Chapter Twenty-six.

3K 84 15
                                    

A/N: Shout out ko lang tong dalawa who's always been supportive! aleXxunderated C0denameXx ! <— Read nyo rin story 'nya! Sana matapos mo story mo beh HAHAHHA keep writing din po <3

Anyways, ilang chapt. nalang guys. Please support my new story, too!

Title: Lucky I'm Inlove with BEKS

Yern lang! Padaan muna. HAHAHKSKSKS Enjoy!

———————

“Charm! Hey! Wake up! Charm!”

“Hmm...?”

Nagising ako sa matinding pag-alog na ginawa ni Lana sakin. Kinusot ko ang mata ko at tumambad sa harapan ko ang mukha ni Lana na mukhang nag-aalala.

“May napanaginipan ako.” I shifted my gaze at the window. Mukhang maaga pa naman.

“About what?” umupo sya sa tabi.

“Remember the kid na kinuwento ko sayo before?”

She nodded. “And what about that kid? Dinalaw ka na naman 'nya sa panaginip mo?”

“Napanaginipan ko ulit 'yung nangyari samin.”

Ngayon lang ulit ako nanaginip about 'dun. Medyo hindi ko na kasi talaga maalala ang pangyayari na 'yun, eh. Ni hindi ko nga alam ang rason kung bakit kami napunta sa dagat at bigla nalang nalunod.

“Maybe you should pray for the soul of that kid. Anyway, maligo ka na. May class pa tayo!”

She's right. May klase pa kami! But I still need to go at Andrew's unit. I still have to get my things and stuffs.

“Mauna ka na sa school, Lana. Kunin ko muna mga gamit ko sa condo 'nya.”

“You sure? Samahan nalang kita.”

“Huwag na. I can do this. Just please write my name at the attendance sheet later. Papasok ako sa second sub.”

“Okiee dokie!”

Umalis agad si Lana at nauna na nga. Nagbihis muna ako at kumain sa iniwang pagkain ni Lana. I checked my wristwatch and saw that it's already 8 am.

Bumaba agad ako sa building at sumakay sa sasakyan ko. I know Andrew isn't there right now. May pasok sya sa oras na 'to. I just hopefully pray na hindi ko sya maabutan! Huhu!

Kinakabahan akong sumakay sa elevator papunta sa unit 'nya. Nang makarating ako, tinipa ko agad ang passcode.

Huwew! Buti nalang talaga walang tao rito! I can peacefully get my stuffs.

Dali-dali kong inimpake ang mga gamit ko sa kwarto ko rito. Buti nalang hindi masyadong marami ang gamit ko. Ni hindi na rin ako nag-abalang tupihin ng maayos ang mga gamit ko dahil sa pagmamadali.

Nang sa wakas matapos ako, hinila ko agad ang dalawang bagahe.

Tingin sa labas.....

Check! Walang tao.

Lakad...

Lakad...

“Where have you been?”

Halos mapaigtad ako sa sobrang gulat dahil sa boses na narinig ko mula sa likuran. Napahinto ako at dahan-dahang napalingon. My cheek blushed with the view I saw.

Andrew was just wearing his boxers. Magulo ang buhok, naniningkit pa ang mga mata at halatang bagong gising lang!

“Uhm, I-I'm l-l-leaving, Andrew.” why am I stuttering?

“Why? What did I do wrong? Kung meron man akong nagawa, I'm sorry.”

He stepped closer kaya napaatras ako. Sa kakaatras ko, natamaan ko ang table na kinalalagyan ng mga vase at mga larawan dito sa living area 'nya. Nahulog ang isang vase pero hindi sya nagpatinag.

Mas inilapit 'nya pa ang katawan 'nya sakin.  He sincerely look at me in the eye. I can see some hint of sadness sa mga mata 'nya.

“For pete's fucking sake, Charm! Tell me naman kung may nagawa ba ako. I just saw you yesterday at bigla ka nalang tumakbo paalis. Kung about man kay Renz, wala 'yun, okay?”

