Chapter 43: End of First Day

Start from the beginning
                                    

"Lady Carson?"



"Hehe hi po. Gusto niyo?" Napalunok na lang ako ng laway matapos sabihin iyon ni Shaine sa harap ng sampung tao na nakatayo sa labas ng pinto, mabuti na lang hindi sila masyadong nakakaintindi ng tagalog, kaya hindi nila naintindihan ang sinabi ni Shaine.

Pero huli na sila ng dating dahil lumapat na sa kamay ko ang panyo na may sipon.

"Kadiri ka talaga."
Nakasimangot kong bulong kay Shaine.

Maya maya ay lumapit sa akin si Manang Lou at pinunasan ng wet wipes ang kamay ko na may malapot na may bubbles na sipon ni Shaine.

.

.

.

Someone's POV

"Paano nangyari 'yon?!" Sabay hampas sa table ko.

"I'm sorry your grace, pinaimbestigahan po kasi ni Duchess Eve ang tungkol sa article. Kaya lahat ng copies mula dito sa Dunnelbridge at sa iba pang city ay kinumpiska. Maging ang mga post at comments sa social media nabura po lahat."


"So gumagawa na pala ng aksyon si Evelyn para malinis ang pangalan ng pamangkin niya."


"Lahat po ng kinita sa magazine ay kinuha rin. Lahat ng seller at store ay nagrereklamo sa social media ngayon dahil sa nangyari." 

Napahawak ako sa sintido ko sa mga oras na iyon.

"Pinaghahanap na po ng agency kung sino ang source sa lahat ng ito. Ngunit gaya ng sinabi niyo wala pong bakas na naiwan."


"Very good. Is that all?"


"Yes your grace."

"Well may meeting pa ako with my client, ipaalam mo lahat ng ito sa author ng article."

"Yes your grace." 

Tumayo na ako at naglakad palabas.

"By the way, pakisabi rin kay Miss Sandoval na kailangan niyang gumawa ng panibagong article."

"Yes your grace."

Lumabas na ako ng opisina at tumungo sa reception room.

Evelyn, mabuti naman at kumikilos ka na ngayon. Akala ko kasi mananahimik ka na lang, sige gawin mo lang ang imbestigasyon dahil may alas pa rin akong hawak. Maghintay ka lang ng tatlo pang linggo hanggang sa matapos ang imbestigasyon ko laban sa'yo at sa mahal mong pamangkin or should I say anak anakan. Well, good luck Duchess.

.

.

.

Aria's POV

"Anak nasa baba si Maxryen."

"Pa pakisabi po na natutulog ako."

"Ha? Bakit? May sakit ka ba? Tsaka hindi ka pa nakain."

"Please Pa, ayaw ko munang tumanggap ng bisita ngayon." 

Naramdaman kong umupo si Papa sa kama habang nakataklob sa aking buong katawan ang kumot ko.


"Nakipagbalikan ka na naman ba sa kanya kaya may lovers quarrel kayo?"


"No Pa. Walang lovers quarrel, ayaw ko lang tumanggap ng bisita ngayon." 

Pinakiramdaman ko si Papa habang nakaupo sa kama.

Please Pa, paalisin mo na si Maxryen. Ayaw ko siyang makita at ayaw ko ng marinig mula sa kanya ang pangalan ng first love niya.

"Kung nabubuhay pa ang Mama mo siguro kanina niya pa pinalayas ang lalaking 'yon. Hays kumain ka na ng dinner kapag napaalis ko na siya." 

Naramdam kong hinawakan ni Papa sa noo ko sa mga sandaling iyon.

"Mabuti na lang nandito ako."

Maya maya pa ay tumayo na siya at nilisan ang kuwarto ko.


.

.

.

Dia's POV

"How's your first day?"


"It's pretty fine kahit nakakapagod," sagot ko sa kausap ko sa kabilang linya.


"Sa umpisa lang 'yan, masasanay ka rin afterwards."


"Yeah maybe. By the way, thank you."



"Naku Princess maliit na bagay. Basta sa susunod tumawag ka lang, I'm just one call away, okay?"

"Thank you again."


"You are always welcome. Teka hindi ka pa ba magpapahinga? Pagod ka sa maghapon, magpahinga ka na."


"Mamaya na, medyo basà pa rin kasi ang buhok ko."


"Ganun ba? Haha masasanay ka rin sa ganyang routine. Pero huwag mo laging gagawin ang maligo sa gabi, lalo na kapag pagod ka."


"Yes madam."


"Haha anong madam ka diyan?"

Let's start guys, we need to finish our project before 12 noon!"

Hey Gustav! Hindi ka pa rin tapos sa ginawa mo diyan?! Bilisan mo natakbo ang oras!

"Mukhang nagagalit na ang boss niyo."


"Haha kaya nga e, sige kailangan ko ng ibaba ang tawag, nagagalit na boss namin sa iba ko pang kasama dito sa office."

"Sige ingat, salamat ulit."

"Ingat din, bye."

Napabuntong hininga na lang ako matapos matapos ang tawag. Nakaraos ako sa unang araw, paano kaya bukas?

Hays makatulog na lang para matapos na ang first day ko, sana naman mahimbing ang tulog ko ngayon kahit pagod ang katawan ko sa maghapon.

Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now