Chapter 22

135 5 0
                                    

Anong pinagsasabi ni Bam? Si Suga? Bakit? Papaano? Anong rason? Mabait si Suga. Hindi niya yun magagawa. Nakakainis. Nakakalito.

"Anak." Napatingin ako kay Eomma na nag-aalalang tumingin sa'kin. Umiling nalang ako para alisin ang mga bumabagabag sa isip ko.

Umupo siya sa harapan ko at kinuha ang dalawang kamay ko. "Makinig ka sa'kin Jimin ha?"

Tumango nalang ako. Still kinakabahan at nagtataka sa sinasabi niya.

"Si Appa mo at ako. Magkaayos na kami. Sana matanggap mo uli ang papa mo." Napatigil ako sa sinabi ni eomma.

Napabuntong hininga nalang ako. Dapat i settle down ko muna ang nararamdaman kong galit kesa naman sa mas mahirapan lalo si Eomma.

Tumango ako at ngumiti. "Opo, Eomma. Support nalang po ako sainyo." Saad ko kaya ngumiti sakanya. Akmang yayakapin ko siya ng iharang niya ang isang kamay niya sa harap ko at itinaas ang isang kilay niya.

"Social Distancing." Napatawa nalang ako at nag flying kiss nalang sakanya. Still hindi ko padin alam kung ano na ang nangyayari sakanila ngayon ni Appa pero inaasahan ko na makikita at malalaman ko din ang totoong rason dahil sa ginawa niyang pag-iwan sa'min.

About kay Bam. It's Saturday at kahapon natapos ang camp. Hindi ko na nagawang kausapin si Chanyeol dahil wala naman akong number niya at tanging kay ma'am lang ang ginamit namin para mag contact. Si Bambam, ayaw niyang magpakita dahil binantaan raw siya ni Suga na huwag raw magpakita sa'kin. Part ko na gustong maniwala sakanya dahil sa pagiging Possesive ni Suga sakin pero may parte na huwag akong maniwala. Na feeling ko deep inside may hindi siya sinasabi sa'kin na kailangan kong malaman.

Biglang may kumatok sa pintuan. "Anak, pakibuksan nalang." Narinig kong saad ni eomma dahil nagluluto siya ng lunch. Tumayo ako at pumunta saka binuksan ang pinto. Walang tao na sa labas at tanging isang maliit na box ang nasa may baba. Kinuha ko ito at saka uling lininga lininga ang paligid kung sakali mang makita kung sino ang nagpadala dito. Sinara ko nalang ang pinto at pumunta sa kuwarto.

To: Park Jimin
˙ʎɐp ǝɔᴉu ɐ ǝʌɐɥ

'Bat ba laging pabaliktad to? Inis na sinimulan kong alisin ang takip ng box at nagtaka ng makita ang isang cap na kulay green. Chineck ko kung may iba pang gamit pero wala na talaga. Kinuha ko ang cap na iyon at sinuri ang kabuuhan nito.

' D O D E A A B N N '

Ang nakalagay na design sa harap ng cap at

' O R O M N A '

Sa likuran. Nangunot ang noo ko. Jumbled letters? Maroon ang pagkakaintindi ko sa pangalawang jumbled word pero sa una ay hindi ko maintindihan. Color? Anong kailangan ko jan? Ano to? Detective at hahanap ng meaning nito? Wala nga akong kaalam alam at kahilig hilig dito.

Halos manlaki ang mga mata ko ng marinig ang malakas na pagbagksak ng kaldero sa kusina. Dali dali akong lumabas at nakita kong ang dalawang lalaking naka all black at naka masks at ang isa rito ay karga karga si eomma na natutulog. Lalapit sana ako ng mag labas ng patalim ang isa pang lalaki.

"Sino kayo? Anong ginagawa niyo!?" Sigaw ko, hindi binibitawan ang tingin kay Eomma.

Hindi sila sumagot. Tinututukan padin ako ng patalim ng isang lalaki hanggang sa tuluyan na silang umalis at lumabas ng bahay. Napaluhod nalang ako at napahagulgol. Anong kailangan nila? Kaasar. Hindi ko nagawang iligtas si Eomma.

Agad kong hinanap ang phone ni eomma. Nakita ko ang contacts at agad cinall ang number ni Appa.

"Hello Honey?" Saad sa kabilang linya.

"Appa." Tanging sambit ko at pinipigilang mapahagulgol.

"Anak? What's wrong? Bakit nasayo yung phone ng eomma mo?"

"Appa, si Eomma po. D-dinukot po siya. H-hindi ko po alam kung saan nila dinala."

"What the! Okay. Papunta na ako jan Chim. Make sure na ilock mo ang pinto at huwag na huwag kang magpapapasok hangga't hindi ako dumadating. Understood?"

"Oppo, appa." Saad ko at pinatay ang tawag. Sinunod ko ang sinabi niya. Nilock ko ang pinto at isinara lahat ng bintana at pwedeng pasukan at labasan. Pinipigilan ko ang huwag mag over emotional dahil sa nangyayari. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Kung maiiyak ba? O kung matutuwa kasi makikita ko na for the first time si Appa? O mag-aalala?

Halo halo na ang nararamdaman ko ngayon.

Bigla namang nag ring ang phone ko.

Suga

Suga
Is anything wrong?

Jimin
Ano bang pinagsasabi mo?

Suga
All right then. See you. Please take care until we go there.

Jimin
Anong bang pinagsasabi mo?

Suga
Im worried

Jimin
And I'm confused.

Suga
Look okay. I'm sorry.

Jimin
For what?

Suga
I'll explain to you everything.

Protecting My Jimin || YOONMINWhere stories live. Discover now