Prologue

1 0 0
                                    


—“Po? Binayaran ko na 'yan eh. 'Di naman siguro ako nagsisinungaling ale, 'di nga po, binayaran ko na 'yan.”

“Di pa, wala nga akong makitang ni isang pera dito oh. Bayaran mo o irereport kita sa police?”

“Ate, problema mo? t*ngina naman eh, binayaran ko na nga 'yan. Pinapakulo mo dugo ko eh. T*nginang 'to pero sige 'di naman ako pulubi kaya ito sayo na, saksak mo sa baga mo ah? Keep the change nalang”

Kinuha ko na ang mga pinamili ko at umalis. Hinahanap ko nalang ang sasakyan namin. Nawawala kasi si Andrea , isa sa mga matatalik kong kaibigan. Nagsh-shopping ata, eh palengke lang naman 'to. Bonding daw tas iniwan ako ditong naghahanap kung saang lupalop yung sasakyan namin.

“Hoy, kanina ka pa diyan?”

Hinagis ko sa kanya ang pinamili ko at naglakad patungo sa sasakyan namin. Ang init-init, yung skin ko baka magka-rashes tsaka sunburn. Omg, 'di kaya. Binuksan ko ang pintuan sa front seat at padabog na umupo doon.

“So, let's see. Haul tayo sa pinamili mo. Mga walang kwentang bagay ata 'to Sky?” Habang binubuksan ang plastic na pinaglalaman ng mga pinamili ko. “Shut up, it's my first time shopping here sa ano divisoria or ano palengke?”

“Ang arte naman ata nung shopping, 'di pwedeng namili? Learn basic living kasi Sky para kang spoiled brat which is also true pero matuto kang mamuhay ng walang pera”

“Sa pinamili mo parang ano eh, puro mga walang kwentang bagay. Sky, balik tayo bukas. Bilhin mo lang yung mga kailangan. Ano 'tong mga 'to? Ano gagawin mo dito?” Tinataas niya ang mga bagay na pinamili kong phone accessories tsaka mga love at first sight kong pinamili.

“Bakit ba kasi gusto mo akong matuto ng basic living ba 'yan? Di naman ata kami mauubosan ng pera tsaka pag nabankrupt yung kompanya, may savings naman ata ako?”

“Kasi nga Sky dapat kang magtipid, Ilang malalaking plastic 'tong andito oh? Tas wala man lang para sa pamumuhay?”

“Yan lang ba problema dito? Oh sige tapon natin, pinahihirapan pa nga ako nung manininda tas ikaw naman ngayon? Edi tapon mo.”

“Sky and her temper” she sighed knowing I won't listen to anything she's saying anymore.






“Sky, alam mo ba? May nakita akong gwapo kanina” pagdadal-dal ni Andrea, ayaw ko naman itong marining pero bahala na, 'di naman ito titigil pag sinabihan mo.


“Pake ko doon? 'Di ako interesado. Wag kang maingay. Matutulog ako.” Inayos ko ang pagka-upo ko at nag-aaktong matutulog na.


“Eh kasi nga siya 'yong driver natin ngayon, umalis kasi si manong Ricky, may pupuntahan daw” pagpapaliwanag niya sa akin habang busy sa pagse-selpon. Tumingin ako sakanya't baka nangpr-prank lang pero seryoso siya. Wala naman akong pake sa change of driver o ano 'yan pero kinakabahan ako eh.









Bumukas ang pintuan sa driver's seat at pumasok ang isang lalaki. He was wearing a midnight blue notch lapel tuxedo. He had his hair up to look more clean and decent looking. Black shoes to look more formal than casual. His cold gaze made me shiver. He's not the same person I know but




He came back.



“I just have to drive you two to your homes right?” he annoyingly said.



He really did came back.


He really came back to his home.

Mi Amorحيث تعيش القصص. اكتشف الآن