Part One.

13 0 0
                                    

A/N: Enjoy reading :>

——————————

"Nakita ko boyfriend mo." bungad ni Kristine sa'kin pagkapasok ko sa classroom.

"Saan?" kunot-noo kong tanong.

"Cafeteria, he's with his ex-girlfriend."

"Ah oo, partner daw sila sa project." mahinahon kong paliwanag pero ang gaga inirapan lang ako.

"Partner-partner, sus maniwala!"

"I trust him, easy ka lang."

*****

"Tara na, tomguts na ako!" parang tangang aya niya sakin kaya agad rin akong tumayo.

"Teka lang naman!" nakasimangot kong reklamo pero dire-diretso lang siya sa paglalakad.

"ANG BAGAL MO BHIE HAHAHAHAHA SUMUNOD KA NALANG, HANAP NA RIN AKONG PWESTO!" sigaw niya kaya hinayaan ko nalang siya.

Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad pero bigla akong huminto dahil may nakita akong hindi kaaya-aya.

"Miguel..."

"B-Baby.." well, nakita ko lang naman ang magaling kong boyfriend na hawak-hawak ang kamay ni Nicole, his ex-girlfriend.

"Wow, anong meron? Bakit holding hands kayo? Kasama ba 'yan sa project niyo?" nakangiti kong tanong pero pinapatay ko na silang dalawa sa isip ko.

Agad namang bumitaw si Miguel at lumapit sa'kin.

"Migs, sabihin mo na sa kanya ang totoo!" Nicole.

"Shut-up!" Miguel.

"Anong totoo?" takang tanong ko.

"Nagkabalikan na kami at walang project na nag-eexist." Nakangising sagot ni Nicole.

"No! Wag kang makinig sa kanya Mahal, hindi 'yon totoo. Nicole ano ba? Umayos ka nga!" Miguel.

"No Migs! Tama na, wag mo na akong itago! Totoo ang sinabi ko Shana, kami na ulit! Kaya iwan mo na siya!" Nicole.

"W-Wow! Congratulations kung ganon.."

"Hindi! Wag kang maniwala sa kanya Mahal! Magpapaliwanag ako.." Miguel.

"Stop! No need to explain! From now on, malaya na ka na, malaya na kayong dalawa." nakangiti kong sabi kay Miguel pero tanging pag-iling lang ang ginawa niya.

"No, mahal kita!" napatawa ako sa sinabi niya.

"No you don't! Kung totoong mahal mo ako, hindi ka babalik sa kanya at lalong hindi mo ako lolokohin!" paliwanag ko at nagsimula na akong maglakad papuntang cafeteria.

Pagkarating ko sa Cafeteria ay agad kong hinanap si Kristine.

"SHANA DITO!" hinanap ko yung pinanggalingan nung sigaw, at nang makita ko ang hinahanap ko ay agad akong tumakbo papunta sa kanya at dali-daling yumakap.

"Hoy bhie, anyare? Bakit ka umiiyak? Nadapa ka ba?" nag-aalalang tanong niya.

"Sana nga nadapa nalang ako, sana nakinig nalang ako sayo."

"Ha?"

"Si-Sila na ulit"

"A-Ano?! Putangina no'n ah?! Sinasabi ko na nga ba!"

"Nakita ko sila kanina tapos sabi ni Nicole wala daw project na nag-eexist."

"Aba't! Mga gago nga!"

"Kung nakinig ako sayo sana hindi ako nasaktan."

"Shh! Tumahan ka na, hayaan mo na silang dalawa, makakarma din yung mga depungal na 'yon." pag-aalo niya sa'kin pero hindi ko alam kung paano ako titigil sa pag-iyak.

BEING MARUPOK ISN'T THAT BADWhere stories live. Discover now