagay niya ang isang earphones sa tenga ko at magplay ng kalmadong kanta.



Salamat naman at siya ang unang nag-approach sa akin.



"Anong iniisip mo?"



"Si Ouie. Hindi ko pa rin alam kung tama ba yung ginawa ko sa kanya." Bumuntong hininga ako at pinaglaruan ang kamay ko.



"Tama ang ginawa mo. Alam ni Ouie na tagilid ang laban niya sayo. He's already prepared for your answer before he confessed. Pero tinuloy pa rin niya kahit na alam niyang wala kang nararamdaman sa kanya." Huminga ako ng malalim bago sinandal ang likod ko sa pader. "Don't think too much. It's not your fault if you can't reciprocate his feelings."



"Thank you Hanson." Nilingon ko siya at nakita kong nakatitig siya sa akin. " Mukhang ikaw lang talaga ang nakakaintindi sa akin ngayon."



A Little Bit of SunshineOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz