Chapter 29

127 4 0
                                    

TRIPLE UPDATES! MIND TO CHECK OUT MY NEW STORY 'SWITCHED' | TAEKOOK. THE proluge and the first chapter is posted.

═════════ ❃ ═════════

Pagkatapos kong ma recieve ang chats saakin ni Bam ay naalerto ako. Wala pa sa ngayon sina Suga at kasalukuyan ay ang mga bantay lang ang nandito. Nag aalala ako at hindi mapakali kung pupunta nga ba ako o hindi. Dahil na rin sa sinabi saakin ni Suga, hindi ko maiwasang hindi isipin na si Bambam nga ba ang dumukot kay eomma. Kung ganoon ay magagalit ako sakanya! Pero sobrang tagal na naming magkaibigan at kakilala niya si eomma. Magkaclose silang dalawa na halos ituri na ni eommang anak siya. Imposibleng posible. Nakakalito, nalilito na ako. Parang umiikot ang utak ko sa mga posibleng dahilan at posibleng sagot sa mga patong patong na tanong sa utak ko.

Napaiyak nalang ako. Hindi ko na alam ang pwedeng mangyari sa susunod. Kung ano ang pwede kong gawin sa susunod at kung ano ang kakahinantnan sa susunod. Sugalan na ba to?

Napatingin ako sa pintuan ng biglang bumukas ito. Agad kong pinunasan ang mga luha ko. Si Kim Taehyung lang naman pala.

"Oh, ba't umiiyak si insan?" Tanong niya at lumapit saakin. "Hindi ko na alam ang gagawin ko." Mangiyak ngiyak na saad ko. Agad niya naman akong niyakap at isinubsob ko ang ulo ko sa dibdib niya.

"Shh, nagmumukha tuloy akong mas matanda sayo." Ramdam kong nang aasar siya kaya kumalas ako sa pagkakayakap at mahina siyang pinalo. "Anong sinasabi mo?" Tanong ko.

"Tignan mo, ang height k---

Hindi ko na siya pinapatuloy ng batukan ko na siya. Napadaing naman siya pero ngumiti din.

"Huwag ka ng mag-alala. Maliligtas ng appa mo at nina Suga si Tita. Kaya wag ka ng umiyak." Saad niya. Napabuntong hininga ako. Nakikipag laro kami sa hangin. Hanging hindi namin alam kung anong pagkatao.

Bigla nanamang nag ring ang cp ko kaya agad ko itong kinuha.

BAKLA SI BAM🥳


BAKLA SI BAM🥳
Jimin...

PANDAK SI CHIMᕕ( ᐛ )ᕗ
BAKIT?? Bam!?

Incoming call...
Accept | decline

"Hello? Bam? Bam, asan ka?" Panimula ko.

"P-please help.. us."

"Sinong kasama mo!?"

"S-si tit-Ahhh." Nakarinig ako ng daing kaya biglang naninding ang balahibo ko. Napatingin ako kay Taehyung na hindi maintindihan ang reaksyon ko. Agad ko itong ni loud speaker.

"Bam! Papunta na kami jan! Please si eomma! Anong ginagawa niya!?" Sunod sunod na tanong ko.

Bago pa man makasagot si Bam ay na putol na ang tawag. Ilang ulit pa ang pagtawag ko pero hindi na sinasagot. Napaiyak na uli ako. Tumawag si taehyung ng guards at pinapasok sa loob para bantayan ako. Tatawagan niya si Suga at Appa, pati na rin si Jungkook at Hoseok na busy sa paghahagilap at pagpaplano kung paano ililigtas si eomma.

Natatakot na ako para sa kaligtasan nilang dalawa. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. Ngayon, napatunayan ko na hindi si Bam ang kumidnap kay eomma. May iba. May ibang taong kumidnap sakanila. Pero sino?

Protecting My Jimin || YOONMINDonde viven las historias. Descúbrelo ahora