Chapter 33

131 3 0
                                    

ONE CHAPTER TO GO...

_____________


"C-chanyeol!?" Halos hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko. Ang sobrang bait na taong nakilala ko. S-siya. Siya ang dumukot kina eomma.

"Nagulat ata kita Jimin?" Nakangising saad niya. "Hindi ko alam na may mga kakambal ka pala sa pangalan." Dagdag pa niya.

Susugod na sana si Taehyung ng biglang magkasa ng baril ang isang lalaking nakamaskara at pinaputukan ang tuhod ni Taehyung dahilan para mapaluhod ito. Halos manlaki ang mga mata namin. Galit na galit na tinignan at susugurin sana ni Jungkook ang lalaking gumawa noon pero ngumisi si Chanyeol at kinuha ang baril sa bulsa niya saka tinutukan si Bam sa ulo. "Gege." Nakangiting saad ni Chanyeol na nakapag patigil kay Jungkook para sugurin ang lalaki. Si taehyung na ngayo'y namimilipit sa sakit at pinuntahan ko at ni Jungkook.

"Tae, ba't mo naman yun ginawa?" Tanong ko at tinulungan si Jungkook sa pagbuhat kay Taehyung. Hindi siya sumagot bagkus ay umubo siya at dumaing dahil sa sakit na naramdaman. Bigla ay ang mga guards namin ay pumunta sa loob, lahat sila sa tantcha ko. Handa na sana silang sumugod ng sumenyas si Sugang tumigil sila. Bumuntong hininga ito at tinignan si Chanyeol.

"What do you want? Money? We have it and ready to gave to you. Just please let go off them." Saad ni Suga.

"Oh uh." Umiling iling si Chanyeol. "What do you want!?" Pasigaw na tanong ni Suga. 

Tinignan ako ni Chanyeol saka ngumisi. "Ako na Jimin." Saad ni Hoseok at pumwesto sa pwesto ko sa pagkakakarga kay taehyung.

"I want them suffer like I did because of that shit Namjoon!" Sigaw na saad niya, bakas sa tono ang matinding galit. Inialis ng lalaking humahawak kay appa ang panyong nasa bibig ni appa pati ang blindfold nito. Napatingin ako kay Bam na kumukuha ng pagkakataon para alisin ang blindfold sa mata niya.

"J-jimin." Usal niya sa pangalan ko. Napaluha nalang ako. Napatingin siya kay Chanyeol na ngayon ay galit na galit din siyang tinitignan. "C-chanyeol?" Naguguluhan na ako dahil kilala ni appa si Chanyeol.

"Oh hi tito. You must be the one who takes care of my fathers work, right? Now, you owned it. Wow. What a great betrayal of a GREAT FRIEND." Saad ni Chanyeol at ngumiti pa at saka nagpapalakpak.

"Anong pinagsasabi mo!? Matagal ng patay ang papa mo at saakin pinasa ang trabaho niya. Hinding hindi niya sayo ipapasa ang trabaho dahil sa basurang ugali mo! Tarantado!" Galit na galit na saad ni appa. Napalunok nalang ako. Ngayon, itinutok ni Chanyeol ang baril sa ulo ni appa.

"H-hindi! Naging mabuti akong anak kay appa! Sinusunod ko siya palagi!" Sigaw ni Chanyeol at saka biglang tumawa. "A-ang saya ng buhay ko nun. Pero simula nung naging kaibigan mo si appa ay nagbago ang lahat! Ako dapat ang magmamana ng lahat hindi ikaw!" Sigaw ni Chanyeol at ikinasa ang baril.

"Appa!"

"Tito!"

Isang malakas na alingawngaw ng baril ang bumalot sa paligid. Isang lalaking nakahandusay na ngayon sa sahig at nanghihingalo.

Protecting My Jimin || YOONMINWhere stories live. Discover now