2

49 7 5
                                    

Skedaddling tires and loud sirens echoed through my ears. Napabalikwas ako ng bangon dahil sa ingay. I walked exactly like a zombie while I'm making my way out my room.

“Anong nangyayari?” tanong ko kay Papa na prenteng nakaupo at nagkakape habang may hawak na newspaper dito sa sala.

“Diem, dear, maupo ka muna.” Utos ni Mama mula sa kusina. Naguguluhan man ay sinunod ko ito at naupo sa sofa namin.

May dala-dala si Mama na pandesal at sunny side up eggs, nilapag niya ang plato sa lamesita sa harap ko.

“Gatas o kape?” tanong ni Mama.

“Gatas po.” Tumango naman si Mama saka muling bumalik sa kusina. Pagbalik ay may bitbit itong tasa na may kutsara.

“Inumin mo na bago pa lumamig.” sabay abot sa akin ng tasa na may bagong timplang gatas.

Umupo si Mama sa tapat na upuan, katabi ni Papa, at nagsalita.

“Nakatulog ka ba ng maayos, anak?”

uhm...

“Opo? Bakit?” sumimsim ako ng gatas sa tasa.

“Are you feeling okay today?” Kumunot ang noo ko. Bago pa ako sumagot ay naunang tumikhim si Papa.

“Sabihin na natin sa kanya, Diana.” saad ni Papa sa seryosong tono.

Teka... ito na ba 'yung mga nangyayari sa teleserye? 'Yung sasabihin na ampon ako?!

“Hindi ka ampon.” Nakahinga ako ng maluwag, nasabi ko ata ng malakas ang naiisip ko.

“Si Aqua, 'yung anak ni Ramon, kaklase mo iyon, hindi ba?”

“Opo, bakit po? May nangyari po ba?” Nagkatinginan muna si Mama at Papa bago sabihin sa akin na...

“Anak, wala na ang kaklase mo.”

Ano?






The Secrets She KnewWhere stories live. Discover now