Chapter 43: End of First Day

Start from the beginning
                                    

*HIC

"Matagal mo ng sinabi sa akin na parte ng trabaho mo ang proteksyunan ako. Kaya alam kong darating ka kapag nasa panganib ako, pero Shaine may iba ka ring trabaho na dapat gawin."

"Pero---

*HIC

"I'm fine as long as you're by my side, okay?" Kinuha ko ang handkerchief sa bulsa ng suit na suot ko at pinunasan ang luha sa pisngi ni Shaine.

*HIC

Bakit ba may pinsan akong loka loka pero iyakin? Matigas ang ulo pero malambot ang puso.

"Magpahinga ka na."

"Prin---

"Tsaka pwede ba tigilan mo ang pagtawag sa akin ng Princess? Hindi ako sanay na nanggaling sa'yo ang salitang 'yon."

"Pero against sa law ang maling pag address sa mga royals."

Oh crap nakalimutan ko, nasa law pala ang bagay na 'yon. Hays kapag ako naging Reyna papalitan ang law na 'yon. Sino ba kasi ang gumawa ng law na 'yon?

"Fine kapag walang ibang tao pwede mo akong tawagin sa pangalan ko, okay?"

"Yes Your Highness."

"Kasasabi ko lang Lady Carson."

"Ikaw din naman ah. Tinawag mo pa akong Lady."

"So it fair now?" Nakangiti kong sambit, dahan dahan namang gumuhit sa labi niya ang ngiti.

"Thank you dahil ikaw ang pinsan ko. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya huhu," muli na naman siyang umiyak kaya ibinato ko na sa kanya ang handkerchief na hawak ko.

"Ikaw na ang magpunas ng sipon mo. Kadiri ka."

"Nagmomoment pa ako e." 

Natawa na lang ako ng biglang lomobo ang sipon ni Shaine.


"Para kang batang sipunin haha."

"Kung hindi ka lang Prinsesa pinunasan na kita ng sipon."

"Sorry ka pero against sa law na punasan ng nakakadiring bagay ang tulad ko."

"Ah ganun ha? Ito gusto mo."

"Kadiri ka! Ilayo mo sa akin ang panyo, ew kadiri ka Shaine!" Patawa tawa pa si Shaine habang hawak ang panyo na may sipon niya.

Mabuti na lang hindi kulay dilaw o kaya kulay berde ang sipon, dahil mas nakakadiri 'yon. Inilapit pa niya ang panyo na iyon kaya napatakbo ako palayo sa kanya.

"Pwede ba Shaine?! Kadiri ka talaga! Ilayo mo 'yang panyo ew!" Lumapit siya sa akin, pero dahil may table sa pagitan hindi siya makalapit sa akin. Sa tuwing pupunta siya sa kanang bahagi tumutungo naman ako sa kaliwa para makaiwas.

"Haha so mabilis ka pala mandiri sa simpleng sipon?"

"Anong simpleng sipon ka diyan? Tingnan mo nga may bubbles pa ang sipon mo, kadiri kaya."

 Maya maya pa ay kinuha ko ang table napkin bilang shield sa pag-atake ni Shaine. Paulit ulit lang akong umiiwas sa mga kilos niya.

"Haha Princess gift ko sa'yo ang sipon na 'to." 

Agad siyang tumakbo pakanan kaya sa kaliwa ako tumakbo pero hindi ko inasahan na fake move pala ang ginawa niya, mabilis niyang inilapat ang panyo sa kanang kamay ko.

"No! Kadiri ka Shaine!!!"

"Your Highness, are you okay?" Napatigil si Shaine sa paghalakhak nang biglang bumukas ang pinto.



Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now