Nagulat pa ako sa ginawang pagmura 'nya. Sa sobrang lapit 'nya naririnig ko na ang mabilis 'nyang paghinga.

“It's not about that, Andrew.”

“THEN WHAT?!”

Nagulat ako sa ginawang pagsigaw 'nya. Ilang beses na ba akong nagulat ngayon? Shemay naman kasi! Nakakatakot magalit si Andrew!

Pero teka nga, bakit ba sya galit? He should be happy, atleast. Sa wakas, wala na syang kasamang gugulo sa buhay 'nya.

“Do you love me, Andrew?”

Napatakip ako sa bibig ko matapos kong mabitawan ang tanong na 'yun. Matagal syang napatitig sakin. Para bang hinahanap 'nya ang sagot sa mga mata ko.

I know, Andrew. I know. You will never love me, right? Babae ako at hindi ako ang gusto mo. Napaka-imposible nga na magustuhan 'nya ako, eh. Ang mahalin pa kaya? Nahihibang na ata ako.

Natawa ako ng bahagya. His brows furrowed sa biglaang pagtawa ko. “Of course, you don't love me, right? Asa pa akong mamahalin mo ko!”

“Charm.. I'm seriously confused—”

“I already know, Andrew. It's impossible for you to love me. Mom already canceled our engagement. We're done, Andrew. I'm leaving now. Thanks for everything. Salamat  sa panandaliang pagpapadama sakin na espesyal rin ako sa buhay mo.”

Pinahid ko ang luhang tumulo sa mukha ko. Ano ba naman! Ba't naman ako umiiyak? I already accepted the truth. I didn't know na ganito rin pala kasakit kapag nakaharap mo na at sasampalin ka ng katotohanan.

Na kahit pa tanggap mo na sa sarili mo, hindi rin talaga mawawala 'yung sakit.

“Please. Don't leave me, Charm..”

Mahina lang ang boses 'nya, its enough for me to hear him. I didn't expect that Andrew will beg me to stay. What's the point, right?

“Enough, Andrew. A-aalis na 'ko.”

Tinulak ko sya ng bahagya at nagpadala rin naman sya. Umalis ako sa harapan 'nya saka ko inabot ang bagahe ko na nabitawan ko pala.

“Please...Charm.”

Umalis agad ako roon. I really have to pick myself back again. Masyado na ata akong nabasag dahil hulog na hulog na ako sa kanya. I love Andrew, but things didn't really go well if it is not meant to happen.

Kahit mabigat ang nararamdaman ko, pumasok pa rin ako sa school na lutang.

“What happened?” nag-aalalang tanong ni Lana.

I saw Wyndell suddenly gave me a hug. Ang lungkot ng mukha nya at parang maiiyak na. Mukhang uunahan pa nya ata akong umiyak. Gaga rin 'to eh.

“I didn't know na ganyan pala ka-complicated ang lovelife mo, Charmyyy! Huhuhu!” at tuluyan na nga syang umiyak.

“Naikuwento ko kasi sa kanya ang tungkol sainyo ni Andrew.” Lana said.

Umupo kaming tatlo sa upuan. Wala pa namang professor kaya may time pa kaming makapag-usap. Kinuwento ko na rin sa kanila ang eksena sa condo kanina. Ito naman si Wyndell, iyak nang iyak. Parang sya pa 'yung mukhang heartbroken kesa sakin. Huhu!

“Just go with the flow. Kung kayo, kayo talaga. Give yourself a break first.”

“Oo nga. Saka huwag na natin pag-usapan. Gusto ko nalang mag-move on.”

Hays. Bakit ba ang malas ko sa love na 'yan? Ilang beses na kaya akong nasaktan? Sa apat na heartbreaks na naranasan ko, ito ata 'yung pinakamasakit sa lahat :((

Seducing my Gay Fianceé (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon